Chapter 28: Purple Eye

505 36 8
                                    

Third Person's Point of View



Umihip ang dapit hapong hangin papunta sa kaniyang nakatagong mukha habang mataimtim na tumitingin ang kaniyang kulay asul na mga mata sa isang grupo ng mga estudyante sa baba.

Bukod sa ingay ng paligid, ang paghuni ng mga ibon at ang tunog ng iba't-ibang insektong naninirahan sa may gubat. Ang pagtama ng hangin sa mga sanga ng punong kahoy at munting hagulhol ng isang dalaga.

Hindi na nito pinansin ang tinging naguguluhan ng kaniyang mga kasamahan habang ito'y nakaupo parin sa lupa. Maski sya ay naguguluhan din sa natuklasan nya kanina. Mabilis ang mga pangyayari at medyo magulo ngunit husto na para makalikom ng sapat na impormasyon para sa kaniyang pag-uulat. Nasa kay Creya lang ang mga titig nito habang nakapamulsang pinagmasdan ang estado nito.

"She's not the charm." Wika pa nito sa monotonong boses sa kaniyang sarili na tila parang bumubulong lang sa hangin.

Naging alisto agad ang kaniyang diwa nang maramdaman nitong bukod sa kaniya at sa siyam na estudyante ay meron pang ibang presensya ang kasama nila. Wala pa mang isang segundo ay naglaho na ito sa hangin at handa ng mag-ulat sa kaniyang nakakataas.



















"Binabati ko kayo para sa matagumpay nyong pagsubok, Alpha." Nabaling ang lahat ng atensyon nila nang may panibagong boses ang sumingit.

"Professor Hell." Banggit pa ni Dam na halatang nasiyahan sa pagkakita ng kanilang professor.

"Test?" Sabay na tanong nina Charles at Romliv. "Anong test po ba pinagsasasabi nyo prof?" Pagpatuloy pa ni Liv nahalatang naguguluhan.


Napaayos ng salamin si Hell at tinignan ng maigi ang grupo. "Akala ko po ba training yung pupuntahan namin kaya kami lumabas ng academy?" Sunod na tanong ni Allie habang tuon ang buong atensyon sa guro nila.


"You're right. At ang mga hollow's na iyun ang tumutulong sa inyo para sa training nyo." Napahinto ito saglit bago tinapunan ng tingin ang dalagang nakasalampak parin sa lupa na inalalayan na ni Kassiang tumayo.


"This is the main reason kung bakit sa labas ng academy ko kayo pinapatraining. I want you to know the existence of different enemies na maaaring makasalimuha nyo. And one of them is the hollow na kinakalaban nyo lang kanina. Aside from that I want to see the improvement of your abilities, lalong-lalo na kina Creya at Allie. So far, you satisfied my expectations. Job well done students." Masaya nitong bati. Napangiti ang iba sa kanila pwera nalang kay Creya na parang di nakikinig.



"You will be staying here for tonight, alam kong pagod kayo but fix your tents. Susundiin kayo ng academy bukas ng umaga."



Walang pasabi ay bigla nalang itong nawala sa paningin nila leaving only a cube of glass na lumandas sa lupa. Kaagad itong pinulot ni Liv at tiningnan.


"Ang cool talaga ng ability ni prof." Puri pa nito at tinago sa bulsa ang maliit na kahong gawa sa salamin.


"Tama ba yung pagkakaintindi ko? Nagamit ba ni Creya ang kapangyarihan nya?" Lahat ata ay napatingin kay Creya nang mabanggit iyun ni Maryel sa harapan nila.


Sakto namang nakatingin din ang dalaga sa kanila kaya tinanong nila agad ito kung okay lang ba sya. Ngumiti lang sa kanila ang dalaga at tumango.









Cintra Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon