Chapter 25: Training Partner

471 24 7
                                    

Creya

Pinanood ko lang na mag-ensayo yung iba naming kaklase mula sa kinaroroonan kong balkonahe. Andito kami ngayong lahat sa may training hall kung saan buong klase ay nagpapakitang gilas sa mga kapangyarihan nila. Nahahati sa dalawang grupo ang klase. Sa kaliwa ay ang mga elemental users at sa isang banda naman ng training hall ay ang mga peculiars.

Nakakamangha ngang tingnan eh. Kung titingnan ay sila yung tipong maingay at makukulit na kaklase na tila ba walang kaibahan sa mga kaklase ko noon. Ngunit dito sa loob ng silid na'to, magugulat ka nalang sa kabilang pagkatao nila. Kahit freshmen palang ay kitang-kita na yung husay nila sa pagpapalabas ng abilidad nila. Maliban nalang sa amin ni Allie na nasa balkonahe lang at nanunuod.

Halos isang buwan na kaming nandito ngunit katulad ng una, hindi parin namin alam kung anong abilidad meron kami. Oo kami. Dahil pareho kami ni Allie.

"Pano ba tayo naging parte dito e parang tira-tira lang yung peg natin." Natawa ako sa turan ni Allie habang pareho naming pinagmamasdan ang iba.

"Hindi pa naman tayo ganun ka tagal. Malay mo baka bukas matutunan na nating ipalabas yung abilidad natin kuno."

"Anong abilidad? Yung magmahal ng sobra kahit alam nating masasaktan tayo? Kung ganun naman pala edi noon ko pa pala napalabas kapangyarihan ko." This time ay pareho na kaming natawa.

Nakakamiss yung ganito. Talking with Allie reminds me of the memories na meron ako sa mundong pinag-iiwanan ko. Kung saan andun sina Jia at V, sina mama at Grayson. Alalang-alala ko pa kung bakit ako napunta sa mundong to. Nakakalungkot lang na yung mga dahilan kong bakit ako nagtungo dito ay pansamantala akong kinalimutan. I can imagine them not having me. But I can't imagine me without having them.

Ngayong naisipan ko ang rason kung bakit ako nandito, I realized that I should find my ability, manage and control it as soon as possible para makauwi na ako sa amin. Para makauwi na ako kina mama. Para makita ko na si V. With unknown reason, biglang kumirot yung bandang dibdib ko. And a flash of memories entered my mind. Ang magulong classroom na pinamumunuan ng maingay na klase. Si Jia na palaging nanlalambing at nakangiti. At si ang maamong mukha ni V na natutulog katabi ko.

"Anong nangyari? Okay ka lang?" Nabalik ako sa kasalukuyan at nabaling ang atensyon kay Allie na may nag-aalalang mukhang tiningnan ako. Kumunot bahagya ang noo ko at tinanong sya.

"Ha?"

"Sabi ko okay ka lang ba? Umiiyak ka kasi." Napadampi ako sa bandang pisnge ko ng sabihin nya yun. Tama nga sya, dahil sa kaliwang pisnge ko ay may butil ng luhang dumaloy dun. Kaagad ko itong pinahiran at ngumiti sa kaniya.

"Ayos lang, napuwing lang siguro." Siguro. Wow nice excuse.

Ibinalik ko nalang sa harapan yung tuon ko at nilibot ang paningin sa buong kwarto. I found Travis staring at me kaya tinaasan ko sya ng kilay. I saw his mouth moving, saying something like 'tsk' at kaagad na iniwala ang tingin sakin. I scoffed. Problema ng shutanginang lalaking yun?

"Lengy, total wala naman ata tayong gagawin dito, labas lang muna ako." Hindi ko na pinaghintay na sumagot si Allie at tumalikod na papalabas nang may marinig akong hiyaw ng isang babae. Kasunod nun ay ang malamig na bagay na naramdam ko sa likuran at ang pagtama ng kung anong bagay dun.

I quickly averted my attention at the back only to be dumbfounded. Bumungad sa akin ang isang pillar ng ice at isang patalim na nakatusok dun. My eyes literally went wide at di sure kung anong gagawin ko.

Cintra Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon