Genuine
Mariin akong naniniwala na hindi ko kailangang makisama sa kasiyahan ng ibang tao para makasunod at maging masaya rin sa company nila.
I don't need to blend in and do what they do if the truth is I don't really want it, and I don't find any happiness in socializing. Hindi ko kailangang mag-adjust para sa ibang tao.
But for tonight, I set aside that belief. Pumayag ako sa kagustuhan ng mama ko at hindi dahil sa napipilitan ako kundi gusto ko. Gusto kong i-try. A little bit of taking risk is not bad, at least just for tonight.
Sinamahan niya akong sabay kaming lumabas ng bahay. Sa may malawak na kapatagan, nandoon ang itinayong bonfire na malakas na ang ningas ng apoy. Sa palibot noon ay ang mga ka-edad ko. Babae at lalaki ngunit mas marami ang kababaihan. Tahimik silang nag-uusap usap at ang isang lalaki pa sa dulo ay may hawak ng gitara at ang iba'y tahimik na nakikinig, ang iba ay nakikisabay sa musikang nanggagaling sa itinutugtog na instrumento. Tila larawan ng masasayang magkakabarkada sa panahon ng kalmadong gabi.
Luminga pa ako sa buong kapaligiran. Sa malayo ay may matatandang nag-iinuman, at sa stage na pinagdausan ng kompetisyon ay nandoon pa ang ilang nagkakasiyahang mga tatay na nanalo at ang ilan ay nag-aayos na, heto lang ang kita ko mula sa bintana kaya naman laking gulat ko na may pa-bonfire pa lang nagaganap at sa malayo layo na rin ay nandoon na ang mas maraming ilaw na isinara na rin at pinalitan ng makukulay na ilaw para sa isang disco.
Mom hugged me from my back and told me that she'll just join with her girl friends. Ang punta nila ay doon sa diskuhan na nagpaalam naman sa akin kung ayos lang ba, tumango lamang ako doon. Maybe it's time for her to be happy with her friends.
Iniwan niya na ako, ayaw pa ngang umalis sa tabi ko pero pinilit ko na magiging okay ako kahit na sa totoo, ayaw kong kumawala sa kanya. Hindi niya kasi kailan man nalaman na hindi ako komportable sa ibang tao. She never knew what I'm struggling. Dahil na rin sa hindi ako nagbubukas kailanman ng saloobin dito. All that she knows is that I'm too snob and grumpy in every person, that's why I don't make friends. She always try to help secretly. She pushes me to go with different people, like these. Pero hindi niya ako kailanman naintindihan at never akong maiintindihan. Ang mga naiisip at nararamdaman ko ay mananatiling sikreto sa sarili ko. Siguro nga ay mahirap akong intindihin, hinahayaan ko na lamang na kung ano ang ipinapakita ko ay iyon ang isipin niya at ng ibang tao.
Ngumiti ako sa magulang ko. Hinayaan niya ako so it means, nagtitiwala siya sa akin, hindi din naman ako magtatagal dito.
Lumapit ako sa grupo ng kababaihan na nasa harap ko lamang. Sa sahig sila nakaupo, pinanglatag lang ang dahon ng saging. Sa pagitan ng dalawang babae ay may space doon, sapat lang para makaupo ako. Liningon ako ng isa. Bago ako umupo ay nagtanong ako kung may naupo na ba roon at umiling naman siya.
I take that as an opportunity to occupy the space between the two girls.Ang kanina'y tinanungan ko na ngayon ay katabi ko ay hindi na muling lumingon pa sa akin dahil may kanina pa itong kausap sa gilid niya.
I forced to smile widely. Sa kaliwa na lamang ako bumaling at napatingin kami sa isa't isa noong babaeng may mahaba na buhok.
"Hi," I smiled genuinely at her and wave my hand shyly.
She only gave me a smile. Iyong ngiting nag-aalangan pa. At mas tipid kumpara noong sa akin. Pagkatapos ng ngitiang iyon ay muli niyang iniharap ang katawan patalikod sa akin, at may katawanan nang ibang kaibigan. Bago siya tumalikod ay nakita ko ang hawak niyang plastic cup na juice ang laman. And about that, nasa harap ko pala ang mga plastic cups at isang pitsel na naglalaman ng juice. Nalaman kong sa amin ito dahil sa amin ang pitsel na ito at may palatandaan, siguro ay si mama ang naglabas at nag-alok sa mga kabataan dito. Good thing that these teens don't drink. Kaya naman ay kumuha ako ng isang cup at nagsalin. I sipped on it carefully. At tinitigan ang pabilog.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...