"Come out, you bastard."
Napatingin si Creya sa mukha ng babaeng akala nya'y kikitil sa buhay nya nang magsalita ito na para bang may ibang kinakausap.
From a branch of tree came down the presence that mesmerized her whole being. Brownish messy hair paired by glowing peridote eyes. Pero parang familiar ata sa kaniya yung lalaking yun. Pakiramdam nya ay nakita na nya ito kung saan.
Ibinaling ng nagpapakilalang Kazure ang tingin nya sa lalaking nakangiti sa kanya ngayon.
“Well, if it isn’t the loyal Cintranian…… Thunder Wallace.” Pauna nitong bati.
“How dare you cut off my fun.”
“I’m Thunder Wallace lady, that's my job.” Naging seryoso ang mukha ng babae na ginawaran ng nakakamatay na ngiti ng lalaki ng makita ito.
Sa isang kislap lang ay agad na nawala ang dalawa sa paningin ni Creya. Tanging tunog at liwanaag lang ng nagbabanggaang metal ang giya nya para makita ang lokasyon ng dalawa. They’re quick. Mabilis ang mga kilos nito na hindi agad mahagip ng mga mata nya. Hindi nya alam kung ilang minuto sya nakasalampak sa may lupa. She was just staring at them, unable to move nor checked kung humihinga pa ba sya.
“Tell me why are you defending this human with no ability to protect herself?” may bahid ng irita ang boses na tanong nito kay Thunder.
Tinapunan nito ng tingin si Creya bago sya sumagot, “Just as you said, no ability. You won’t expect her to fight back after giving her a surprise, no?” Matapos nya itong banggitin ay sumugod na naman ang babaeng may pulang buhok.
Ilang beses pa silang nagpalitan ng atake bago ma-corner ni Thunder ang babae. Gamit ang kaliwang braso nito ay mahigpit na niyakap nya ito mula sa likod habang ang nakatutok ang espada nya sa leegan ng babae. “Fuck off.” Napangiti ang lalaki sa nagawa nya habang may irita namang nakapinta sa mukha ng babae. “You’re dead.” She left out a grunt at pilit na nilalakasan ang binata.
Buong pwersa nyang hinawakan ang braso nitong nakapulupot sa kaniya at sa isang galaw lang ay binalibag nya ito sa lupa. Kaagad na umikot sya nito at kinuha ang espada ng binata. Inapakan nito ang dibdib ni Thunder gamit ang kaliwang paa nya at itinutok sa may leeg niya ang espada. Walang ni isang nagsalita sa dalawa, ipinagbabayo nito ang dibdib nya na para bang kanina pa kinapusan ng hininga.
Napakunot ng noo si Creya. Inaamin nyang kanina lang ay nag-isip na ito ng masama sa binatang tumanggol sa kaniya. Ngunit ngayon, para bang merong mali. Nakatingin lang ang mga to sa isa’t-isa na para bang matagal ng magkakilala.
“You’re doing great.” ngisi nito. “Of course, watcha think of me? Weak?.” Ngumisi ang babae sa kaniya na para bang sobra nitong proud bago sya binigyan ng kamay. “hindi ko lang inaakala na makikita kita dito, may plano pa naman akong suprisahin ka pagdating ko sa Cintra.” Ani ng babae.
“may inaasikaso lang.” tipid nitong sagot at binalingan ng tingin ang isa nilang kasama na hindi parin makaget over sa nangyari. “so tell me, what’s the deal with..” isininyas nya ang ulo nya papunta kay Creya na para bang sya ang tinutukoy.
Hindi sya nito sinagot bagkus ay tumalima sya ng lakad papunta sa nakasalampak na dalaga. Umupo sya para ipagpantay ang kataasan nila. “hey.. naalala mo pa ba ako?”
Tinitigan lang sya nito sa berdeng mga mata nya. He can see fear behind those eyes pero nanatili itong nakatitig sa kaniya. She’s scared, nanginginig sya sa takot ngayon. Akala nya ay maayos ang lahat pero sa nakita nya ngayon, parang mas lumala pa ang takot nya. They know each other. At hindi malabong ang dalawang to ang makakatuklas ng pagkamatay nya.
“Look, we won’t hurt you, I can guarantee you that. May itatanong lang ako sayo. But first let me help you up.” Nilahad nito ang kanang kamay nya at handa ng tulungan si Creya na makatayo. But instead of accepting his offer, kumuyom ang mga kamay nito at sya na mismo ang nagtayo sa sarili nya. “s-sino kayo?” pilit nitong nilalabanan ang takot na namamayani sa loob nya. Tumayo na rin si Thunder at akmang sasagutin ang tanong nito nang biglang magsalita ang kasama nya.
“Hi! My name’s Kazure Thunder’s pretty sister I’m so sorry about earlier I swear that was just an honest mistake I didn’t know that you’re a human and so on so please forgive my rude attitude hahaha.” Napaigtad ito ng bigla itong dumating sa harap nya at kinuha ang kamay nya para makipagkamay. She was surprised, taken a back actually ng wala itong prenong nagpakilala sa kaniya. She smiled at her na para bang hindi sya nito tinutukan ng patalim kanina.
"You still pointed her your blade, Kaz."
"I know! Kaya nga nanghihingi ng sorry di ba? Ewan ko bang tao pala talaga sya."
Nang hindi ito kumibo sa kabila ng pagpapakilala nya ay natigilan sya at binitawan ang mga kamay nito. “shocked aren’t ya?” tanong nya pa habang nakapameywang ang isa nitong kamay. Napatango lang si Creya, “a-ahmm..” ngumiti ulit ang babae ng sa wakas ay kumawala na sya ng boses. “sino ulit kayo?”
Naiilang na tanong ni Creya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rumigester sa utak nya ang pangalan nitong dalawa. Natawa naman si Kazure dahil namumula ang pisnge nito ng magtanong.
“Ohmygee! You’re so cute when you blushed.” Natatawa nitong puri sa kaniya habang pinat pa ang ulo nito ng ilang beses. “Kaz, stop that.” Pagpapahinto sa kaniya ng kaniyang kapatid na nagpasimangot sa kaniya.
“I’m Thunder. Si Kazure naman to, kapatid ko.” Pagpapakilala ni Thunder. Kahit na naiilang si Creya sa kanila ng sobra ay sinubukan naman nyang yumuko ng kaunti. “so anong pangalan mo?”
Kung may nakakitang ibang tao nito na kakilala nya ay sobrang natatawa na ito dahil nagmumukha syang bata sa turing sa kaniya ng kapatid ni Thunder. “C-Creya..”
“Creya.. even your name sounds cute.” Bulong ni Kaz sa hangin. “So Creya… who are you?” napatingin sya sa unang pagkakataon sa mga mata ng babae. Her green eyes stared deep into her eyes na para bang nakikita nito ang kaluluwa nya.
She’s somewhat confused. Sinabi na nya ang pangalan nya at ano pa bang kulang dun? Apelyido nya?
“How did you manage to keep your presence inside the abyss?”
BINABASA MO ANG
Cintra Academy (On-Going)
FantasíaAlong with the living of gods and goddesses, the world called Abyss also has its existence. Abyssians, the direct descendants of one of the primal greek ones established an academy known to the whole Abyss, one of the most prestigious school of mag...