Chapter 14: The History

750 48 5
                                    

Creya

Creya: typing...

Hindi ako makakasabay sa breakfast...|                          》send

Nagdadalawang-isip pa ako kung isesend ko ba ang nabuo kong mensahe sa GC o hindi. My state was still in the scene yesterday. Hindi parin ako makaget-over sa nangyari and I think I never would.

Sa ilang ulit na pag-iisip ay napagdesisyunan kong isend nalang iyon at nang makapunta na ako sa locker room. I was about to hit send nang may kumatok sa pinto ko. Napaangat ang mga tingin ko sa mini-monitor na nasa gilid lang ng pinto. It was Allie. I made my way to the door at binuksan yun.

"Hi Crey, good morning! Lika na kakain na daw tayo." Masayahin nitong bungad pagkabukas ko ng pinto.

"Ahh.." sasabihin ko nalang kaya?

"Don't ahh-ahh me, hindi ka sumali kahapon sa dinner, wag mong sabihin na hindi rin ngayon?" That's right. Hindi ako nakasali kagabi sa hapunan dahil dumiretso ako ng punta sa dorm at nagpahinga. I woke up late 10 in the evening at hindi na ako nakatulog matapos nun.

"Lah, sasabihin ko lang naman na kukunin ko lang yung libro ko saglit." Pagdadahilan ko pa. Nagliwanag naman agad ang mukha nya at inintay akong makalabas.

I turn-off my phone at dinampot yung libro na kailangan kong ibalik sa locker. We made our way to the long hallway of the girl's dorm and made a right turn bago bumaba sa hagdan papuntang dining hall.

Andun na sina Dam at Maryel at parang kakarating palang din ni Jisue. "Good morning demons." Dam greeted harmoniously.

"Hi." Bati ko sa kanila. "Bat wala ka kagabi Crey?" Tanong agad sa akin ni Maryel pagkaupo ko.

"Nakatulog lang, past 10 na ako nagising." I click the white button floating at the near edge of the table to open the holographic full menu.

Nang maka-order na ako ay saktong dumating din yung mga lalaki at kagaya ko, umorder narin sila. Our food only cost as 3 minutes to wait at sinerve narin iyun ng mga chef fairies.

"Asan kayo kahapon ni Travis, Crey?" Napatigil ako sa pagsubo ng kanin nang biglang nagtanong si Kassian. I throw a glimpse to Travis at simple lang syang kumakain sa breakfast nya.

"Ahmm.."

"Eliminating some umbras." Si Travis na yung sumagot nun.

Muntik ng maubo ni Romliv at Kassian yung iniinom nilang tubig habang napahinto si Charles na para bang nabingi sya saglit sa narinig nya. All the girls exchanges looks at hilaw lang akong napangiti.

"S..seryoso?" Paglilinaw pa ni Romliv habang pabalik-balik yung tingin sa amin ni Travis. Marahan akong tumango and this time, nagsalita si Maryel. "That's it! Let's stop eating and tell us what happened." Usisa nito at binitawan ang kubyertos nya.

"That's strange. Pano nakapasok ang umbra dito?" Mahinang tanong ni Charles.

"So mas gusto mong makapasok ang hollow dito?" Tanong pa nitong Dam habang papasubo sa ulam nya. Sinamaan sya ng tingin ni Charles saka nagsabing, "hala."

Cintra Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon