Allie
May pwersang nilapag ko ang aking mga paa sa mesa at walang pag-aalinlangang sinipa sa mukha si Charles. Nagsihiyawan agad sina Dam at Maryel habang si Kassian naman ay todo tawa sa ginawa ko.
I'm pissed off. Kanina pa to nangungulit at buti lang sa kaniya't sipa lang yung nakuha nya.
"Allie! Bakit mo sinipa si Charles?" bulyaw sakin ng best friend nyang si Liv pero di ko sya pinansin. Kanina pa kasi ako naiinis eh. Di ko mahanap si Creya at hanggang ngayon ay di ko parin sya nahahagilap tas sumasabay pa tong bweset na baklang to.
"Buti nga sipa lang what the! Charles ibaba mo ko!" Kung iniisip nyong kinarga nya ako ng parang bigas pwes nagkakamali kayo. Bweset ginamitan ba daw ako ng ability nya!
"Hah! Wala akong narinig!" Automatikong naningkit ang aking mga mata sa sinabi ng mokong. Damn telekinesis.
"Charles Gleason!" Tawag ko pa sa kaniya pero tiningnan nya lang ako ng may ngisi.
Dumapo sa water dispenser ang mga titig ko at napaarko kaunti ang mga labi bago tiningnan si Charles muli. I swayed my fingers at sa isang iglap lang ay nagsilabasan yung tubig sa dispenser at pumunta kay Charles para basain sya. His reaction was priceless and enough to distract him kaya kaagad akong nakawala sa telekinesis nya at... bumagsak sa sahig.
"Allie Luxwell!/Charles Gleason!" Sabay pa naming sigaw na may bahid ng inis sa isa't-isa.
Dali-dali akong tumayo at pinataas ang aking mga palad kasabay dun ang pagtaas ng tubig sa ere. Away pala gusto mo ha.
"ANG LAMIG NG TUBIG ALAM MO BANG WALA AKONG PLANONG MALIGO NGAYON DAHIL BUKAS PA SCHEDULE KO HA?" amp. Bakla nga talaga.
"KASALANAN KO BANG EVERY OTHER DAY KA MALILIGO!" ipapaatake ko na sana yung mga tubig papunta kay Charles nang bigla iyun maging yelo at mag dispersed sa ere.
Napatingin ako kay Travis na prenteng nakaupo sa may sofa nitong baze zero na kinaroroonan namin at napanguso. Myghad. Napailing na binalutan ni Jisue si Charles ng kulay berde nyang healing space. Namamasa yung parte ng mukha ni Charles na sinipa ko kaya hindi ko mapigilang di makaramdam ng konsensya.
Lumapit ako sa kinaroroonan nyang healing space at kinatok iyun.
"O..okay ka lang?" Wow. Napakagandang tanong Allie Luxwell.
"Subukan ko kayang sipain ka sa mukha Lengy at tsaka kita tatanungin kung ayos ka lang ba?" Reklamo pa nito kaya umiba agad awra ko. Bweset ka.
"Mamaga sana yan!" Inis ko pang bwelto bago sya binantaan ng isang suntok.
"Hala sya. Ako na nga tong nasasaktan ikaw pa may ganang magalit? Palit nalang tayo oh." I rolled my eyes over him at aalis na sana nang,
"Char lang Lengy, hindi naman masakit. Parang kagat nga lang ng lamok eh." Akto nito na para bang hindi nasasaktan.
"Oo nga, higanteng lamok." Ani pa ni Liv kaya aambahan ko na sana sya ng suntok.
"Oh! Teka lang time first! Jusko para ka namang lalaki nyan." Tumatawa ka pa Liv ha. Binawi ko nalang yung kamay ko at saktong nakarinig kami ng pagbukas ng pinto.

BINABASA MO ANG
Cintra Academy (On-Going)
FantasyAlong with the living of gods and goddesses, the world called Abyss also has its existence. Abyssians, the direct descendants of one of the primal greek ones established an academy known to the whole Abyss, one of the most prestigious school of mag...