Creya Montevallo's Point of View
"Kailangan pa po ba talaga yun?" Tanong ko kay Ms. Sam.
"You being forgotten? Yes, honey. We don't want any trouble habang nasa loob ka pa ng Abyss, lalong lalo na na sa Cintra ka mag-aaral. Leaving everyone who knows you clueless about your existence is a must para sa ganun ay may balance parin na mangyayari. They will live their life like you didn't exist. But of course, it's only for a mean time." Napabuntong hininga ako sa sagot sa akin ni Ms. Samantha.
"Are you still in for this?" Tanong nito.
Tumango ako. "Opo."
Them having no memory of me. Masakit sya oo. Pero wala rin naman akong ibang magawa kundi ang tahakin ang landas na to. Kung papairalin ko ang pagiging selfish ko, baka sa susunod na lumabas yung abilidad ko ay hindi lang si Jia ang masasaktan ko. Pwede ko ring masaktan ang pamilya ko. And that's the last thing I want. I can't bear to see someone hurt from my own hand. Kaya kahit mahirap tanggapin, kailangan ko tong gawin. I need to. Para sa kanila.
In order for that spell to become effective. Kinakailangan kong basahin ang isang ritual piece na nasa brown na libro. Matapos kong basahin yun ay sinugatan agad ni Ms. Sam ang hintuturo ko at pinatulo iyun sa isang maliit na decanter. She perform a chant at kaagad binuhos ang dugo ko sa sahig ng kwarto ko. In a few moment, biglang umilaw ang kwarto.
Unti-unti kong tiningnan ang sarili kong naglalaho sa memorya nila. Nawawala rin yung mga gamit ko. Pati sa mga pictures ay ganun rin. Nawala ako na para bang hindi talaga ako naging parte ng buhay nila. Any traces that leads to my existence slowly fades until nothing more left. A sign na hindi na nila ako kilala.
"I'm sorry ma, kailangan ko munang gawin to. Mawawala ako ng ilang panahon pero promise babalik ako. Babalikan ko kayo ni Grayson."
Kailangan ko munang patawarin ang sarili ko bago ko kayo harapin. Pumatak ang nagbubutil na luha sa kaliwang mata ko. Senyales na dahil iyon sa labis na kalungkutan."Everything's good, ikaw nalang ang kulang. Ready ka na ba?" With no hesitation, tumango ako.
This is what I've decided. And there's no turning back.
Pumunta sya sa may pader nitong kwarto ko at hinawakan iyun sa pamamagitan ng kanang kamay nya. She closed her eyes and chanted;
"Anoíxte tin pýli.."
Umilaw ang palad nito at kaagad nalang nawala ang portion na iyon ng pader. Dapat ang makita ko ay kwarto ni mama pero iba ang nahagilap ko. It's only pitch black. It's filled with nothingness.
Napatingin ako sa pader na ngayon ay may malaking butas na na parang secret passage. Madilim ang loob nito, walang bahid ng ilaw ang sumisilay sa kahit anong gilid. Napalunok ako bigla ng laway. Kinukwestyon ko tuloy kung tama pa tong ginagawa ko.
"Crey?" Nabalik lang ako sa katinuan ng tinawag ako ni Ms. Sam. Nakaapak na sya sa lagusan at hinihintay nalang ako. With all determination and shits, humakbang ako papunta, papasok roon at sa sandaling nasa loob na ako ay bigla itong sumirado.
But instead of seeing nothing but pitch black, nakikita ko ang mga umiilaw na kulay asul na parang lantern. Nasa magkabilang gilid iyon ng lagusan na tila nagiging ilaw papunta sa paparoonan namin. Hindi lang yun, may mga kulay asul ding ilaw na nagliliparin sa itaas namin. Ang ganda. Sobrang ganda.
BINABASA MO ANG
Cintra Academy (On-Going)
FantasyAlong with the living of gods and goddesses, the world called Abyss also has its existence. Abyssians, the direct descendants of one of the primal greek ones established an academy known to the whole Abyss, one of the most prestigious school of mag...