Escape
Plain room, quite hallway, old stairs and chirping birds. Nadatnan ko pa rin sa dating ayos ang lahat ng ito. Nothing's special. Malawak lang ito pero walang espesyal sa pamamahay na ito.
Masyadong kulob, mapaloob man ng kwarto o labas; para pa rin akong nasa ospital and I hate that atmosphere.
Kanina I made my own tour in this freaking house and I discovered that there's also a garden. Pero imbes na relaxing and very refreshing na leaves and flowers ang madatnan ko ay puro lamang lantang bulaklak na sa tingin ko'y nabalot na rin ng alikabok at mga ligaw na damo. Ang vines rin na nagsimula ng umakyat sa gilid ng pader ay sinadyang pinutol. Kung hindi lang sana nalinis ang loob at harap ng bahay at puno pa rin ng cobwebs ay mapagkakamalan na itong haunted house.
Dismayado akong naupo sa batong upuan na napapalibutan pa rin ng unwanted plants and grass. Pero wala pa ring isang minuto'y wala sa sariling napatayo ako at agad sinipat ang pwetan at ang upuang bato.
"Shit," I cursed ng malamang maalikabok pa rin pala dito. Agad kong pinagpagan ang pwetan at huling tingin sa paligid ng hardin ay lumayas na ako rito.
Now, I'm inside the house, craving to watch Netflix but all were local tv programs flashing on the screen. While planning to buried myself in watching these cheap tv shows, I went to the kitchen. I thanked God dahil at least, may ref pa rin naman dito but that grateful and happy feeling all faded away when I didn't saw what I wanted inside that refrigerator. Ang tanging nadatnan ko lamang ay complete set of mommy's vegetables. While I'm thinking for ice creams, I saw vegetable products, vegetable desserts, vegetable tea, and raw vegetables. Nagmistula ng kagubatan itong ref namin sa pagka-green. I stopped my self from cursing again and again.
I thought being alone in this big house would be a little fun. Fun? Oh yes, fun! I think of more things that were fun. Imbes na iburo ang sarili ko dito sa loob ng tahana'y mas mabuti pang magliwaliw sa labas. Even though I'm sure that I will only see pure fields and plants. Baka nga mas mapunta pa ako sa mas malawak na kagubatan kaysa sa nandoon sa ref namin. I glanced at the closed window. It's hot outside, pero marami namang puno, may masisilungan naman kahit papaano kung sakali mang paunti unting sumulyap si haring araw.
"I don't need this jacket," wika ko matapos ihagis sa sofa ang susuotin sana. Kahapon kasi dapat ako aalis e, kaso nandiyan si mama.
Agad kong pinalitan ito ng longsleeve na damit para hindi masyadong masakit ang pagtama ng araw sa balat ko, manipis lang din naman ang tela nito kaya ayos lang sa maalinsangang panahon.
Hinayaan ko lang din ang maikli kong buhok. I locked all the things that I needed to lock. At nang sa mismong labas ng bahay na ako naglo-lock, naisip ko ang sinabi sa akin ngunit agad ko ring iniwas. I don't care about the rules. What's wrong with going out? Lalabas lang naman. As if naman na maglalayas ako. All I want is to escape from that white house that looks like a cage for me. I don't want to feel like a bird because I am not a bird that's needed to be caged so it won't escape and lost. But I want to escape and be lost, without minding anyone, anything.
Humugot ako ng hininga. No regrets. Not worrying kung may magalit man sa'kin.
Lumikha ng matinis na tunog ang gate ng isara ko na ito. I was about to take my fifth step away from the house nang makarinig ako ng boses ng kapit-bahay.
Napalingon ako sa likod na pinanggagalingan ng boses, "O, diyos ko! Ineng! Ineng! San ka pupunta?"
Nanliit ang mata ko upang mas maklaro ang itsura ng aleng paparating. Naka-bun ang itim na itim nitong buhok at naka-daster ng mahaba.
She's hurrying and I knew that it was me she's calling at.
"Naku! Inihabilin ka sa akin ng nanay mo at sabi na bantayan raw kita't baka mapano ka-" anito na hindi pa rin matigil sa pagtakbo upang makalapit sa akin. Ang mga mata niya'y hindi matukoy kung saan pipirmi, kung sa akin ba o sa lupang tinatapakan niya.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...