Smile
Hindi ko alam kung paano ko nakausap ang lalaking iyon. Samantalang hindi naman ako sanay makipag-usap at makalapit lalo na sa mga lalaki. Kaya palaisipang nagkaroon ako ng ugnayan at pag-uusap sa lalaking iyon. Kung hindi ako nagkakamali, first time ko iyon! Oo, first time ko iyon! Sa ganoong kalapit at kagaan na conversation. Pero hindi ko matanggap na nagagaanan ako sa paraan ng pakikipag-usap niya?
Kakagising ko lang sa isang malamig na umaga at heto agad ang nasa isip ko? Parang hindi pa kuntento kagabi na eto rin ang laman ng nasa isip. Kahapon pa nangyari iyon at tila hindi pa rin maka-move on. Really, Gwen? Hindi makalimot dahil lang sa unang beses na ganoong pag-uusap? Teka, parang hindi ko ata gusto na ganito pa rin ang iniisip. Bumangon ako at inilihis sa isipan ang lalaking maaaring umasa at pinaghintay ko roon mag-isa sa burol-iyon ay kung bumalik nga talaga siya.
"Stop it Gwen. Wala kang pakielam doon, hindi 'yon bumalik," pag-kausap ko sa sarili.
Bumalik ako sa dating mood at aura. Nakasimangot na ang mukha at blangko na ngayon ang iniisip habang tumutungo sa kusina matapos mag-ayos ng sarili sa sariling banyo.
Inaasahan na hindi umalis ang ina para sa trabaho, nandoon nga iyon at abala sa pagluluto't paghahanda ng hapag. I wonder kung kailan siya kukuha ng kasambahay. Mayroon kasi kaming kasambahay at isang boy back in our old house. Naiwan sa isipan ko ang pagtataka kung bakit hindi iyon isinama ni mama rito. Nagpapakahirap pa tuloy siya sa paggawa ng mga ganyang bagay, at isa pa, wala rin akong mapag-utusan.
"Ang hirap ng wala si Joy!" Natatawang pagrereklamo ni mama nang mapansin ang presensya ko.
Si Joy ang pangalan ng dati naming kasambahay. Hindi ko pinansin ang sinabi niyang iyon at saglit na iniangat ang mga balikat matapos maupo sa hapag-kainan.
Nakatingin lamang ako sa walang pang lamang plato at sa gilid ng mata ko, ramdam ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin. Nang mapagtanto na wala nga palang taong magsisilbi sa akin, agad akong tumayo at kumuha ng tasa para magtimpla ng mainit na chocolate drink. Hinahalo ko na ito ng kutsara habang pabalik ako ng inukupang upuan kanina. Sakto namang pagkaupo ko ay ang paglapag niya ng agahan.
Isang pagdaan ng plato sa gilid ko ay nahagip na agad ng ilong ko ang mainit at masarap na amoy ng breakfast. Hotdog, kanin, cheese, bacon and some vegetable salad. Napangiwi ako nang makita ang salad.
Agad kong tinusok ng tinidor ang hotdog at halos ubusin ang bacon kasama ng kanin. Nang makita kong iyong puro vegetables at kaunting hotdog at loaf bread ang kinuha at kinain niya ay sinamantala ko na ang pagkakataong ubusin na nga ang bacon. My mother is watching my every move.
Nabitin ako sa bacon na kinain. Marami naman akong nakain pero kulang pa kumpara sa malimit kong kinakain dati. Paborito ko kasi ito. Magtatanong pa sana ako kung mayroon pang bacon pero naalala ko nga palang pinaalala sa akin ni mama na kailangan kong maglimita muna sa pagkain ng bacon dahil sa taba at mamantika. Kaya pala ang pagkakaluto rin sa hotdog ay hindi ganoon kabasa sa mantika. O baka ini-steam niya ito.
Nanatiling nakatitig ang mama ko ngayon sa akin. At alam ko ang ipinahihiwatig nito. Hindi lang ito titigil sa kakatitig at baka umabot pa sa pagsuway kaya umabot na ako ng kaunting vegetable salad. Labag man sa kalooban ko ang pagkuha nito at pagkain para sa isang maagang breakfast, naisip ko na baka sakaling kapag kumain ako ay mabawasan naman ang puro gulay na nasa ref at magkaroon na ng espasyo para sa iba pang pagkain.
"Did you sleep well?" Panimula niya na nakatitig pa rin ngayon habang nasa kamay ang mga kubyertos.
Sa gitna ng pagsasalin ko ng vegetable salad sa plato ay nilingon ko siya at saka tumango.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...