Creya
Wala pa mang alas otso ay nakaupo na ako sa klase at iniintay nalang ang professor na dumating. The room has a theater-like style. Kung ano yung itsura ng theater ay ganun din ang room na ito. Except sa ilaw dito na kulay blue.
"May tanong ako." Pauna ni Kas na kumuha ng atensyon naming dalawa ni Liv. Magkatabi kasi kaming tatlo.
"Ano?"
"Napansin nyo ba yung groupings natin? I mean.. may nakita kasi akong grupo kanina eh, actually kahapon ko lang to iniisip. Every group is composed of fifteen members, eh yung grupo natin syam lang. Diba parang may kaunting imbalance yung numbers?" Hmm.. napansin ko rin yun pero hindi ko na iniisip, ala ako nun eh.
"Tas hindi lang yan yung napansin ko. Diba dapat every groups ay may link sa seniors? Like for example yung freshmen ay nahahati sa tatlong grupo, kung yung isang estudyante ay nakakuha ng yellow orb diba dapat kasali narin sya sa grupo ng mga seniors na yellow orb din? Diba?" Pangungumbinse nito. Hindi ako sumagot.
"Oo bakit?" Pagsang-ayon ni Liv. "Crey? Ano sa tingin mo?" Tanong sa akin ni Kas. Nagkibit-balikat lang ako. Ewan ko naman kasi sa mga ganya, hindi ko naman kabisado yung sistema dito.
"Bat sa akin mo tinatanong eh wala naman akong alam sa mundong to." Natigilan naman si Kas dun pero hindi parin sya tumigil sa kung ano mang bumabagabag sa isip nya.
Ano bang mali sa groupings kahapon?
"Eto lang kasi eh. Aside sa imbalance ang number of members, bakit wala tayong seniors na kapareho natin ng grupo?" Ulit ay napakurap ako.
Natahimik kaming tatlo pero binawi rin iyon ni Romliv sa pamamagitan ng pagpitik nya ng dalawang daliri nya na tila ba naintindihan nya yung point.
"Oo nga no."
"Malay mo meron pero hindi palang natin sila na memeet. You know, kung wala man tayong kagrupo na seniors bibigyan naman ata tayo ng details ni headmistress. After all, andun sya nung time na nag groupings tayo, and so far wala naman syang concern dun. If she has, she would probably tell us." Sambat ko pa. Tumango-tango lang si Kassian. "Siguro nga.."
"Good morning class." Tumayo agad ako para batiin pabalik yung prof nang mapansin kong hindi tumayo sina Kas at Liv kaya napatigil ako.
"Why are you standing, dear?" Tanong nito sa akin. Napakamot ako sa ulo. "Aren't we supposed to stand up and greet you back?" Naiilang na sagot ko.
She smiled at me, "you're not informed, but no, you're not supposed to stand." Napatango-tango nalang ako at pasimpleng umupo pabalik sa gitna nina Kas at Romliv.
"Napahiya ba ako?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Nagkibit-balikat lang sila pero hindi nakawala sa mga mata ko ang pagpigil nila ng tawa. Mga traydor.
How come lahat sila na informed tas ako hindi? Hmp!
"For everyone's information, I am professor Helixa Rouseau. And we will tackle about the different types of incantation for this session." She introduced while putting her name on the board.
"Everyone of us know what exactly is incantation, right? Incantation is one of the factors that an enchanter need to apply in order to perform his or her desired magic. There are two types of incantations, the verbal and non-verbal. I think you're getting the point of the two types of incantation. So here is the question; between these two what is the most powerful one? Is it the verbal? Or the non-verbal?" Agad na nagpataas ng kamay si Romliv.

BINABASA MO ANG
Cintra Academy (On-Going)
FantasyAlong with the living of gods and goddesses, the world called Abyss also has its existence. Abyssians, the direct descendants of one of the primal greek ones established an academy known to the whole Abyss, one of the most prestigious school of mag...