Creya
Bandang alas quatro na ng hapon nang magising ako idlip lang sana. Bumangon agad ako galing sa pagkakahiga at nag-inat ng katawan sabay hikab. Nakakagutom atang matulog ah.
Inabot ko iyong bag na nilagay ko sa night stand at binuksan yun para tingnan kung ano ang laman nun. Well basically, may feathered-pen at ink. Shuta pano to gagamitin? May tatlong scroll din at iba pang gamit na hindi ko alam kung anong tawag. Kinuha ko yung tatlong scroll at isa-isang binuksan.
The first one is for the rules and regulation na dapat sundin ng isang Cintranian. Second is the academy's map at ang panghuli ay ang isang scroll na may nakasulat na 'state your name' sa gitna. Kahit naguguluhan kaunti ang braincells ko ay sinunod ko nalang ang nakasulat.
"Creya Montevallo."
Wala pang ilang segundo ay biglang umilaw ang scroll at ang kaninang blangkong papel ay napuno ng mga letra.
"Class Schedule?" wow.
Hinalungkat ko pa ang mga gamit na nasa loob ng bag at laking galak ko nalang nang makita ko ang isang bagay na nagpasayaw pa talaga sa akin.
Ceeeeellllpphhhoooneeeee!!!
Huhuhu salamat looorrrddd!!!
Kaagad kong tiningnan ang mobile phone na nasa kamay ko at binuksan ang system nito.
Anvoid?
Diba dapat Android?
Nagflash agad ang screen nito at nilagay ko sa loob ng bulsa nitong suot ko. Kinuha ko ulit yung schedule ko sa klase. Free kami ngayong araw na'to since kailangan daw ng mga freshmen na kabisaduhin yung academy. So bukas pa yung official class namin.
Mag-iin ako ng 8 sharp para sa first class ko which is Magic Incantation. Tas kasunod nun ang History, at Witchcraftry. Afternoon class would be Lexical and Magic Application.... shuta history lang yung alam ko dito. Physical Training, Element and Peculiar Literacy, shutangina bakit may Botany????
Isinirado ko yung scroll at binaba iyon ng may matang di makapaniwala. Shet, okay nalang siguro to kesa sa madugong labanan sa math.
Kinuha ko yung cellphone na nasa bulsa ko at pinictyuran yung schedule bago ginawang wallpaper at lockscreen. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. As expected may iilang estudyante narin ang narito sa hallway. I made my way papuntang baba para sana kumain nang...
"Uy ayun si Creya oh."
"Creeeyy!! Yohooo! Where you've been?" It's Charles and Romliv.
"Ahh sa dorm lang, bakit?"
"Kanina ka pa namin hinahanap, aayain ka sana naming mamasyal palibot sa campus." May ngiting pagpapaliwanag ni Charles.
"Hindi ka namin nakita kaninang lunch ah. You missed the fun." Anya pa ni Romliv. "Okay lang, may next time pa naman."
Tumango silang dalawa at sinamahan na ako papuntang cafe slash dining hall. Nagugutom din kasi sila kaya sasama nalang daw silang kumain, libre naman daw lahat.
"Yo Charles! Dito kayo!" Medyo napaitlag ako ng kaunti nang may biglang kumapit sa braso ko.
"Creeyy bat hindi ka sumama sa amin kaninang lunch?" It's Allie. Natatawang nilingon ko sya. "Sorryyy.." she pouted at hinagit ako papunta sa inuupuan nila Dam.
"By the way, si Jisue nga pala at si Maryel, guyses this is Creya." Pagpapakilala ni Allie sa akin sa dalawa pa nilang kasama na kagrupo ko rin. We exchange hi to each other at nagsimula naring nagkwentuhan.

BINABASA MO ANG
Cintra Academy (On-Going)
FantasyAlong with the living of gods and goddesses, the world called Abyss also has its existence. Abyssians, the direct descendants of one of the primal greek ones established an academy known to the whole Abyss, one of the most prestigious school of mag...