"How did you manage to keep your presence inside the abyss?"
Napahinto sya sa tanong ni Kazure. "A-abyss?" naguguluhan nitong tanong.
"so you don't have a clue to where you are now?"
"ang alam ko lang ay nasa loob lang ako ng campus kasama ang kaibigan ko. Maliban dun ay wala na akong alam pa." kahit papaano ay nawala naman ang takot nya sa kanilang dalawa at para bang napanatag na.
"Let me introduce you then, this world reflects your world. But rather than calling this a shadow, we simply call this an Abyss-- a place where people with abilities must encounter and be part with, this is our world. And no human ever took a step here, except when they have something special inside them that ties the gate in order for the Abyss to be exposed. That is why we want to know you more than your name, Crey. Who are you?"
Napaawang lang ang bibig nitong nakatingin kay Kaz. Simpleng pagpapaliwanag lang ang ginawa nito pero parang na sobrahan ata sya sa impormasyon.
Narinig na lamang nitong bumuntong hininga si Kaz. "You're hopeless. You know, I like you, really. But it looks like we won't be seeing each other from now on." Bumaling sya ng tingin sa kapatid nyang lalaki. Hindi sumagot si Thunder bagkus ay matiim lang nyang tiningnan si Creya. "You won't mind me dear brother, right?"
Nang hindi sumagot si Thunder ay humarap uli sya kay Creya na matiim na nakatingin sa kaniya. "I'm sorry, but looks like we have to erase your memory of encountering the Abyss." casual na ani nito na para bang hindi big deal ang pagbura nito.
Nagulat si Creya sa narinig nya. Pero hindi kalaunan ay kinalma nito ang sarili at napahakbang paatras.
"Erase my memories?" bulong nito sa kaniyang sarili.
"Nah, just memory. More like you have to forget about the Abyss and your encounter with Abyssians; us. That way, life will keep on running without this incident and viola, you're clueless." Pagpapaliwanag pa ng kapatid ni Thunder.
Siguro mabuti na rin yun kesa sa manatili to sa isip nya. Mababaliw siguro sya kakaisip sa nangyari at baka maging dahilan na mahatid sya sa mental ng wala sa oras.
Bumaling sya kay Kazure at ngumiti. "Okay."
Ngumiti din ito sa kaniya at humakbang papalapit. Ipinagtagpo nito kanang palad sa noo ni Creya at pumikit. Bumulong ito ng ilang salita bago tumitig sa kaniya. Nang maramdaman ni Creya ang enerhiyang lumabas sa palad ni Kaz papunta sa loob nya ay napapikit sya.
Ngunit bago pa man ito maisakatuparan ay hindi nakaligtas sa mga mata nya ang isang pares ng kulay lilang mga mata na nakatitig sa kaniya. She stares back at matapos yun, biglang umiba ang kinaroroonan nitong paligid.
Napakurap sya ng ilang beses. Bumalik ang ingay ng paligid at napatanong nalang sya kung bat sya napunta sa may main building ng campus.
"Bes! Andito ka lang palang gaga ka kanina pa ako naghahanap sayo!" Ngumiti sya sa bulyaw ng kaibigan nya. "Tanga, naghahanap din ako sayo kaya ako napunta dito."
Tumawa si Jia at yumakap sa braso nya. "Keleg nemeeen.." inirapan nya lang ng pabiro ang kaibigan nya. "Hala..." bigla nalang nitong bulong pagulat na ikinatigil nya.
"Bakit? Anong meron?"
"Yung pinapaorder kong frappe sa cafe, baka tapos na yun. Puntahan ko lang, sunod ka agad ha." Kahit hindi pa ito nakasagot ay kaagad itong kumalas sa kaniya at tumakbo papuntang cafeteria.

BINABASA MO ANG
Cintra Academy (On-Going)
FantasyAlong with the living of gods and goddesses, the world called Abyss also has its existence. Abyssians, the direct descendants of one of the primal greek ones established an academy known to the whole Abyss, one of the most prestigious school of mag...