Creya
Binigyan kami ng ilang minuto ni headmistress para makompleto ang bawat myembro ng bagong grupo. At bawat taong pumupunta sa grupo namin ay tinitingnan ko ang orb na hawak nila. Hala sya, bakit ende umiilaw yung sa kanila?
Wala pa mang dalawang minuto ay nagsalita na agad si miss Ynah, ang headmistress ng academy.
"Ang mga taong kasama nyo ngayon ang syang magiging kagrupo nyo sa mga araw na igugugol nyo sa paaralang ito. You still have this day to explore the academy, but before that, on your way out, you may grab your group's map and your things provided by the academy. Til then, welcome to Cintra Academy, enjoy your first day students."
Nagsimula ng magsialisan ang ibang estudyante habang kami ay nanatili paring nakatayo sa kinaroroonan namin.
"Wala ba kayong balak umalis?" Tanong nung lalaking may oceanic blue na mga mata at kulay itim na mga buhok na may kaunting blue. Sheemaayy ang cool nya. Actually sila lahat, except lang sa kin na parang tira-tira.
"Ah.. should we introduce each other first? Para less awkwardnism, hahahaha you know, just sharing." Suggest nung girl na may pares na greyish yellow'ng mga mata at maikling buhok na kulay bloody orange.
"Ayss mamaya nayan, makikila rin naman natin ang isa't-isa sa darating na iilang araw. Basta ako kilala ko na iba sa inyo." Sambit ni Dam at umunang lumakad.
Wala na rin kaming nagawa kundi sumunod sa kanya. She walked first kaya sya yung kumuha nung mapa na para sa grupo. Nagsikuha narin kami ng mga brown leather backpacks namin na may lamang mga gamit. I was about to get mine nang may nahagilap ang mga byutipol eyes ko sa katabi nitong kukunin ko. Just like any other bag, ganun din ang uri nito. But what makes that caught my eyes ay dahil sa naka embroid na letter 'C' na kulay ginto sa may gilid. So instead na yung katabi yung kunin ko ay iyon ang kinuha ko at isinakbit sa balikat ko.
"Pvtangina anong klaseng mapa to?" Sabay-sabay kaming napatingin kay Dam nang mahina itong nagmura habang nakatingin sa scroll.
"Ewan ko, di ko naintindihan. Oh pass." She handed the scroll to the guy na may maiitim na mga mata at asul na buhok. "Uy! Mapa pa ba to?" May kaunting tawa nitong bulalas at binaliktad-baliktad pa yung scroll na hawak nya.
"Akin na nga yan." Pag-agaw pa nung isa. "Aha! Alam ko to!" Anunsyo nya kaya mas nakyukyuryos tuloy ako kung ano ang nasa mapa. "... isa itong mapa aray! Bespar bat ka nananapak?" Kaagad na tumaas ang isang kilay ko.
"Kung may pagkagago ka talaga Charles." Natatawang komento nung unang binigyan ni Dam sa scroll. "Mapa naman talaga yan ah." Ahh close pala sila. Sanaol.
"Crey, mag jowa ba sila?" Tanong ni Allie na nasa gilid ko. Hindi pa man ako makasagot nang may sumagot sa kabilang gilid ko. "Feeling ko oo, tas yung Charles yung bakla. Diba? Para syang bakla?" Pareho kaming napakurap ni Allie sa sinabi ni Dam at napatingin sa dalawang lalaking nagbabangayan.
"H-hindi naman siguro."
"Hindi mo nakikita?"
"Parang oo na hindi." Humagalpak ng tawa sina Allie at Dam na para bang nagkakaintindihan.
Ahh.. hello? Nasa gitna po ako. Opo andito po ako.
"Tara na." Lahat ng atensyon kabilang na yung sa akin ay naibigay sa isa naming kagrupo nang magsalita ito. He has this white messy hair at di ko makita ang ibang feature tulad ng mata nya dahil nakatalikod na ito sa amin.
"Wow pre naintindihan mo?" Gulat na tanong nung lalaking natira na may kulay berdeng mga mata at maitim na buhok.
"Mag-aaya ba ako kung hindi?" Holysheet.
Tumawa lang yung lalaki at sumunod sa kaniya. Hindi ba sya na hurt ng 7% dun?
Sumunod lang ako sa kanila habang panay naman sa pagkwekwentuhan sina Allie at Dam. I followed behind them kaya mas naoobserbahan ko ang mga kasamahan ko. All of us were nine in total, at so far sina Dam at Allie palang ang official na nakikilala ko.
We made our exits at nilibot ang buong kalooban ng akademya. We just followed the lead at kinabisado ko talaga yung mga daan especially yung papuntang dining hall.
"Ahhh ito pala yung locker."
"Ahh kala ko nasa gilid ng hallway."
"Ahh kala ko ekaw aken.."
"Totoo sakeng panengeeenn.."
Buong tour namin ay yung dalawang magkakaibigan lang ang pinakaingay. Matapos naming makita kung saan yung locker area ay nag proceed kami papuntang library. Though just like what Charles said, hindi sya yung locker na nasa gilid ng hallway. The locker area is confined in room na hindi namin sinubukang tingnan. Ghad, na eexcite tuloy ako sa locker :<
"Aray shuta." Kaagad akong napahawak sa noo ko nang mabunggo ako sa likuran ni... di ko alam sino sya eh. Mamaaaa..
"Ohh okay ka lang?" Tingin mo bes okay lang ba ako?
Napasimangot ako sa tanong nya pero dahil hindi ko pa sya kilala at gusto ko ng 'seeming' personality first. Hilaw na napangiti ako at tumango.
Ewan ko naman kasi na huminto pala sila. Bwesit talaga eh (╥﹏╥)
"Wag ka kasing humarang sa daanan Liv, yan tuloy may nabunggo ka." Pagalit na sambit ni Charles, iyong lalaking may oceanic blue na mata at kulay itim na halong blue highlights na buhok.
"Waaaw tamalas."
"Welcome."
:<
"Sorry ha." Pagpapaumanhin nito. I waved my hand before me, "hala hindi, okay lang, ako nga dapat ang mag-sorry. Haha. Sorry." May bow pa talaga iyon. Bait ko talaga.
"Hahaha okay lang. Romliv Reece." Paglalahad nito ng kamay. I see, this guy with a jet black eyes and blue hair is Romliv Deux. Okaaayyyy... "Creya Montevallo, nice to meet you."
"Hi Crey, Charles Gleason nga pala." I mouthed my hi with an uncomfortable smile. Hindi ako sanay sa ganito ha.ha.ha.
"Ang ingay ba namin masyado?" Tanong agad nitong Charles.
"Oo hihi.."
"Hays, kaya gusto ko nalang mapaos eh, para hindi na ako madala sa kadaldalan ni Liv." Bagot pa nito. At doon na nagsimula ang pagkwekwentuhan namin.
Kasunod naming pinuntahan ang library kung saan nasa west wing nitong academy. The guy in white hair opened the double door, revealing the wide and spacious, red-carpeted library. Bubungad na agad sayo ang isang hagdan pataas na may magkabilang hagdan din sa magkabila pagkaabot sa centro. Some yellow-dusted fairy silently flew on the air. Some brought books with them at inilagay iyun sa may bookshelf. May iilan ding studyante nakatambay dun at sa tingin ko ay mga seniors namin sila. Sobrang taas nung pinaglalagyan ng mga libro, kaya siguro may mga fairies na naka assign dito sa library. May isang malaking chandelier din sa taas nito at malaking globo. Sa gilid ng library ay may malalaking statue ng pigyura ng tao na may hawak na sandata.
Manghang tiningnan ko ang loob ng silid. Sanaol diba may ganitong library.
Pagkatapos naming puntahan ang mga nakalagay sa mapa ay nag-aya agad sila na kumain. Hindi na muna ako sumali dahil naiilang pa ako kahit may kilala na ako sa grupo. Pumanhik agad ako sa kwarto ko at natulog nalang.
~~~
Anonyyykyut:
So teneenn~~ that's all for chapter 9. I'll be posting the next chapter maya-maya so please give this chapter a vote by clicking that little star pleasueee.
How was it so far? Let me know your thoughts in the comments. ^-^
Stay safe folks, wag nyong kalimutan ang social distancing at ang paghuhugas ng kamay. Matatapos din lahat ng to, tayo pa ^-^
COVID lang yan PINOY tayo.
#LezFaytCOVID-19
BINABASA MO ANG
Cintra Academy (On-Going)
FantasyAlong with the living of gods and goddesses, the world called Abyss also has its existence. Abyssians, the direct descendants of one of the primal greek ones established an academy known to the whole Abyss, one of the most prestigious school of mag...