Chapter 13: Umbra

766 46 0
                                        

Creya

Pasimple kong tinahak ang mataas na hallway papunta sa library nang biglang mag vibrate yung cellphone sa bulsa ko. Napatigil ako saglit at hinablot iyon bago tiningnan ang sanhi ng pagva-vibrate.

We shall not be named

Maryel: Guys!!!

Maya-maya pa ay nag si replyan narin yung ibang members sa GC

Jisue: hm?

Allie: guys pt. 2

Charles: zup?

Maryel: wala
            : tinry ko lang kung buhay
              ba tong GC HAHAHAHA

Romliv: 😩

Lah.

Binalik ko nalang ulit yung phone ko sa bulsa at nagpatuloy na sa pagpunta ng library. Actually pirs time kung pupunta dun kaya medyo naeexcite ako. Sana merong wattpad books dun :> o di kaya series ng Harry Potter. Yyieeee..

Napangiti ako sa mga iniisip ko. Ngunit agad ding nawala yun nang may nahagilap akong anino sa papalikong hallway. Titingnan ko ba? Char, parang di rin naman dun ang punta ko hnggg...

Kaya ayun, lumiko ako, dun rin naman ang daan papuntang library. As I was walking pakiramdam ko ay bumibigat ang bawat hakbang na ginagawa ko. The sound of my foot steps seems getting louder and louder. Shuta, sabi ko na nga ba na dapat flat shoes nalang yung sinuot ko eh.

Napahinto ako saglit, I roamed over my sight. Strange, bakit parang may mali dito? Umiling ako dahil baka guni-guni ko lang yun at hahakbang na sana nang...








char joke lang, feeling horror sis?






Nagpatuloy lang ako papunta sa library nang makarinig ako ng indistinct voices sa di kalayuan. It's more like a soft whisper. Hindi ko na sana papansinin yun kung hindi ko lang narinig ang pangalan ko. I became curious kaya sinundan ko yung boses. I trace through walls hanggang sa makakapa ako ng parang pinto. The whisper-like voice of a girl became louder kaya binuksan ko yung pinto. There is nothing here but pitch-black. Napalunok ako.

Qaqo baka horror na'to ah. Wala naman sigurong multo dito diba?

With full courage, tumalikod ako at lalayas na lang sana nang biglang umilaw yung mga maliit na torch sa pader. Napataas ako ng kilay, isa itong hagdan pababa. Sinigurado ko munang walang tao sa hallway bago ako pumasok dito. Hindi pa man ako gaanong malayo sa pintuan ay bigla nalang itong sumira. Damn. Dapat na ba akong matakot?

I began my journey down this stairs. The place is not that creepy. It gives me the look of underground place of an old palace. Hinakbang ko pa ang kahabaan ng hagdan hanggang sa makatapak ako sa sahig. Mas lumakas pa yung boses na narinig ko kanina and seconds later, bigla nalang iyung nawala.

I can hear my own footsteps and the flow of water na nasa magkabilang gilid nitong silid. I paused my track when I heared my name once again. Para bang tinatawag nya ako at ako naman ay kailangang pumunta sa kaniya.

"W..who are you?" Sigaw ko pa habang nilibot yung mga tingin ko. "Creya.." tawag nito ulit.

"Magpakita ka nga!"

It was a mistake. A big mistake. Hindi ko na sana yun sinabi. At hindi na rin sana ako tumingala pa. Standing before me is a woman in black. Nasa itaas sya habang nakatingin sa akin. Her face was covered with long black veil kaya todo ang sigaw ko.

"Aaaahhhhhhhh!!!!" Mama multooooo!!! Nag-umpisa akong tumakbo pabalik sa kinaroroonan ko at dali-daling umalis dun. Pvtaaa muntik pa akong matipalok!

Cintra Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon