Kassian
Nagsipuntahan kami kaagad sa infirmary nang makuha namin ang mensahe ni prup. Walang sinabi si prupesor kung anong gagawin namin, basta pinapunta lang kami dun ng madalian.
[Prup Impyerno: To the infirmary now!]
Ewan ko kung anong meron pero sa text palang nito ay parang sobrang urgent na. Lodi ko talaga tong si prup eh. Pati sa text napaka authoritative. Pasalamat sya gwapo ako't wag nyo ng itanong kong anong connect.
"Ano kaya gagawin natin sa infirmary?" Tanong ni Maryel na kaagad sinagot ni Dam na demonyo.
"Kakain tayo dun Yel. Wag ka ngang engot."
"Ano kakainin natin dun? Bulak at alcohol?" Hirit naman nitong si Charles na tinawanan ni Yel (Maryel).
"Putek pag yan talaga nagkataon ibibigay ko sayo parte ko."
"Pag yun nagkataon magiging generous ako at ibibigay ko nalang kay Dam yun." Banat pa nito pabalik na kumuha sa violent reaction ni Dam.
"Matakaw ako pero putangina nyo di sana kayo magkakajowa!"
Napailing lang ako sa inasta ng mga kumag. Hayst, bat di nila ako gayahin? Sobrang kyut at gwapo? Pero tangina asan ba kasi si Creya, di sana may kadaldalan ako ngayon.
"Huy tahimik nasa tapat na tayo." Sita sa amin ni Allie bago nito tiningnan si Charles. "Lalo na ikaw, kilalaking tao ang lakas makatawa."
Pfft. Ayan kasi eh. Sapol ka tuloy.
Hindi na inalintana ni Allie ang masamang tingin na ipinukol sa kaniya ni Charles at binuksan na ang pinto ng infirmary. Bumungad sa amin ang kagandahang taglay ni prup Emory na at the same time ay in charge dito sa infirmary, kaagad namin syang binati.
"Looking for?" Kalmado nitong tanong matapos nya kaming pasadahan ng tingin.
"Professor Hell informed us to set here." For the pirstaym in poreber nagsalita din itong si pareng Travis. Kahit may bahid ng kalamigan, kaya pa naman ang negative 1000 degree celsius.
"Proceed to that door." Turo nya sa kasuluk-sulukang pinto. Tumango lang si Travis at walang pasabing pumunta dun.
Aba't ambastos naman nitong yelong to. Aalis lang ng wala man lang pasasalamat. Kaya akong si mabait at ubod ng kagalangan, ako na yung nagpasalamat.
Sinundan ko narin sila dahil ako yung nahuli sa grupo. Tingnan nyo na, mga walang utang na labas! Ako na nga tong nagmamagandang loob in behalf of the group ako pa yung iniwan. Nakakasakit ha.
Pagkaapak namin sa pangalawang pinto na sinasabi ni prup Emory ay hinanap agad ng mga mata namin si prup Impyerno. Wala gaanung mga studyante sa infirmary kaya normal lang na marami ang espasyong kama.
Maliban nalang sa isang spot na hinarangan ng mapuputing kurtina. Baka andun si prup.
"Tengene saan si prof?" Tanong ng ungas na si Liv.
"Baka mali kwartong pinasukan natin ha. Wala namang katao-tao dito eh."
"Katao-tao ka jan. Tao ba tayo sis?"
"Eh anong sasabihin ko? walang ka people-people? Ang awkward din naman kasing sabihin na walang ka abi-abyssian, dibaaa parang temang."
"Hindi ka lang sanay kamo."
"Sornaman Dam, tubong ibabaw nga diba?"
"Kasalanan ko bang dun ka nagmula?"
"Sabi ko nga diba tatahimik na ako."
BINABASA MO ANG
Cintra Academy (On-Going)
FantasyAlong with the living of gods and goddesses, the world called Abyss also has its existence. Abyssians, the direct descendants of one of the primal greek ones established an academy known to the whole Abyss, one of the most prestigious school of mag...