Chapter 17: Beyond the Library

680 49 7
                                    

Creya

A day after that mana assessment encounter ay umengaged muna kami sa physical training session ni professor Hell. Buti nalang at ngayong araw ng biyernes ay wala kaming special class kaya ang free time namin ay itinuon ko nalang sa pagpuntang library para intindihin ang mana. Sorry naman, bobo eh.

*bzztt bzztt*

Napahinto ako saglit at kinuha ang cellphone kong nagva-vibrate sa bulsa ng saya bago ito tiningnan.

From: Kassian

↪ Hoy! Hindi mo ba alam kung hindi ko rin alam kung asan alam mo?

(・・ ) ?

To: Kassian

↪Ako ba kausap mo?

Wala pa mang ilang segundo ay nag vibrate agad ang cellphone ko. Bilis naman maka-reply. E kayo? Kumusta? Nagreply na ba?

From: Kassian

↪Nagreply kaaaaa hahahahahaha

↪San ko ba sinend? Di ba sayo? Alangan naman kay Allie. Utak nga Crey.

Ano? Utak daw? Nangdidilim ang paningin ko sayong hayop ka.

To: Kassian

↪Malay ko ba baka naka-gm nakalimutan mo lang maglagay ng hashtag.

↪Kung utak man lang pag-uusapan wag na tayong mag-usap Sian.


Damayin ba daw utak ko.

From: Kassian

↪Kaunti nalang credit ko tas mag ggm pa ko?

↪Don't worry, wala din akong utak kaya safe yang topic na yan saten.

To: Kassian

↪Slapsoil k!


From: Kassian

↪Asan ka ba kasi?

To: Kassian

↪Sa lugar kung saan wala ka.


From: Kassian

↪Malamang! Kaya nga hinanap kita diba? Bobo lang Crey?

Tangina naman. Nakakaiyak na tong mokong nato. Di porket sya yung ka-close ko sa lahat tatawagin na nya akong bobo? Saket eh, tama naman kasi sya dun. Mwesit.

To: Kassian

↪Nakakasakit ka na ha! Wag mo ko hanapin! nasa library ako balakajan.


Lintek sya!

Hinintay ko pa yung reply nya pero ang qaqo hindi na nag reply. Naubusan na ata ng load. Tanga ba naman kasi, libre wifi bat di nalang sya sa GC namin mag chat? O di kaya i-dm nya ako. Tanga.

Binalik ko nalang ulit ang cellphone ko sa bulsa at nagpunta na ng library. Manghihiram kasi ako dun ng libro at doon ko nalang babasahin sa training room namin. Tutal 2:1 ang time ratio dun, mas mahaba ang matutuon kong oras sa pagbabasa kesa sa loob ng library.

Pagkaapak ko sa library ay nag sign-in agad ako bago naglibot. Na describe ko namana ata ang loob ng library diba? O ayun ipagpatuloy ko ulit. Pagkapasok mo sa loob ng library ay bubungad agad sayo ang pagkadami-daming bookshelves ng samo't-saring libro. Malaki ang library, kung tutuusin ay ipagdoble o di kaya i-tatlo mo yung kalakihan ng public library.

Cintra Academy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon