Creya
"T..teka lang. Teka lang! Time first time first! H...hindi ba pwedeng magpahinga muna? Kanina pa tayo paganito ng ganito eh wala naman tayong kakalabanin!" Reklamo pa ni Charles habang idinukwang pa ang kanan nyang braso at ang kaliwa naman ay nakatukod sa binti nya. Napatigil naman agad si Allie at napakamot sa ulo.
"Eh hindi pa tayo tapos--"
"Anong hindi pa tapos? Kanina mo pa ko binubogbog nyang pamalo mo tas sasabihin mong hindi pa tapos?"
"Kasalanan ko bang napakahina mong kumilos ni pagpalo ko sa pwet mo hindi mo mailagan?"
"Kaya nga time first diba? Ikaw kaya paluin ko? Aray! Allie! Teka lang aaahhh mamaaaa!"
Nakatingin lang kaming lahat sa nagbabangayan na namang Allie at Charles habang bitbit ang mga arnis namin. Nagpakawala ako ng isang mahinang tawa habang todo cheer naman si Romliv sa best friend nyang hinahabol ng pamalo ni Allie.
"Go best friend woohhh!!"
"Puta hindi ko alam na marathoner pala tong si Charles." Tawang-tawa na komento ni Dam na sinabayan nina Maryel.
Kung di nyo naitatanong, nasa chamber of time and space kami ngayon. Ano yun? Yung training room lang naman namin. And yes, nasa Greece na naman kami.
Tatlong araw na mula nung makuha naming lahat ang mga alexius namin. At mula nun ay pinasanay na kami ni professor Hell ng apat na oras bawat araw sa loob ng training room namin. Hindi naman naaapektuhan ang mga klase namin dahil dalawang oras lang naman kaming mawawala at mostly ay after dinner kaming nag-iinsayo.
"Come to think of it, bakit ba tayo nagtre-training? Para saan ba to lahat?" Tanong ni Jisue na nagpatigil sa amin maliban nalang kina Allie at Charles na naghahabulan parin.
Ibinaling ko ang atensyon ko kay Jisue pero hindi ako umimik. Ang totoo din nyan ay hindi ko alam kung bakit kami araw-araw pinapa training ni professor. Eh kada insayo din naman namin ay wala sya. Pupunta lang sya dito para tingnan kung kompleto ba kami tas aalis, tas babalik ulit para sabihing pwede na kaming umalis. Ang weird din.
"Baka kakalaban tayo ng dinosaur?" Sabat ni Sian at shuta sobrang seryoso nya pa talaga nung binanggit nya yun.
"Kakalabanin ka namin pre?" Napukol agad kay Charles ang tuon ko. Kilan pa to nakalapit dito?
"Gago dinosaur pre, hindi ako." Sian exclaimed.
"Ikaw nga. Dinosaur, dinosaur kung babalikan pa booom!" Rebutt pa ni Charles at kaagad umakto na para bang nama-mind blown sya sa sarili nyang banat.
"Hindi ko kinakailangan ng personal attack, layas." Ayun nagtawanan agad kaming lahat. Ngunit naudlot agad yun nang bumukas ang pinto at pumasok sina prof at Travis.
Agad kaming nakatanggap ng kunot noo galing kay prof nang makita nyang hindi kami nagsiinsayo. Kaya ayun, nagdadalawang isip agad kami kung magsi trainingan ba kami o dito nalang sa kinatatayuan namin.
"Huy sinabi ko bang magpahinga tayo? Tayo!" Utos pa nitong Charles na kaagad tumalima para mag-practice. Sarap din kurutin singit nito eh nuh.
"Bakit hindi nyo sineseryoso ang training nyo?" Walang bakas na emosyong usal nito kaya napaiwas kami ng tingin, maliban nalang kay Dam.
"Para saan po ba tong training na'to sir?" Paunang tanong nito. "Grabe tatlong araw na kaming nagte-training pero wala naman kaming alam kung bakit namin to ginagawa." Shuta bat ang tapang ng babaeng to?
BINABASA MO ANG
Cintra Academy (On-Going)
FantasyAlong with the living of gods and goddesses, the world called Abyss also has its existence. Abyssians, the direct descendants of one of the primal greek ones established an academy known to the whole Abyss, one of the most prestigious school of mag...