Gwyneth Alaia Sanchez
"She needs to take some rest. And never forget to take her meds everyday. I also recommend you to avoid her from fatigue and stress."
"Yes doc. Thank you very much..."
Rinig kong usapan ng magulang ko at ng aming family doctor. Pina paalahanan at iniisip nilang pa-iwasan ako sa stress at pagod, hindi nila alam, mas nai-stress at napapagod ako sa sitwasyong ito.
"Maraming salamat talaga doc. Talagang pumayag ka pa talagang pumunta rito para lang i-check ang kalagayan ng anak ko. You're such a big help."
"No problem, Mrs. Sanchez. It's my responsibility. Just call me whenever your daughter needs help. Basta huwag lang kakalimutan ang mga tagubilin na ibinigay ko para naman magpatuloy na ang paggaling ng inyong anak."
"Alright po. You know lahat naman gagawin ko para gumaling ang anak ko."
"That's good. I'm also wishing for your daughter, Gwyneth to feel better... Sige po, Mrs. Sanchez I need to go now."
Huling dinig ko na lamang ay ang marahang pagsara ng pinto sa aking kwarto.
Buong akala siguro nila na natutulog lang ako dito sa kama ko na hindi tulad ng paborito ko. Ang totoo ay talagang nakatalikod lamang ako sa kanila, tahimik na nakikinig. Dumako ang mga pagod kong mga mata sa bintanang kaharap ko, mula dito sa kinahihigaan ko'y tanaw ko ang kulay asul na kalangitan, mangilan ngilang maninipis na ulap na bilad na bilad sa mataas na araw.
Tanghali na, maganda ang panahon, sana ganoon din ang nararamdaman ko.
Nakakasilaw at masakit sa mata ang liwanag galing sa labas pero hindi ko alintana iyon. Magkadikit ang mga palad ko na namamahinga sa unan na nasa ulo. At ako, nananatiling hindi kumikilos. Nakatulala, nag-iisip.
Hindi naman ako pinabuhat ng mga maleta kanina pero parang bigat na bigat ako ngayon. Pagod, inaantok. Pero hindi magsara ang mga talukap ng mga mata ko, parang napagod na rin ata sa pagkilos na sumara.
Pinilit kong matulog pero nauwi sa pag tutulog-tulugan kaya naisipan ko na lamang na abutin ang headphone ko sa gilid na lamesita. Mabuti pang makinig ng music kaysa guluhin ng mga naiisip ko.
Nagsimulang tumugtog ang mga awitin ng mga sikat at umuusbong banda ngayon. Pang-broken, senti, o 'yung sinasabi nilang mga kantang puno ng 'hugot'.
Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon bago nagpasyang tumayo't libutin ang bago kong kwarto.
Simple, plain at malawak. First time ko dito sa bahay ng lola ko. At first time ko dito sa probinsya. Buong pagkabata ko kasi ay sa city na ako nanirahan kasama ang mama ko. Ang bahay ay pagmamay-ari ng lola ko na namayapa na, ilang taon na rin ang nakalilipas. Nakita ko na 'yun si lola, may pagka-strikta pero mabait kapag hindi inatake ng high-blood.
Kapag minsan siya mismo ang bumibisita doon sa bahay namin dati sa city. Tapos mahilig magbigay ng candy kaya siguro puro sira rin ang ngipin ko nung bata kasi mahilig din ako kumain nito e. Tapos impluwensya na rin ni lola.
Hinila ko ang drawer na katabi lang ng kama ko. May notebook na maliit, ballpen at saka libro. Kanino kaya ang mga gamit na 'to? Sabi sa akin kanina ni mama itong kwarto na ito raw ang madalas tulugan ng mga pinsan ko noong bata pa sila kapag nabibisita dito kay lola. Ngayon 'yung mga pinsan ko na dati nakatira din dito sa probinsya ay malalaki na at may kanya kanya na ring buhay sa maynila. Baka isa sa kanila ang may-ari ng mga ito.
Binuklat ko ang libro na mukhang matagal na ring nakatago dito. Inilipat ko ang bawat pahina. Wala akong masyadong interes sa mga libro pero pumukaw ang atensyon ko ang nakasalungguhit na isa sa mga sentence nito.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...