Close
"So, matagal na kayong nakatira rito?"
"Uhm... hindi naman po, Sir. Wala pa kaming isang taon."
"Gwen. Gwen. Chysler na lang, 'di ba?"
"U-Uh, o-opo-"
"And enough for the formality." He sighed. "Again for the ninth time, stop calling me Sir and using 'po' and 'opo'. Halos magkasing edad lang tayo, oh..."
"...okay. Medyo nahihiya lang akong tawagin ka sa pangalan mo, sir-" my eyes widen as I see his blank expression. "C-Chysler!"
Muntik ko nang mailipad ang palad sa bibig dahil sa muli na namang kamalian. Yumuko na lamang ako. Paakyat na kami sa burol nang may nagsabi sa aking gusto raw ako makausap ng anak ng Mayor. Matapos ng pag-abot sa akin noon ay bilang anak ng namamahala sa lugar at para may malaman daw siya kahit papaano sa bagong lugar ay nais niya raw na may kahit isang ma-interview tungkol sa lugar. Hindi ko nga alam kung ba't ako e. Tinanggihan ko pa noong una ngunit sa pamimilit na rin ng iba at ng aking mama, sumunod na lamang ako. Sobra ang kaba ko dahil... ano namang impormasyon ang makukuha niya sa akin? Ilang beses kong inialok ito sa ibang nanay pero ako raw ang gustong makausap. May iba akong naiisip doon ngunit isinantabi ko iyon.
Tumingin ako sa kanya. Siguro ay nagsisisi na siya ngayon, huh? Bakit pa kasi ako?
He laughed a bit, "Bakit ka mahihiya?" Umiling siya at nakangiti pa rin.
Hindi pa rin ako makatingin nang diretso at pilit pa ring inaalala kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Kanina habang sumasagot sa katanungan niya at nakikipag-usap nang kaswal, pakiramdam ko tumaas ng ilang porsyento ang sarili sa pakikipag-usap sa iba. Or is it just him? Magaling siyang makipag-usap at he make me feel like we're already friends when we only met this time.
Hindi pa tapos ang programa o hindi ko alam kung tapos na ito ngayon at umalis na kami mula roon. Wala rin namang ibang nakasunod at inalalayan kami paalis ng ilang naka-violet na shirt. At... artista ba ito? Ba't ganun ang treatment? Sabagay, "anak ng mayor" e.
When we're heading alone, I was about to ask him on how about the Mayor Nacua? Alam ba niya? Pero hindi ako 'yung unang nagsalita. Actually, he's friendly and light to be with. And I think it's my responsibility to be nice at him. Kaya kahit pa ayaw ay kailangan kong makipag-usap at maging "magalang".
Siya ang unang kumausap sa akin. May ilang itinatanong tungkol sa lugar at mga tao. Wala akong ibang nagawa kundi ang sumagot. May katanungan pa nga siya kung kumusta ang mga pananim doon, kung marami ba raw ang nagtatrabaho o kung paano ang ikot ng pagtatrabaho roon kung naoobserbahan ko ba raw. Nagkibit lamang ako doon at walang matinong maisagot. Like, duh, wala nga akong pakialam sa mga pananim, e.
Nakakahiya naman kung hindi ko gagawin pero hindi ko talaga alam kung tama ba ang pag-alok ko sa bahay namin patuluyin at plano kong pag-uwi ni mama ay siya na ang mag-asikaso lalo pa at inilahad ko sa kanya na bahay namin ang nadaanan kanina. Tumanggi siya roon at gusto niya lang umakyat doon sa may burol para daw mapagmasdan ang kabuuan ng lugar.
Nag-aalinlangan ako dahil may naaalala ako roon at baka mamaya ay nandoon siya! Nandoon siya! Para akong tinatakot ng kaluluwa nang maalala 'yon. Dapat tumanggi na talaga ako? Paano kung nandoon nga siya? What if... no. No. Wala siya. Wala siya doon, Gwen. Calm yourself.
"Gwen? Gwen?"
"H-ha? Sorry!"
Oops.
He chuckled,"What are you thinking? It seems deep."
"Uhm, sorry I'm not yelling." Paumanhin ko sa mas kalmadong tono. Trying to ignore his question at mas piniling manghingi ng tawad sa pagtaas ng boses na sa tingin ko'y hindi niya naman pinansin.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...