Chapter 29: Luke's Existence

435 32 9
                                    


Creya



Panibagong araw ang bumungad sa aking pagmumukha at di ko mapigilang  mapadaing sa irita. Tinalukbong ko agad ang aking kumot at tumagilid umasa na makakatulog ulit ako. Ngunit iilang minuto na ang nagdaan ay nanatiling mulat ang aking diwa kaya wala akong ibang choice kundi ang bumangon at pumunta ng banyo para maligo.

Pangatlong araw na to magmula nung lumabas kami ng academy para sa training namin. Mula nun ay di na kami pinatawag pa ni prof Hell para pumunta ulit sa chamber of time and space. Mabuti nalang at nasa iisang classroom lang kaming siyam kaya magkasabay parin kami.

Matapos kong gawin lahat lahat sa loob ng kwarto ay tinahak ko na ang mahabang pasilyo papalabas ng dormitoryo. Araw ng sabado ngayon, hindi kami required na magsuot ng uniporme tuwing weekends kaya suot ko ngayon ang maluwag kong gray shirt na pinaresan ko ng denim short. Wala gaanung tao sa hallway siguro ay tulog pa yung iba dahil wala namang klase ngayon ang Cintra.

Tinahak ko agad ang daan papuntang dining hall para kumuha ng makakain.

"Morning Crey." Kamuntikan na akong mapatalon sa sarili kong mga paa nang may biglang umangklang braso sa balikat ko.

"V! Ayy ikaw pala Sian." Anak ng tipaklong.

Tiningnan nya ako na tila may something sa sinabi ko habang kumukunot ng bahagya ang noo nya. Kagaya ko ay parang bago palang ito nagising.

"Anong V?" Tanong pa nito kaya napabawi ako ng tingin.

"Wala yun. Bakit ka ba kasi nanggugulat?"

"Hala ako pa nanggugulat eh ikaw nga tong kanina pa wala sa sariling naglalakad na parang patay." Ang galing talaga mag describe ng hayp na to :)))

"Parang patay sa kaniya yieee." Sunod nitong banat kaya kumunot ang noo ko.

"Eh kung ikaw patayin ko?" Lalaking to babanat-banat wala namang konek. Saan naman ako patay na patay pag ganun aber?

Kaagad nya namang tinaas ang dalawang palad nya at ngumiti.

"Sikrit." Ani nito bago nagpakawala ng tawa at umunang maglakad sakin na parang bata.

Nailing nalang ako ng ilang ulit habang nakatingin sa likuran ni Sian. For the moment there, I thought it was V. Pero alam ko namang malabong mangyari yun, he didn't know me. Isa pa akong bura na nilalang na hindi nila maaalala sa ngayon. But still hindi naman siguro masamang isipin na may posibilidad na mangyari yun di ba?


"Sabihin mo lang kung gusto mong maging rebulto jan at agad-agad gagawin kitang istatwa." Wala sa oras na napalingon ako sa likuran ko para lang makita si Travis na walang kupas yung kasungitan.


"Trabing!" Bati ko pa gamit ang palayaw na ginagamit ko bilang pangtawag sa kaniya. Ang kyut kasi ng trabing. Pero mas kyut nga lang si ms. A yiee.

Pinagsingkit nya ng tagpo sa akin ang kaniyang mga mata bago nag 'tsked' at kagaya ni Sian, inunahan nya rin ako. Apaka gentlemen ata ng mga lalaki sa Alpha, nakaka-flattered. Mark that sarcasm.

Susunod na sana ako sa kaniya dahil pareho naman kami ng tatahaking landas papuntang dining hall nang mahagilap ko ang greenhouse sa labas ng salamin na pinto. Isang imahe agad ang pumasok sa isipan ko.


Si Luke, andun kaya sya dun ngayon?





"See me here every night. Maghihintay ako sayo dito."






Cintra Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon