Chapter 2: Strange Encounter

1.4K 69 3
                                    

Creya Montevallo



Mahinahong binukas ko ang aking takip mata at mapungay na tiningnan ang taong gagong tumapik sa balikat at pisnge ko napara bang isa akong drum. Mas nairita ata ako ng bumungad sa akin ang mukha ni V na may ngisi pang pinagtaas baba ang mga makakapal niyang kilay, kaya naman na pa daing ako sa iritasyon at pilit bumalik sa pagkakasubsob para matulog ulit.

Kakatapos lang siguro nung second period namin at recess time na dahil napansin kong maraming studyante ang naglalakad lakad sa may hallway. Friday ngayon, at ang salitang biyernes ay nangangahulugang marami kaming vacant. Tanging first at second period lang yung klase namin ngayon at wala na kaming klase sa ibang oras patungong hapon.

"V, inaantok ako lumayas ka." Hiling ko na hindi nya tinupad. Bagkus ay dinampi nya ang malamig na bagay sa balat ko kaya kaagad akong napaayos ng upo ng wala sa oras.

Pinukulan ko sya ng masamang tingin at marahas na inayos ang sabog ko ng buhok na tila hindi sinusuklayan ng ilang taon. Sa halip na manghingi ito ng tawad ay nilahad nya lang sa akin ang isang yakult at cornetto.

Kahit gusto-gusto kong kunin yun ay nagmamaldita pa ako at tinanong sa kaniya kung para saan yung dalawang yun.

"Napulot ko lang yan sa basurahan. Ang sayang naman kaya ibibigay ko nalang sayo." San ba nakuha ng lalaking to ang waley na excuse?

"Palusot dot com mo V nangangamoy panis." Inikutan nya lang ako ng mata. Baklang to talaga.

"Nagsalita ang nagpapalusot na may dalaw daw pero gusto lang talagang tulogan yung klase." Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ohmyghadness, how did you know?" Ngumisi lang sya sa akin.

"Gawain ko yan Crey, pagdiskitahan mo na lahat wag lang ang master."

/pouts; hmp. Edi ikaw na.

May panunudyong binigyan ko sya ng malasingkit na mata, "tss.. competitive as fvck, Kivon Laurent." Komento ko pero agad ding napadaing dahil sa pagpitik nito sa bibig ko.

"Watch your mouth young lad, pwede kang magmura pero wag sa harapan ko."

"Sorry na nga, bat kailangan mo pang pitikin yung bibig ko?"

"So gustong mo halikan ko ganun?" A...anu daw?

"Woaaah sheet poorrnn!"

"PvtaaaAaaaa."

"Ayyiieeeee.."

"Makakatangnang sanaol ka nalang."

"Nawa'y lahat diba soulmate."

Mga siraulo.

"Oh edi sorry na. Di na mauulit." Ngumiti lang sya kaya kinain ko na yung cornetto.

V and I were friends since the first grade. And we both like to watch sunsets. Nakakatawa nga dahil natatandaan ko pa kung gaano kami mag-away nito nung kinder palang kami. We fought each other sa tuwing may itatanong sa amin ang teacher namin at nagpaparamihan ng stars na makukuha. Until nung nag grade 5 kami ng mapagpasyahan ng magulang nya na lumipat. We never had communications after that. Tas dumating yung panahon na nasa grade 9 na ako at nabalitaan naming may bagong studyante raw ang school at sa room pa talaga namin masasalta. I never really thought na yung transferee na yun ay itong hayop na to pala.

"Tapos ka ng titigan ako?" Napailing ako sa pagkaka straight forward nito. "Feeling mo naman masyado."

"Balik na tayo sa pagtulog." Abat.

Cintra Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon