Chapter 31: Guts and Confusion

486 25 4
                                    

Someone's Point of View




"Aray!" Parang bata.

"Yui yung tenga ko!"

"SABIHIN MO NA KASI NA IKAW YUNG KUMAIN NG COOKIES KO!"

"Hindi nga ako ARAY! YURUICHI SANDOVAL ANO BA!"

"TUMAHIMIK KA NGA! PISTENG LALAKI TO--"

Natigilan agad ako nang marinig kong bumukas ang pinto nitong office na kinaroroonan namin ni Grenade. Napabitaw ako sa pagkurot ng tenga ni Grenade at may kunot noong binalingan ng buong atensyon si Thunder. Naglakad lang ito papunta sa table nya at umupo without greeting us na palagi nyang ginagawa. What happened?

"Paps! Huhu buti naman at dumating ka na. Tingnan mo yung tenga ko, tingnan mo yung bruha kinurot ba naman ARAY! Kita mo na kanina tenga ko ngayon naman tatadyakan ako sa paa!" -,- kung hindi ko lang talaga kilala tong lalaking to iisipin ko na jowa nya tong si Thunder. Lakas eh. Kung makapagsumbong kala mo naman hindi lalaki.

Umaakto pa syang parang papaiyak na ngunit natigil din nang napansin nitong hindi sya pinakinggan ni Thunder. Napailing ako, kawawang bata na nasa katawan ng matanda.

"Tol, may nangyari ba?" He snapped Thunder out of his zone. Mukhang epektibo naman yun dahil napalingon sa kaniya ang SC president ng C.A. Napansin ko ang pag-iba ng direksyon ng tingin nito at kumurap ng ilang beses.

"M..may iniisip lang. Ano ba yun?" Hmm..

Tila nawalan ng enerhiya sa katawan si Grenade at bigla nalang itong lumuhod. Take note, isipin nyo yung parang pang drama na luhod na para bang ewan bago sya napahawak sa dibdib nya sabay sabing,

"Ouch." Vice president ba talaga to ng Academy?

"Nakatulog ka ba ng maayos? Parang kinulang ka ata sa--"

"I saw him." Pagputol pa nito sa sasabihin ko. Napaayos ng tayo si Grenade at pareho naming itinuon kay Thunder ang buong pansin. His eyes weren't on us, but instead, it was fixed towards the small frame standing at the side of his table. As per told by curiosity, napunta din dun ang tingin ko.

I arched my brows upon seeing the reason why Thunder stares on it. It was a picture of him and the previous student council president, both smiling at the camera. Di kalaunan ay lumambot ang mga tingin ko nang mapunta kay Luke ang tingin ko.

"I.. I saw him, Yui." Buga pa nito habang sumandal sa upuan nya. He let the back of his head rest too before covering his eyes with his right palm. He was smiling, ngunit wala pa mang ilang sandali ay may tumulo ng luha papunta sa pisnge nya. 

Natahimik ako. Hindi ko na sya tinanong pa kung sino. Hindi na rin ako nagtanong kung bakit sya umiiyak. It was clear as crystals. He met Luke again. I know. Alam ko dahil, mismo ako ay nakita ko rin sya bago ito tuluyang umalis. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. I can feel the inner of my eyes burning and any minute I know those waterdrops would be tempted to slip on my cheeks.

Hindi dapat ako iiyak. I already made a promised. I promised him I would never cry. I turn my back on them and leaving Grenade being confused out of the room. Ayaw kong mahawa sa pag-iyak ni Thunder. I need to breathe some air. Tinahak ko ang pasilyo papuntang balcony. Hindi dapat ako iiyak. Hindi dapatpero sadyang traydor lang talaga yung luha ko dahil hindi ito sumunod sa pakiusap ko. Kaagad ko itong pinunasan at napatingin sa kalangitan.

 













Creya


Dumating ang araw ng lunes at balik training na naman agad kami. Actually hindi talaga dapat kami magte-training ngayon dahil wala namang sinabi si prof Hell. Pero nga ilang araw na kaming hindi nag-iinsayo magmula nung dumating kami galing sa labas ng academy, napagpasyahan nina Sian at Romliv na magsipuntahan kami sa dimension of time and space at kusang magte-training.

Cintra Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon