Creya
Kanina pa ako nasa loob ng training dimension namin sa loob ng chamber of time and space. Kalahating oras na ang lumipas pero hindi parin dumarating si Travis. Wala din yung alexius nya sa labas kaya malabong andito sya sa loob.
Ano ba yan, ang sayang ng oras.
Napatitig ako sa sarili kong palad. It would be a lot more easier if I possessed one of the elements. Pag peculiar yung abilidad ko kailangan ko pang i try lahat ng pwedeng paglabasan nito gamit ang buo kong katawan. Kung elementalist ka kasi sa palad ang una mong target for unlocking. But by the looks of it, I think I am one of the peculiars. I can stand my claim dahil isa akong eklektos. Kailangan ko lang ng matinong training para mailabas ko yun.
Pero pano nga ba ako magkakaroon ng matinong training kung hanggang ngayon wala parin yung training partner ko?
Napa-squat ako sa sahig at nag-antay na dumating si Travis. With a yoga position ay ipinikit ko ang mga mata ko. I tried to relax myself dahil anumang oras ay mauubos na yung pasensya ko. As if in a click ay ang kaninang madilim lang na paligid ay nagkaroon ng iba't-ibang linya ng kulay. It dances before me and telling me that they wanted me to follow them.
Just as when I decided to take a step, the place moved by itself. Ito na mismo ang kumilos para maabutan ko ang mga nagsasayawang linya. Bigla itong tumigil ngunit nagpatuloy parin sa pagkilos ang mga nagsasayawang linya. Then I saw a figure, a woman's silhouette. Her hair waves along the insensible wind as those dancing lines surrounded her in twirling motion, but this time, it's all black. The liveliness of those lines became dead.
Bahagya itong lumingon sa akin galing sa pagkakatalikod ngunit ang ulo nya lamang ang ipinakilos nya. Her face was covered with shadow, not until her lips became visible as she showed me a smirk. Sinubukan kong dumilat pero hindi nakikisama ang mga mata ko. I can feel myself in terror. I tried to run away from her pero mismong mga paa ko rin ay ayaw kumilos.
Then her palm flamed up. She floated in the mid-air. I can only see her with the figure of plain pitch dark with that black small particle over her body. As if on cue ay biglang dumilat ang kaniyang mga mata having me to wake up from a sudden call.
"Montevallo! Can you hear me?"
"Creya okay ka lang?"
"Prof parang hindi nya po tayo naririnig."
"Treat her first."
Napakurap ako. I saw Jisue and prof Hell kneeling before me. I heard the faded noise of emergency drill as well as their voice pero parang wala pa ata ako sa aking sarili. Sunod na napansin ko ay ang mala kulay berdeng barrier na pumalibot sa akin. Jisue uses her healing power over what matter. Ako ba ang ginagamot nya? Finally after a second, I managed to utter some words.
"Anong nangyari?"
May pagtataka at gulat na napatingin si Jisue sa akin. She looked at me na para bang ang weird ng tinanong ko. Sasagot na sana ito nang mahagilap ko si Travis na nasa gilid at tiningnan lang ako. He was clutching his right arm. Kumunot bigla ang noo ko nang mahagip ng mga mata ko ang pagtulo ng sariwang dugo mula sa kamay nya. Ang kaninang pagkunot ng noo ay napalitan ng paglaki ng mga mata.
Parang na sense nya ata na tatanungin ko sya kaya kaagad itong naglakad papalayo at umalis sa training dimension. Napakurap ako.
Just what the hell happened?
Nagdaan ang iilang araw at hanggang ngayon ay di ko parin nakikita si Travis. Mula nung umalis sya sa training dimension ay di ko na sya ulit nakita. Tinanong ko yung mga kasamahan naming lalaki pero maski sila ay wala ding alam. Hindi na rin kasi ito pumapasok ng klase at kahit may sama ng loob ako sa lalaking yun, di ko parin maiwasang di mag-alala sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Cintra Academy (On-Going)
FantasyAlong with the living of gods and goddesses, the world called Abyss also has its existence. Abyssians, the direct descendants of one of the primal greek ones established an academy known to the whole Abyss, one of the most prestigious school of mag...