22

43 0 0
                                    

Safe

Nababaliw na siguro ako dahil umaasa ako sa wala. Palinga-linga ako sa paligid, hinahanap ang isang lalaking gustong gusto ko makita. Pero siguro nga na nababaliw na talaga ako dahil sa mga libro o teleserye lamang magkakaroon ng eksenang dadating ang isang lalaking tagapagsalba.

Enough for that fantasy, Gwen, nasa gitna ka ng lugar na hindi mo kabisado at iyan pa rin ang nasa isip mo! You should focus and think now how to went home alone.

I should be angry right now pero hindi ako makahugot ng kahit ano. Para akong nawalan ng lakas. I feel like I'm drained. Physically and emotionally. Somehow I understand Chysler why he left me alone and didn't do what he promised. Maybe I deserved this.

But part of my brain is thinking how coward he is. How unmanly he is for not accepting a girl's decision. But I get it, he's in pain. He's just so quick. And probably he is not matured enough to accept rejection. Boys like him should learn that. Hindi porket mayaman, may itsura at nasa mataas siyang estado ay kaya niya ng makuha ang lahat. I sighed in relief when after thinking these thoughts I'm sure I am still in myself. I am still me.

Pero hindi maaalis ang nasa isipang hindi ako makauwi! Damn, paano umuwi?

Hindi dapat tumunganga lang dito. Walang kahit sinong dadating sa iyo, Gwen, wala!
Lumubog na ang araw. At konti na lang ay tuluyan nang magdidilim. 'Yun ang nagpapakaba sa akin. Paano kung ma-stuck ako rito? Paano kung hindi ako makauwi at tuluyan nang magsara ang lahat ng nandito? Damn that Chysler Nacua! Siguro kung kaya ko lang ay pwede ko siyang kasuhan, ayun ay kung may masamang mangyari sa akin!

Matapos ang halos isang oras na paghahanap sa labasan ay natunton ko rin ang kalsada. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa ang makipagsiksikan minsan sa mga tao't hindi pag-intindi sa tingin ng iilan na kadalasan ay nagdudulot sa akin ng takot. Pero ngayon, hindi alintana iyon sa akin, marahil mas iniisip ko ang makalabas lang rito at makauwi na.

Niyakap ko ang sarili ko nang umihip ang hangin. Hindi pa naman ako nagsuot ng jacket dahil ang alam ko talaga ay hindi ako aabutin ng gabi! Sumabay ang laylayan ng magaan kong bestida sa direksyon kung saan umihip ang hangin.

Napalingon ako sa narinig. Sigurado akong hindi pagsipol ng hangin ang narinig ko kundi pagsipol at pagsitsit ng ilang lalaking nakatambay at nakaabang sa kani-kanilang pampasaherong traysikel, hindi kalayuan sa akin. Gusto ko nang lumapit at magtanong kung saan patungo iyon, kung papunta ba sa'min pero pinangunahan muli ako ng takot.

"Psst! Miss, miss!"

"Saan ka?"

"Naghahanap ka ng masasakyan, dito oh!"

Tumitig lamang ako at parang masarap mambato sa mukha sa ilang tuksong narinig ko. Napababa pa ang tingin ko sa ilang mga batong nagkalat sa aspaltong kalsada.

Konti na lang talaga at mapipilitan na akong lumapit doon at magtanong kung saan ang biyahe n'on pero laking ginhawa ko nang isinigaw nito ang lugar na maaaring binabyahe nila pauwi at sinigurado kong hindi iyon. Hindi iyon ang sakayan pauwi sa amin. Tuluyan na akong umatras doon at naghintay sa kalsadang medyo madilim at halos mabali ang braso ko sa kakapahiwatig na huminto ang kahit na anong sasakyan na binabagtas ang patungo sa amin.

Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa at hindi pa nakakatulong ang naririnig kong tawag ng ilang tricycle driver sa malayo. Nag-isip ako na lakarin na lang tutal dire-diretso lang naman ang daan nito hanggang mapunta na sa amin.

Gusto ko nang umiyak. Umurong lamang ang luha ko nang may pumarang tricycle at nabuhayan ako nang minsang may makitang ganitong kulay na pumapasok minsan sa amin.

Gwyneth and Gale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon