Creya Montevallo's Point Of ViewPapalabas na ako ng bahay ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo. The effect was so sudden dahil kamuntikan pa akong matumba sa kinatatayuan ko. Buti nalang at nahawakan ko yung doorknob ng pinto kaya hindi ako natuluyan sa pagbagsak. I sighed heavily. Kakagising ko siguro to magdamag. Mula nung naghiwalay na kami ng landas nina Thunder at Kazure ay hindi na ako pinapatahimik ng kalooban ko.
Dumating na nga ako sa punto na gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader at ng mahimatay saglit. Para naman sa ganung paraan ay makatulog ako ng ilang oras. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng pinto nang makatanggap ako ng tawag galing kay Jia.
"Jia."
[Papunta na ako sa mall, ikaw ba?]
Napasinghot ako't napapikit saglit ng bigla na namang umikot ang paningin ko.
[Creya? Bes? Anjan ka pa? Ano na? Paalis ka na ba? O nakadating ka na?]
[Hello?]
"Ja? Oo, andito pa ako. Sorry, mukhang hindi kita masasamahan ngayon, masama pakiramdam ko."
[Ha? O sige, ako nalang. Pero pupunta ako jan ha, pagkatapos ko dito jan agad ang punta ko, okay? pahinga ka muna.]
Hindi na ako sumagot sa kaniya at tumango nalang na para bang nakikita nya ako. She ended the call at kaagad na nahiga ako sa may sofa nitong sala.
I'm so tired. Pakiramdam ko napapagod ako kahit wala naman akong ginagawa. "Pagod kakagawa ng wala." bulong ko habang papikit-pikit hanggang sa laking pasasalamat ko nalang ng dalawin ako ng antok.
Wala sina mama at Grayson dahil may pinuntahan silang dalawa na hindi ko naman tinanong kung saan.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nanatili sa sofa, basta't may naramdaman nalang akong palad na humipo sa noo ko. Mahinahong ibinuka ko ang aking mga takip mata at napatingin sa nagmamay-ari ng kamay.
"Uminom ka muna ng gamot, mamaya pa darating si Jia." Ani nito habang inabot sa akin ang isang tableta ng biogesic. Bumangon muna ako bago kinuha yun. "V... anong ginagawa mo dito?"
Inabutan nya muna ako ng isang basong tubig bago sumagot. "Mag-isa ka pala dito di mo man lang sinabi sa akin na may lagnat ka, nalaman ko pa tuloy sa iba ang kondisyon mo." sumandal ako sa may sandalan.
"Ays lang, mas okay na nga to kesa sa gising..." napahinto ako sa gitna ng sasabihin ko. Control your mouth Crey, muntik ka na.
"Kesa sa?" Usisa nito, ipinikit ko nalang ang mga mata ko para hindi nya malaman ang kasinungalingan ko. "Teka wait. Nahihilo ako." Pagkukunware ko pa.
Magtatanong pa sana ito nang bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Jia. I didn't bother to look at her arrival dahil baka ang pagkukunwaring sinabi ko kay V ay magkatotohanan na.
"Beeesss!! Oh V, you here na pala dude?" Baling nito kay V. Tumango lang si Kivon at kinyha yung baso bago pumunta ng kusina.
Napalingon ako sa likod nya. Ewan ko pero, parang mas dumami ata yung nakikita kong pigyura ni V na naglakad patungong kusina. Pakshet. Dapat talaga natulog ako eh. Ito tuloy para akong nasa ibang planeta kung makahilo.
"Bes, kamusta pakiramdam mo? May binili akong watermelon gusto mo ba?" Ngumiti lang ako kay Jia at tumango. Pumunta sya ng kusina at nakasalubong si V.
"Crey, may tatawagan lang ako saglit." Ani nito at lumabas ng bahay.
Hindi ko na alam, ang sama na ng pakiramdam ko. Parang gusto atang sumabog ng ulo ko kahit na wala naman akong nararamdaman na sakit dun. Huminga ako ng malalim, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Ang kaninang mabagal ngunit malalim na paghinga ay napalitan ng mabilis at mababaw na pagkuha at pagpapawala ng hangin.
BINABASA MO ANG
Cintra Academy (On-Going)
FantasyAlong with the living of gods and goddesses, the world called Abyss also has its existence. Abyssians, the direct descendants of one of the primal greek ones established an academy known to the whole Abyss, one of the most prestigious school of mag...