33

31 0 0
                                    

All

The sky grew darker, bukod sa ulap ay nagpapadagdag ang kaitiman ng gabi. Lightning flashed everywhere, the loud roll of thunder make the inside and outside of me trembles in fear. I am totally frightened! My eyes began to water as the heavy rain came pouring down. Ang maligalig at nakakatakot na buhos ng ulan ay sumasanib sa mga luhang patuloy din ang buhos.

Nagsimula akong maglakad. Ang lakas ng hangin. Mukhang kahit anong oras ay pwede akong tangayin.

"Gale!" Sigaw ko. "Gale!"

Ginawa kong panangga ang kamay ko sa mga matang pilit siyang tinatanaw mula sa hanging humahambalos.

"Gale! Ga-" I was choking.

The rumbling thunder continues. Tumakbo na ako kahit pa hirap na hirap. Akala ko ang kulog ang narinig ko pero siya pala iyon, nagwawala, joining the the rage of the thick, dark, rolling clouds that hid the afternoon sun.

"Aaaargh!" Tila miyembro ng kulog ang boses niya nang sumigaw.

Nagulat ako at naugat ang paa sa nakita. Galit na galit niyang tinapon ang kung anong hawak at pinagsisipa ang lahat ng masanggi. He's drunk. Ang bote ng alak ay walang habas niyang ibinagsak sa lupa na gumawa ng tunog ng pagkawatak-watak ng mga bubog.

Nanigas ako. Unang pagkakataon na makita ko siyang ganyan kagalit at kadilim. Nakakatakot siya. Para akong nakakita ng halimaw sa gitna ng bagyo.
Ang suot niya lahat ay basang basa. I don't know if he's crying. Lumandas ang panibagong luha sa mata ko. It hurts seeing him hurt. Gustong gusto ko siya pigilan sa pagwawala. Gale, my love, what happened?

Kung ano man ang dahilan ng hindi niya pagiging pirmi, sigurado akong malalim ang pinaghuhugutan niya noon. Pinanood ko ang mga braso niyang punong-puno ng enerhiya at kung saan saan umiikot. Parang gusto niyang manapak, sumuntok, manira at... pumatay. Naiiyak ako lalo dahil natatakot ako sa imahe niya. Pero sa kabila ng iyon, lumutang sa akin ang pag-aalala.

Sumisigaw at nagwawalang Gale ang nasa harapan ko pero nakikita ko ang isang lalaking galit man ang mata, puno naman ng paghihinagpis. Hindi ito ang oras na dapat ko siyang katakutan at takbuhan. He needed me. He needed my touch. He looks like a beast, losing its temper. I want to be the pill to calm his incensed heart.

"Gale!!" Another roar of thunder flashed. Pakiramdam ko ay tatama ang kidlat direkta sa akin dahil hindi ako nagbibiro, nahagip ng gilid ng mata ko ang ilaw.

Pabagsak na napayuko ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko, nakakaramdam ng matinding pagod. Ipinahinga ko ang mga palad sa nakabaluktot na ngayong mga tuhod. Kaunti na lang ay tuluyan na akong luluhod dito sa kinatatayuan.

Pakiramdam ko pinaparusahan ako kapalit sa kasiyahang natamasa. Ipinapadapa at ipinapangudngod sa putikan, ipinapadama ang matinding galit. If that's the fate's plan then I want to congratulate it. Nagtatagumpay ang lahat ng gusto nitong iparamdam sa akin. I can taste every bits of fiery wrath it throws.

My breathing isn't normal again, I guess. Tuluyan na akong tinakasan ng lakas at bago pa ako sumambulat dito sa sahig ay narinig ko ang pangalan ko, sa malayo at naramdaman kong papalapit, "Gwen!"

Warm hands enveloped my back. He hugged me and his words are blur to my ears.

I managed to open my tired and wet eyes. Hinanap ko sa mga mata niya ang pinagsamang lungkot at galit pero wala na akong nakita. Malambot ang mga titig niya, ibang iba sa itsura nito kanina.

Nagsasalita pa siya pero nagsalita din ako, sinasapawan siya dahil hindi klaro sa tainga ko ang kanya.

"Bakit ka nagwawala?" Hindi ko sigurado kung naririnig niya iyon. My eyes were half open.

Gwyneth and Gale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon