Creya
Mabilis na lumipas ang araw at panibagong lunes na naman ang hinaharap namin ngayon. Matapos ang nangyaring acquaintance party nung nakaraang biyernes ay balik agad kami sa normal naming klase.
Nakatunganga lang ako magdamag sa klase ni prof Perkins, ang history professor namin. Wala ako sa mood makinig kaya panay ang titig ko sa labas ng bintana. Mula dito sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ko ang malawakang field ng academy kung saan kasunod nito ang student council office na para ng bahay.
Maaliwalas ang panahon ngayon, may mga makukulay na ibong lumilipad sa ilalim ng asul na kalangitan. Ang pagiwang-giwang ng mga dahon ng puno na di kalaunay may madadalang ibang dahon at nilipad sa ibang lugar.
Makalipas ang ilang minuto ay kaagad naming narinig ang bell senyales na natatapos na ang morning class namin. Kaagad kaming nagsitayuan ng ipaalam ito ulit ni prof Perkins.
"Creya, sabay na tayong mag lunch." Inangatan ko ng kilay si Allie. "Sabay naman tayo palagi ah?"
Napahinto sya saglit kapagkuwan ay natawa ng marahan. Ang weird talaga ng babaeng to.
"Sinabi ko yun baka kasi di ka na naman kakain ng lunch. Tradition mo atang di kumain ng tanghalian eh no." Napairap nalang ako.
"Huy dalian nyo ngang dalawa!" Guess what? It's Dam. Pag-usapang pagkain wala na talaga sa kaniya ang salitang pasensya, atat eh, lalo na pag gutom.
Nang makaabot kami sa dining hall ay pumwesto agad kami sa mesa na malapit sa may mataas na bintana. Dito palagi ang pwesto namin tuwing kumakain kami kaya di mapigilan na magkaroon kami ng sense of ownership sa mesang to.
I pushed the white floating button at namili ng kakainin for lunch. Matapos naming kumain ay nagpasama ako kay Allie na pumunta sa locker room. Hindi ko kasi dala ang isang notebook ko para sa susunod na klase. Nang makarating kami dun ay pinuntahan kaagad namin ang tree locker namin, mabuti nga't magkatabi lang kami ng locker ni Allie.
"Napansin ko lang, bakit di tayo magkapareho ng locker? Yung samin green and yellow yung stones pero yung sayo blue and purple." Takang tanong ni Allie sa tabi ko. I just shrugged dahil ni ako ay clueless about dun, though hindi ko rin naman yun binibigyang pansin, not until Allie asked me that.
"Don't you think it's a bit weird?" Dagdag pa nito.
"Mas weird pag wala kang locker." Sagot ko pa nang masira ko yung tree locker ko. Tumawa naman yung baliw at nakikisang-ayon sa sinabi ko.
Bumalik kami sa classroom before mag ring yung bell at umupo na sa upuan namin. Sakto naman ring nag ring na at pumasok na yung pangunang prof namin sa afternoon session na si professor. Nagsimula na syang mag discuss about Magic and Mana Management nang biglang bumukas yung pinto at niluwa ang isang lalaking nakangiti.
"Sorry sir I'm late." Napataas ng bahagya ang kilay ko out of curiosity. Late? So kaklase namin sya? Bat ganun di ko matandaan mukha nya dito?
"It's okay, Mr. Sinclair. Get in and take your seat." Ma authoritative nitong utos at kaagad naman itong tumalima at pumasok. Ibinalik ko nalang ulit yung atensyon ko sa harapan at nakinig.
"Excuse me, may nakaupo ba dito?" Napalingon ako sa presensya sa may gilid ko. Sya yung lalaking kakarating lang.
Nabaling ang tingin ko sa upuan katabi ko, papunta kay Kassian na nasa likod at nakatingin sa'kin, pabalik sa lalaki bago tipid na ngumiti. "Meron, pero nasa ibang upuan sya."
BINABASA MO ANG
Cintra Academy (On-Going)
FantasyAlong with the living of gods and goddesses, the world called Abyss also has its existence. Abyssians, the direct descendants of one of the primal greek ones established an academy known to the whole Abyss, one of the most prestigious school of mag...