Lover
Bumalik sa dati ang aming sitwasyon. Papasok si mama sa trabaho at ako naman ay susulpot para makita si Gale. Minsan ay naaabutan ko siyang nakaabang sa labas. Sasalubungin niya ako at bubulungan na ang kulit kulit ko at panay ang labas ko pero alam ko na naman na kahit salungat ang sinasabi niya ay sang-ayon siya sa bawat pagkikita namin.Sabi niya kasi na baka mahuli kami pero sinasabi kong hindi. Tuluyan ko na ring kinalimutan ang pangyayaring iyon sa pagitan namin ni mama. Hindi na iyon kailangan pa. Pati ang panghihina ko noong mismong araw na iyon. That ugly moment, kinalimutan ko na rin. Ayokong nababahiran ng negativities ang mga oras na magkasama kami. I told him to cherish every drop of we're together.
Nakakaumay siguro kung iisipin na paulit-ulit ang lugar na tinatambayan namin. Bihira lang sa bahay nila dahil sa baba ay maraming maaaring makakita sa amin. Madalas sa pahingahan niyang kubo sa taas ng burol. Sa labas lang kami noon, nauupo sa kawayang upuan o nagduduyan. Ayaw niya daw sa loob ng kubo dahil masyadong mainit. Bukod sa isa lang ang bintana ay wala pang electric fan. Walang gamit doon at tanging sahig lang bukod sa unan at kumot.
At sa mga mahahabang oras, ay sa kagubatan kami. Hindi nawawala roon ang pagkasalubong sa mga hayop. Paggala-galang baboy, ibon na nagpapagulat sa amin, at maliliit na insekto at kapag may mas matagal na oras ay dinederetso ang pagtahak sa kakahuyan hanggang sa mapadpad sa tahimik na batis. Hanggang ngayon ay kataka-taka ang pagiging misteryoso nito. Wala talagang ibang pumupunta. Parang ginawa ang munting paraisong ito para sa amin lang. Kung matutuklasan siguro ito at maisasapubliko ay maraming turista ang bibisita.
Nang lalong tumindi ang init ay napapadalas ang pagligo namin. We often spend our warm summer in that stream.
"Gwen, watch me." He commanded.
Pinanood ko siyang lumusob sa kalmadong tubig. Ang pagtalon niya ang nagpaingay sa tila naiidlip na tubig. The pristine water splashes.
Umangat siya sa tubig. Kumikinang ang tubig dahil sa namumutok na sinag ng araw. Basa pa rin ako ngunit natutuyo dahil sa init. I was looking at him intently. A shadow of rainbow formed in my eyes while observing him. Ang medyo mahaba haba niya ng buhok ay nahuhulog hanggang sa batok. Ang mga tubig na naipon mula sa paglusob ay nahuhulog din sa dramatikong pagpasada niya ng hagod doon. Dumudulas ito sa straight niyang buhok, tutulo ang maliliit na patak mula sa balikat hanggang sa kanyang dibdib.
Pikit ang mga mata niya nang pagdampiin doon ang palad upang mahulog din ang tubig mula sa noo pabagsak sa mga pilik hanggang labi.
Nang magmulat ang isang mata ay tinawag niya ako. "Come here."
"You come here," biro ko. Nagpapahinga ako rito e tapos iistorbohin niya.
Niloloko ko lang siya n'un pero sineryoso niya. The waves in the stream became violent again because of his sudden swim. The water waves wildly away from him.
"Ang tagal," parinig ko. Patagilid na nakahiga at nakasandal ang ulo ko na sinasalo ng palad, ang siko ay nakatukod sa makinis at mainit na bato. Ang gilid ko ay unti unti na namang nababasa dahil umaabot dito ang pag-alon ng tubig.
Hindi ko siya kita noon dahil sumisid na siya patungo sa akin.
Nagiging mabait ang tubig at nagiging maliit na ang kanina'y sunod sunod na medyo malalaking nalilikhang alon.
"Gale?" Bakas pa ang ngisi sa labi ko sa unang pagtawag ko sa pangalan niya.
Walang umahon. Nawala ang ngisi ko.
Lumipas pa ang ilang segundo at iba na ang naramdaman ko.
"Gale? Gale?!"
Inangat ko ang sarili para yumuko sa tubig at tignan ko nasaan siya o nandiyan pa ba siya.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...