Chapter 15: Training

702 36 0
                                        

Creya

Nakaupo lang kaming siyam sa table na palagi naming inuukupahan sa twing kakain kami sa dining hall. Alas syete na ngayon ng gabi at sa halip na kakain na kami katulad ng iba, nananatiling bakante ang lamesa namin. Our mind were filled with many questions kahit hindi ako nakakabasa ng isipan, basang-basa naman sa mga mukha nila. Though we already clarified our concerns with the headmistress at binigyan nya naman kami ng sagot. Pero ngayon, parang bumabalik ata yung mga tanong.

"Brrrr.." marahas pang pag-iling ng mga ulo nina Charles at Romliv. Nagpakawala din si Maryel ng mahabang hininga at sumandal sa upuan nya.

"Did we just received that we have the most heftier responsibilities out of all groups?" Wala sa sariling tanong ni Allie na hindi naman namin sinagot.

Namayani muli ang katahimikan at wala pang minuto ay binasag agad ito ni Charles. "Ano na? Wala ba tayong balak kumain?" We scoffed softly at ibinaling lahat ang atensyon kay Travis nang tumayo ito sa kinauupuan nya at umalis. Sumunod din si Kassian sa kaniya kaya nagkatinginan kami.

"Wala akong gana." Pauna ni Jisue.

"Gusto kong kumain at the same time matulog." Halumbaba pa ni Dam. Nagkibit-balikat nalang kaming lahat sa isa't-isa, at kahit hindi pa kami nakakakain ay lumabas na kami ng dining hall.

Morning came at nagsipuntahan agad kami sa locker para magbihis. Kinuha ko yung nakahanger na training garb ko na isa lang namang P.E attire, sosyal lang yung isa. Cool, my locker fairy commanded the tree to bow para yung mga dahon nito ang magsilbing pangtakip ng katawan ko.

I looked at Cool skeptically. "H..hindi ba ako masisilipan nito?" Cool just smiled at me with her cute lips and shook her head. Nagbihis narin ako sa itim na shirt na may white lines sa neck line, shoulder, both sides at sa bottom nitong shirt. At the back was the word Cintra at may logo sa front left side na kulay ginto. Tinirnuhan rin ito ng kulay black na short na may dalawang puting linya sa bawat gilid.

Yung uniform namin kulay black, yung training garb kulay black. Shuta buti nalang kulay white yung sapatos.

Bumalik uli sa normal yung anyo ng puno at bumalik narin si Cool sa isang maliit na pinto kung saan yung kwarto nya. Pumanhik agad ako sa training room kung saan kami magkikita-kita ng mga kagrupo ko.

"You're trying to access the training room, please present your orb." Huwaaatt?? Shutang.. naiwan ko sa bulsa ng uniporm!!

"Bat kailangan pa ng orb! Hmp!" Tatalikod na sana ako para kunin yung orb na naiwan ko sa locker nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"The instruction was clear to bring your orb." Napaigtad naman ako sa gulat.

"Travis! Hiiii!!!" Bati ko sa kaniya habang kinakawayan pa sya. He dressed with the same outfit, pero yung lower nila ay parang jersey-type. He just look at me plainly at nilagay yung orb nya sa isang platform na nasa pader.

Biglang umilaw yung doorknob ng double-door at nag-unlock. He reached for the doorknob at pinihit yun para buksan. "Papasok ka o bahala ka na sa buhay mo?" Kaagad akong napatingin sa kaniya at tumalima agad ng pasok nang bigyan nya na naman ako ng tiglamig na tingin. Hmp.

I thanked him silently kahit na harsh sya manalita ng bery layt, bait kasi ako. Hindi nga lang dapat sagarin baka makakita tong gagong to ng anghel na nagmumukhang demonyo.

Pagkaapak na pagkaapak ko sa loob ay di ko agad maiwasang di mamangha.

Hindi kwarto ang nadatnan ko kundi isang malaki at malawak na training ground na pinalilibutan ng kakahuyan at iilang halaman. Para kaming nasa ancient Greek's temple na may corinthian column marble pillars na naka tayo sa bawat gilid ngunit wala itong bubong. Tanging asul lamang na kalangitan na may altocumulus na mga ulap. Nagpapasikat narin si haring araw sa kalangitan. Para kaming nag instant teleport papuntang Greece.

Cintra Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon