Chapter 1: Foundation Day

2.2K 82 14
                                        

Creya Montevallo's Point of View

Saktong 7 na ako pumanhik papuntang eskwelahan. Walking distance lang naman yung pagitan ng paaralan at bahay namin. Wala pa mang 15 minutes ay nakaabot na ako sa main gate ng SWAN High kung saan binabantayan iyon ng principal namin este, binabantayan pala ni manong guard.

Napaigtad ako ng may biglang umangklang kamay sa braso ko. I look over my shoulder at nakita si Kivon Laurent a.ka. V na may ngiti sa labi. At kagaya ng sinabi nya, pareho kaming naka-black.

"Musta tulog mo?" Binalik ko agad sa daan ang tingin ko. I don't know. Bumabagabag parin sa isip mo yung nangyari kagabi. Parang hindi mapakali ang kalooban ko dahil dun.

"Ewan ko, bat sa akin mo tinatanong eh di ko naman binabantayan tulog ko." Tanging sagot ko nalang.

Kaagad na nakatanggap ako ng masamang tingin sa kaniya na tinawanan ko lang. "Kung di lang kita kaibigan Crey, kanina pa kita pinatay." may busangot na bulong nito.

"Ha! Kung kaya mo." Dinilaan ko pa talaga sya habang sinasabi ko yun. "Kung kaya ko?" Panghahamon nya na inismidan ko.

"Bigyan mo ako ng sample kung kaya mo." Isang masamang pukol lang ng tingin ang ginawad nya na di nagtagal ay naging ngiti rin.

"Alam mo.." hindi pa man sya natapos ay tumugon na ako upang barahin sya. "Hindi, hindi ko pa alam bakit?"

"Bahala ka nga sa buhay mo." At sya pa talaga ang may ganang magalit.

Tinawanan ko sya saglit.  "Ako pa talaga tinatanong mo kung kumusta tulog ko eh ikaw tong mukhang hindi maayos ang tulog." This time ay sineryusuhan ko sya ng tingin.

He halfly smiled at me bago binawi yung kamay nya at namulsa. Pagdating talaga sa anime willing talaga tong qaqong to na isakripisyo ang tulog nya. Tss..

"Nga pala, bat di kita ma contact?" Tanong nito, sumulyap ako sabay sabing, "sira. Nahulog ko kagabi."

Kung hindi lang dahil dun sa lalaking yun may cellphone pa sana ako ngayon.

Nang makaabot kami sa classroom ay kaagad syang pumunta sa upuan nya at natulog. Kita mo tol? laking top 1 pero puro tulog lang ang alam. Hindi ko nga alam kung saan nya napulot katalinuhan nitong ugok na'to at papasok lang naman to para maghintay ng uwian.






"Creeeyyy!! Bibigyan kita ng singko pesos ipa handcuff mo lang ako kay.."

"Ayoko. Gusto ko ng 10 pesos para sa labor." Deritsong turn down ko sa offer ni Jia. Ngumuso lang sya at kinuha ang kamay ko. Malumanay nya itong dinuyan na para bang nanlalambing sa akin.

"Sige na pleaaasseee.. kahit sa kaniya lang." Pagmamakaawa nito.

"Aba. May balak ka talagang mag pa handcuff sa pito mong crush dito sa campus ah." Iba talaga tong babaeng to. Ayoko parin balasyajan.

"Ngayon lang naman eh.. sige naaa lilibre kita ng frappe mamaya--"

"Handcuff lang ba gusto mo? Baka gusto mo rin ng blind date o sa marriage booth, ako na bahala sa registration gamit pera mo hihi." Walang prenong pag-iiba ng isipan ko at hinawakan rin ang kamay nya't hinila ito papalabas ng room.

"Kung may pagkaburaot ka ding bruha ka eh no." Ngumiti lang ako sa kaniya at hinarap sya. "Bakit? Ayaw mo?" Biglang nagningning ang mga mata nya at mahigpit na kumapit sa braso ko.

"Syempre lezgo!!"



















Kasalukuyan kong sinisimsim ang frappe na bili ni Jia at nag-ikot-ikot sa campus. Mag iisang oras na mula nung pinahand cuff ko sya sa crush nya at ang bruha bumalik nalang ng may dalang frappe habang sinasabing mag-iikot daw muna sya kasama yung crush nya. Bruha. Nabingwit ata yung lalaking yun.

Cintra Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon