Truth
Pagkauwi ko n'un walang nagbago bagaman nakikita kong patapos na ang kainan, abala pa rin ang lahat.
Nagtama ang mata namin ng magulang ko at kinabahan ako roon. Pero nawala rin nang yayain ako nito.
"Gwen, kain na rito." Lahad ni mama sa mesa.
Nagtinginan ang ibang nanay sa akin na nakaupo pa at kumakain sa hapag.
"No thanks I'm good, akyat lang ako sa taas," giit ko at hindi na tiningnan pa ang mga naroon.
Bakasyon na at nandito ako sa kwarto at iniisip kung ano-ano ang pupwede naming gawin ni Gale ngayong wala nang pasok. Nagsisimula na akong magplano sa mga naiisip ko pero gan'un at gan'un pa rin ang lugar na naisusulat ko rito sa maliit na notebook.
Marahan kong tinatama ang pwetan ng ballpen sa ulo ko, nag-iisip.
Maybe it's fun if we'll try some picnic? Magdadala ako ng ganito, sinulat ko sa blangkong papel ang mga kakailanganin. Tapos magdadala rin ako ng ganito, sinunod ko ang mga pagkain na paborito ko at alam kong sasakto sa gaganaping picnic.
Iyon ang ginawa ko nitong mga nakaraang araw. Hindi nga lang ako makalabas dahil si mama, hindi pumasok ng ilang araw, bakasyon din niya?
Sa bawat agahan din ay wala siyang kibo? Nagiging malamig at tahimik siya nitong mga nakaraang araw na nakakapagtaka.
I was sitting on the couch while chilling out with some dead air. At nandoon siya, nagpapanhik panaog sa baba. Nagbubusy-busyhan sa kung ano-ano.
Pinapanood ko ang mga lakad niya at nahihilo na ako sa katitingin. She doesn't looks okay. Ang mga nahahawakan niya rin, minsan ay may kumakalansing, kumakalabog at nahuhulog. Parang nagdadabog, eh.
Natapos siya roon at hinarap ko na. Sinimulan kong magsalita.
"Mom, you don't have work?"
Ang masungit niyang mga mata ay dumako sa akin. This is rare. Madalas kami magsagutan at mag-away pero hindi ganitong ginagamit niya ang pagkamasungit nitong mga mata. Whenever she showed me this eyes, I feel like I'm looking at my own.
"Ano bang nakikita mo? Hindi ba ito work?" usal niya.
I'm smelling something. A smell of bullets, gun, and bomb, in short a war.
"Work sa kompanya?" Duh?
"Wala. That's why I'm here." Bahagya niyang nilakihan ang mata.
What's happening?
"Bakit? Bakit mo natanong? Do you have plans? May pupuntahan ka? Aalis ka?" I was taken aback by her sudden questions. Galit na siya ngayon.
Saglit akong natameme at nang makabawi ay nagkandautal-utal na.
"... w-wala,"
She raised her eyebrow, "Are you sure? Baka may kikitain?"
Napasinghap ako. Nanlamig ako roon. If she was talking about Chysler... I'm sure hindi niya na iyon iisipin pa, sinabi ko na ngang nasa Maynila na iyon 'di ba?
Wala akong naging reply. Tila nanigas ako, "Tell me, Gwen. Sino ang kikitain mo ngayong araw?"
Ano? Hindi kaya... alam niya? Imposible.
"Ano?! Bakit hindi ka makasagot? Wala dahil mayroon naman talaga?"
"Ma... anong ibig mong sabihin?"
"Anong ibig kong sabihin? Huwag mo akong gawing tanga, Gwen! Kitang kita ng dalawa kong mata. Nakikipagyakapan ka doon sa Dong na iyon!"
Literal na napaatras ako.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...