"SEÑORITA Elleana! Nagbalik ka!" tuwang-tuwang salubong ni Inang May kay Elleana nang pagbukas nito ng pinto ay siya ang nabungaran.
"Aunt May! I missed you po!" Niyakap niya ito nang mahigpit.
"Halika sa loob."
Nilibot niya ng mga mata ang kabuuan ng bahay, saka huminga nang malalim, taking everything in. She missed them all. The smell of the mansion, ang mga tanim na mais at tubo, ang luto ni Inang May.
Lahat.
Lalo na si Felipe.
Hinanap ng mga mata niya si Felipe ngunit kahit anino nito ay hindi niya nakikita. "Nasaan po si Felipe?"
Lumapad ang ngiti ni Inang May. "May kaibigan siyang dumating sa Bangui kahapon. Pero pauwi na iyon ngayon. Kumusta na po kayo, Señorita Elleana?"
"Mabuti po, Aunt May. I'm very sorry," seryosong wika niya kasabay ng paggagap sa kamay ng matanda.
"Naku, wala iyon, hija. Nauunawaan namin ang nangyari. Alam namin na nabigla ka lang sa nalaman mo."
"Ang sabi ni Daddy, may diary daw si Mummy sa kuwarto ko. Nandoon pa ba?"
"Oo, hija. Halika at puntahan natin ang silid mo."
Mula sa pinakailalim ng baul, kinuha ni Inang May ang diary na tinutukoy ng daddy ni Elleana. "Heto, hija. Ibibigay ko sana iyan noong araw na umalis ka. Kaso sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko na nagawang ibigay sa iyo. Inihabilin sa akin ng papa mo 'yan. Mangyari, eh, makakalimutin ako."
Isang ngiti ang itinugon ni Elleana sa matandang babae. "Babasahin ko lang po ito."
"O, sige, Señorita. Ipaghahanda ko kayo ng meryenda sa ibaba."
Pagkalabas ni Inang May, binuklat ni Elleana ang diary ng mummy niya. Sinimulan niya iyon sa bahaging sinasabi ng daddy niya.
Anak, ngayon ay magtatatlong buwan ka na sa aking sinapupunan. Tuwang-tuwa ako na dumating ka sa amin ng papa mo. Umaasa ako na makikita ko ang iyong paglaki.
Ngunit sa wari ko ay hindi yata mangyayari 'yon. Hiling ko na lang na sana ay maisilang kita bago ako mawala.
Pumatak ang mga luha ni Elleana habang binabasa iyon. Sinabi sa kanya ng daddy niya na may sakit ang kanyang mummy. Isang himala raw talaga na naipagbuntis siya nito. Kaya napilitan silang sa London tumira ay dahil naroon ang pinakamahuhusay na espesyalista para sa sakit ng mummy niya. Inalagaan ng mga ito ang mummy niya sa mga huling buwan na ipinagbubuntis siya. At isang himala talaga na umabot pa nang halos anim na taon ang sakit ng kanyang mummy kaya nagkaroon pa ito ng panahon sa kanya habang lumalaki siya.
Napakabait na bata ni Felipe, anak. Kanina, naabutan ko siyang inaawitan at kinakausap ang mga halaman ko. Mahilig sa halaman si Felipe. Pangarap niyang maging magsasaka balang-araw. Napakasimple ng kanyang pangarap. Sana'y maging kagaya ka niya na mahilig sa pagtatanim nang sa gayon, mapangalagaan mo ang maisan at tubuhan natin. Hindi madaling magtanim, anak. Mainit at nakakapagod. Ngunit kapag anihan na ay saka mo lang malalaman ang saya ng pinaghirapan mo.
Elleana sighed. Hindi siya lumaki gaya ng inaasahan sa kanya ng mummy niya. Kabaligtaran siya ng lahat ng mga nakasaad sa diary. "But it's not too late, Mummy." She vowed, saka ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Elleana. Iyan ang pangalan mo. Ibinigay ni Felipe ang pangalang 'yan sa iyo bago kami umalis ng daddy mo papuntang London. Ang ibig sabihin ng Elleana ay puno. Nawa'y maging gaya ka ng isang puno. Matatag at matibay sa kahit anong unos. Sana'y lagi kang magdala ng tulad ng lilim ng puno na makapagpapasaya sa mga tao kapag pagod. Nawa'y maging gaya ka ng isang puno na nakapagdudulot ng saya sa isang taong nalulumbay.
Tears fell on her cheeks uncontrollably. Kalahati yata ng buhay ni Elleana ay nauubos sa pagpapakalayaw at pagkontra sa mga nais ng daddy niya para sa kanya. Nothing like how her mother wished for.
Ngayon ang araw ng pag-alis natin, Elleana. Nagpaalam sa iyo si Felipe. Hinawakan niya ang aking tiyan at sinabi niyang hihintayin ka niya. Nang marinig mo ang tinig ni Felipe ay sumipa ka sa tiyan ko.
Napahinto si Elleana nang mabasa ang huling mga salita. Napangiti siya. Nasa tiyan pa lang pala siya ng mummy niya ay kinaiinisan na niya si Felipe. Baka dahil doon kaya siya sumipa. She laughed out loud with that thought.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataong naramdaman kong sumipa ka, anak. Marahil ay nabighani ka sa tinig ni Felipe. Maganda ang tinig niya, anak. Lalo na kapag kinakantahan niya ang mga halaman ko. Punong-puno ng pagmamahal.
Elleana, anak, gusto ko na balang-araw ay bumalik ka rito. Balikan mo ang lugar kung saan kami nagsimulang umibig ng daddy mo. Minahal ko ang daddy mo sa paraang alam kong tama. Pagmamahal na kaya kong ibigay. Gusto kong maramdaman mo ang saya ng buhay rito, anak—ang lugar na aming minahal at inalagaan. Balikan mo si Felipe. Hiling kong sana'y binata pa siya pagdating ng araw na 'yon. I know he's a good man. He'll take care of you the way he took care of my plants. May respeto, dedikasyon, at punong-puno ng pagmamahal.
Hindi magtatampo ang daddy mo kung hindi si Felipe ang pipiliin mong pakasalan. Pero natitiyak kong paliligayahin mo nang lubos ang iyong daddy kung mangyayari iyon. Believe me, Elleana, Felipe is the best man for you. I'm hoping that someday, you will marry him... Mahal ko ang daddy mo. Ngunit alam niyang ang puso ko ay nananatili lamang kay Miguel kahit na naikasal na kami. Ipinagkakapuri ko ang daddy mo na hindi siya kailanman naghihinanakit sa akin sa bagay na iyon. Hanggang sa kahuli-hulihan ay tinanggap niya ang antas na pagmamahal na kaya kong ipadama at ibigay. Hindi na siya naghanap pa.
Isang piping hiling ko na sa inyo ni Felipe mangyari ang hindi nangyari sa amin ni Miguel. Ang pagmamahalan namin ni Miguel na hindi nagkaroon ng katuparan dahil sa isang pagkakamali. Ituloy ninyo ni Felipe ang walang katumbas na pagmamahalang aming binuo at pinangarap.
Pinahid ni Elleana ang mga luha at isinara ang diary ng kanyang mummy. Ngayon ay naiintindihan na niya ang lahat.
Isang mahinang katok ang narinig niya. Bumukas iyon at pumasok si Inang May.
"Magmeryenda ka muna, Señorita Elleana." Inilapag nito ang dalang nilagang saging sa side table.
"Salamat po. Elle na lang ang itawag n'yo sa akin."
Tila nahiya si Inang May sa narinig. "Nakakahiya naman, hija."
"Iyon po ang gusto kong itawag n'yo sa akin. Ituring n'yo po ako ni Uncle Ben na bahagi ng pamilya ninyo."
Ngumiti si Inang May. "Sige, hija." Nadako ang tingin nito sa diary. "Nabasa mo na ba lahat iyan?"
Umiling si Elleana. "Hindi pa lahat, Auntie. Iyong dulo lang ang binasa ko. Iyon ang sabi ni Daddy sa akin. Para daw maliwanagan ako."
"Natutuwa ako at nakinig ka, hija," masuyong sabi ng matanda kasabay ng pagpahid nito ng mga naiwang luha sa kanyang pisngi.
"Salamat po, Auntie..."
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomantikElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...