London, England. Present time
INGAY ng musika at iba't ibang kulay ng neon lights ang masasalubong sa pagpasok sa Ministry of Sound, isang kilalang club sa London. Hindi mahulugang-karayom ang lugar sa dami ng tao. Ngunit sa kabila niyon, kapansin-pansin ang isang babaeng patuloy sa pag-indak sa saliw ng maharot na musika na pumupuno sa dance floor. The woman had legs that seemed to go for miles encased in leather pants. She was wearing a loose and glittery strappy top that did nothing to hide her curves and showcased her firm tummy whenever she raised her hands to move to the beat of the music. And her crowning glory—rich auburn curls—flew around as she let the music pulse through her.
Male eyes, and even some female ones, couldn't help but stray towards her admiringly. Bawat isa ay umaasam na mapansin nito.
Elleana Syquia.
Unica hija, prinsesa, at maharlika kung ituring ng mga kakilala at kaibigan. Filipino man o banyaga. She was living a grand life that every girl envied and dreamed of. She had everything in this world. Kasalukuyang kabungguang-siko ni Elleana ang mga kilalang miyembro ng alta-sociedad at kahit na ang ilang nakababatang dugong bughaw sa siyudad na iyon.
Bukod doon, isa rin siyang part-time ad model ng isang kilalang brand ng makeup at endorser din ng iba't ibang clothing line. Kung hindi dahil sa pagtutol ng ama, tiyak na isa na siyang supermodel kahit hindi naman siya kataasan. Pero sabi ng kanyang agent, maganda ang register ng kanyang mukha sa camera and that her cheekbones were to die for. Huwag nang isali pa ang natural niyang kulot na buhok na sadyang makaagaw-pansin. Subalit mahigpit na tinutulan ng ama ni Elleana ang kanyang pagmomodelo. At ayaw man ay napilitan siyang sumunod. Hindi niya gustong galitin ang kanyang nag-iisang magulang, lalo't alam niyang may sakit ito sa puso.
"Elle, your bodyguards are coming!" sigaw ni Gigi, kaibigan ni Elleana at kapwa modelo. Bottle blonde American at nakasuot ng uri ng damit na maeeskandalo kahit sino kapag yumuko ito kahit kaunti lang.
"What?" bulalas ni Elleana sa pagitan ng pagsayaw, barely hearing Gigi over the DJ dropping the bass.
Her friend grinned. "Your hounds are here."
Pagkarinig niyon, agad na dumako ang tingin ni Elleana sa itinuturo ng kaibigan. She groaned in frustration, saka huminto sa pagsayaw. Leaving the lucky guy she was dancing with, nakipagsiksikan siya sa mga tao upang salubungin ang dalawang bodyguards.
Tumigil ang dalawang lalaki at humalukipkip nang makitang palapit na si Elleana. Sila ang dalawang bodyguards na kinuha ng daddy niya para sa kanya. Hindi dahil may nagtatangka sa buhay niya kundi para bantayan lang siya at paalalahanan ng oras ng pag-uwi. Kabuntot niya ang mga ito saan man siya magpunta at naka-report agad sa daddy niya. Something that really drove her up the wall. Hindi naman siya miyembro ng royal family pero magkasindami yata sila ng sinusunod na protocols.
"Is there a problem, boys?" nakapamaywang na tanong ni Elleana sa dalawa. Naiinis siya sa dalawang ito kapag bigla na lang pumapasok sa mga lugar na naroroon siya. Pakiramdam niya, para siyang paslit na lagi na lang dapat bantayan.
"You've an emergency call from your housekeeper, Miss Elle," sabi ng isang bodyguard.
Umangat ang isang kilay ni Elleana. Again? Ngunit sa kabila niyon, may bahagyang kabang gumuhit sa kanyang dibdib. "Emergency? I just talked to daddy a while—an hour ago," she amended, dahil kung tutuusin, ilang oras na mula nang makausap niya ang ama.
Hinawakan siya ng isang bodyguard sa siko. "Get your purse, Miss Elle. We have to take you home. The housekeeper said your father needs you. Now."
Napahugot ng hininga si Elleana. Biglang naglaho kung ano man ang pagtataray na nais lumabas sa kanyang bibig. Mabilis niyang binalikan ang Valentino shoulder bag mula sa VIP section nila at nagpaalam sa mga kaibigan. Kinalabit niya si Gigi. "If Niccolo shows up, tell him to call me..." Si Niccolo ay ang Italyano niyang boyfriend. Modelo ito ng isang sikat at kilalang brand ng sports items at pareho sila ng modeling agency.
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...