Chapter 19: The Compact

542 37 4
                                    

A/n: Dedicated to this angel that motivates me :> enjoy reading.


---




Third Person's Point of View







Kaniya-kaniyang gawi. Yan ang tanging mailalarawan sa nangyayari ngayon sa loob ng hideout ng grupong Alpha. Naglalaro ang di mapaghiwalay na magkaibigang Charles at Liv sa sulok kung saan ay dun nakalagay ang mga computer. Habang si Dam naman ay nakahiga sa isang long sofa habang panay ang scroll sa cellphone nya. Tahimik lang na nagbabasa si Jisue sa sulok habang panay ang kain nina Maryel at Allie sa may lamesa.

Kaagad na nabaling ang lahat ng kanilang atensyon nang marinig nila ang pagbukas ng pinto. Pati si Travis na tahimik lang na nakaupo ay napunta din dun ang atensyon.

Pagkapasok na pagkapasok nung kakarating ay napatingin sya sa mga kasamahan nya sabay sabing. "Chill guys, ako lang to. Ang pinaka-gwapo sa grupo."

Kaagad naman itong nakatanggap ng samo't-saring reaksyon.

"Kilan ka pa natutong magsinungaling pre?" Natatawang sambit ni Liv habang nakatuon parin ang tingin sa screen.


"Pre, hindi sa pagyayabang pero ako na yata ang pinaka-honest na Abyssian na nabubuhay sa mundo."

"Buhay ka pala?" May pang-uuyam na wika ni Dam mula sa couch.

"Wag ka na magsalita Dam." Sagot pa ni Kassian.

"Nakita mo si Crey?" Tanong sa kaniya ni Maryel nung papalapit na sya sa mga ito para makikuha ng popcorn. Umiling lang sya at umupo katabi ni Allie.

Wala pang isang oras nung pinatawag silang lahat ng professor Hell nila sa opisina. Akala nila'y magkakaroon ng special class pero ipapakita lang pala nito ang hideout ng kanilang grupo na tinatawag na Base Zero; kung saan sila tumatambay ngayon.

Pareho naman silang lahat na walang klase kaya napagdesisyon ng grupo na manatili muna sa Base Zero at magpapalipas ng oras bago magsipuntahan sa susunod nilang klase.

"Bumalik na ako dun sa library at pinuntahan lahat ng sulok dun pero wala naman si Crey." Usal nito.

"Baka nasa dorm? O di kaya may pinuntahan?" Sabat ni Dam.

"Pinuntahan ko na yung kwarto nya, naka-lock nga lang." Ani Allie habang sumusubo ng chichirya.

"Baka andun sya sa loob nakatulog." Wala sa sariling pahayag pa ni Maryel. Nagkibit-balikat lang sina Allie at Kassian dahil mismo sila ay hindi masagot iyun.

"Uy alam nyo ba kanina, may nakabangga akong naka cloak. Ang weird nga eh, parang there's something off about that person hindi ko lang ma point ang daliri ko dun." Mahiwagang pahayag ni Allie.

"Naka cloak? Bakit naman may magsusuot nyan dito sa loob ng academy? May cosplay ba?" Kuhang atensyon na usal ni Dam.

Nagkibit-balikat ito ngunit nagpatuloy sa pagsasalita. "Ewan. Pero isa ang natitiyak ko, hindi sya studyante ng Cintra. Sayang nga dahil hindi ko nakita mukha nya eh."

"Duh ghurl, ano bang sense sa pagsusuot ng cloak?" Mataray na sagot ni Dam kaya napanguso bahagya si Allie.

"Ang weird lang kasi!"

Cintra Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon