Chapter 32: Enemy's Approach

744 38 30
                                        

Creya


Mabilis pa sa alas quatrong napadungaw muli ako sa gawi ni V at buong tinawag ang pangalan nya.

"V!"

I'm sure it's him. Hindi ako magkakamali dun. I tried calling for him again and this time ay mas dumungaw pa talaga ako sa may railings. His body stiffened at my call at para bang nagdadalawang-isip ito kung lilingon ba sya sa akin o hindi.

I don't care kung may makakarinig sa sigaw ko ngayon. It's already night, but I wanna stop him from his tracks. Naghintay pa ako ng ilang sandali para tumingin sya sa direksyon ko. His shoulder relaxed pero imbes na gawin nya ang inaakala ko. He completely faced his back on me at nagsimulang maglakad papalayo.


W..wait.



Mabilis pa sa alas quatrong pumadyak ako sa aking mga talampakan at minadaling lapitan ang pinto. Kaagad ko itong binuksan at di na nag-abalang isirado pa iyon pabalik. Nagmamadaling tinahak ko ang daan papalabas ng dorm area papunta sa may malawak na hallway kung saan sa dulo nun ay ang pinto papalabas. Lakad-takbo na yung ginawa ko para maabutan ko lang si V.

Habang tinahak ang hagdan pababa, samo't-saring tanong agad ang pumasok sa isipan ko. Ngunit sa rami ng tanong ay iisa lang ang umulit-ulit na tanong; bakit sya nandito?

May iilang estudyante akong nadadaanan at nakakasalubong ngunit deritso yung pagmamadali ko sa paglabas. Mabuti nalang at hindi sila nakaharang kaya wala pa mang tatlong minuto ay nakahawak na ako sa doorknob at walang prenong pinihit iyun para mabuksan.

Agad na sumalubong sa mukha ko ang malamig na hangin. Mabigat ang mga hiningang pinasadahan ko ng tingin ang labas, nagbabakasakaling mahagilap ko si V.

Shutang-- asan ba nagpunta yung lalaking yun?

My gaze quickly averted to the corner when it caught a silhouette moving away. Nanlaki agad ang mga mata ko ng hindi ko na to makita. Kaagad kong nilapitan ang direksyon iyon habang tinatawag parin ang pangalan nya.

"V!" Tawag ko pa nang paliko na ako papunta sa likurang bahagi ng akademya. Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa daan nang bumulaga sa aking harapan ang isang malaking fountain. Doon lang ako nilamon ng reyalidad na nasa main entrance path ako dinala ng mga paa ko at hindi sa likurang bahagi ng academy.

I stared at the way that leads to the field of flowers. V.. wag mong sabihing nakaalis ka na?

Doon lang ako nakaramdam ng bigat ng loob. Ang kaninang pagod mula sa pagkakatakbo ay para bang ngayon lang umepekto sa katawan ko. Did I hallucinate? Guni-guni ko lang ba yun?


"Kivon..."















"Anong Kivon?" I turned over my heels para makita kung sino yung nagsasalita. From the shadows of aligned trees, isang anino ang lumabas mula roon.

Napatigil ako sa paghinga nang magpakita ito sa akin.

"V--" he smiled at me. The same rare smile na madalas nya lang ipakita. Kaagad kong binura ang espasyong namamagitan sa amin at inambahan agad sya ng isang mahigpit na yakap.

I heard him chuckled for a bit bago ako niyakap pabalik. Seeing him feels like a nostalgia to me. Para bang bumalik na ako.

"P..pano. Pano ka nakapunta dito? Teka... Bakit ka nandito? Diba dapat--"

"Creya.." napahinto ako sa pagtatanong nang binanggit nya ang pangalan ko.

"Sumama ka sa'kin." Ani pa nito na nagpakunot ng noo ko. Sinuhukan kong kumawala sa yakap nya para tingnan sya pero hindi nya ako binitawan. In fact, mas hinigpitan nya pa ang pagyakap sa akin at ibinaon ang mukha nya sa likuran ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cintra Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon