16

31 0 0
                                    

Girl

Walang umagang hindi nagkukumahog ang kung ano sa dibdib ko. My heart is always excited. Madalas kami nagkikita at nagkakausap. Sa burol, minsan sa mismong labas lang. My mom's always busy kaya hindi niya kami madalas makitang magkasama o magkausap. Some workers sees us... and children. Pero wala naman silang ginagawa. Hindi na rin masyadong awkward kapag tatawagin ko siya sa real name niya. Masasabi kong naging mas malapit na kami sa isa't isa, at hindi ko inaakala iyon. Mabilis ang pag-usad ng mga araw ngunit kapag kasama ko siya parang bumabagal ang oras. Habang tumatagal, mas hindi ako natatakot.

Hinahayaan ko siyang kilalanin ako. At siya din naman kahit na hindi siya ganoon mahilig magbahagi ng tungkol sa kanya. He really wants to help me, he said. He wants to help me heal my wounded self. Everyday he never fail to make me smile or laugh. I've never been so comfortable with someone like this before. Kaya naman nang malaman kong my mom wants me to enroll to school, agad ko itong ipinaalam sa kanya.

"You think it's a good idea?" Medyo alangan ang itsura kong tinitingnan siya.

"Of course! You should grab that opportunity. At saka ayaw mo ba mag-aral?" I cutted our eye contact. Yumuko ako. Hindi ko pa nasasabi sa kanyang may sakit ako kaya medyo alangan ako. I'll never tell him that. 'Yun ang huli kong gagawin.

Ngumiti ako at ibinalik ang sigla gaya ng excited kong pagsabi sa kanya nito kanina. "Okay. Oo nga naman. Iniisip ko lang ang mga mangyayari sa akin..."

Eighteen na ako at mag-ggrade 11 pa lang. I supposed to be a freshman now. Kung hindi lang ako huminto ng isang taon dahil sa sakit ko. Ayoko rin naman ng home-school noon. At dapat talaga ay first year college na ang eenrollan ko pero naabutan ako ng K to 12. Kaya kami ang first batch nito.

Patapos na ang bakasyon at hindi siya nagsasawang magbigay sa akin ng reminder at encouragements na it's okay, I can do it, and everything. Kahit kinakabahan sa unang araw sa school, baon ko ang mga salita at pagpapaalala niya. May katiting na pag-asa sa puso kahit papaano.

Si mama ang maghahatid sa akin magmula ngayon sakay ng aming kotse, ito ang lagi niyang dinadala paalis papuntang trabaho kaya simula ngayon, sa tuwing ihahatid niya na ako ay didiretso naman siya sa kanyang trabaho, kapag pauwi ay sabay na rin kami dahil hanggang hapon ang pasok ko dito. Medyo malayo ang school pero hindi ganoong kalayo gaya ng sa bayan.

"Sino bang tinitingnan mo diyan, Gwen?"

Mabilis akong bumalik sa maayos na pagkakaupo. Panay tingin kasi ako sa bintana ng sasakyan at may hinahanap sa daan, baka sakaling makita si Gale. Ngunit wala. Napag-usapan na namin ito, na baka nga hindi niya ako makitang pumasok dahil ihahatid ako ni mama, pero umaasa pa rin ako.

"Wala po." Ibinaba ko ang tingin ko sa aking dark blue pencil skirt.

Maliit lang ang school at hindi ganoon kalawak gaya ng schools ko sa Manila. Hindi rin ito pribado ngunit ito na ang pinakamalapit na eskwelahan sa lalawigan.

"Good morning 11-STEM A." Bati ng aming unang guro para sa araw na iyon.

Naupo ako sa unahan. Bandang gitna. Medyo nakakailang ngunit mas pinili ko na doon dahil pakiramdam ko'y hindi ko maintindihan ang itinuturo ng guro kapag hindi ako nasa unahan. Sa gitna rin para mas kita ko ang kabuuan ng board. Walang aircon dito ngunit hindi naman ipinagkakait ang hangin dahil kabila-kabila ay may electric fan na nakatapat. Sa bawat corner ay may stand fan. At may ceiling fan sa itaas naming nasa gitna. Medyo cheap pero okay na rin, sa isip-isip ko. Pati upuan, ayos na rin hindi naman mukhang pang-elementary.

Mukhang magsisisi ata ako at dito ako naupo, pakiramdam ko kasi kitang kita ako rito ng mga kaklase ko. Advantage 'yung halos kita ko ang lahat at ang nangyayari sa harap, disadvantage 'yung nakapalibot sa'yo 'yung mga kaklase mo, ayos pa sana kung sa gilid. Pero wala na akong magagawa.

Gwyneth and Gale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon