5

40 0 0
                                    

Happiness

Nanatiling ganoon ang situation ko. Kwarto - kusina - banyo - sala- at... terrace. Oh, cut that one. Bihira lang ako magpunta sa terrace. Ayaw na may maalala. Pero kung may pinaka hindi ko pa napupuntahang lugar sa aming tahanan, iyon ay ang aming hardin.

Busy na ngayon si mama sa pagtatrabaho. At 'pag sinabi kong busy, busy talaga. 'Yung tipong araw-araw na siya pumapasok. At kung gaano kaaga siya umalis, ay siya namang late ng uwi. Hanggang ngayon ay ipinababantay niya pa rin ako kay Aling Tining, hindi lang ako siguro kung hindi ang bahay na rin, kung sakaling wala ako roon. Bukod sa telepono ay wala nang iba pang teknolohiya ang ipinagamit sa akin ni mama. Salungat nga ako sa ideyang iyon e. Pinakaayaw ko pa naman sa lahat 'yung pinipigilan ako sa kung anong gusto ko. Kahit na sinong magpigil sa akin tiyak na malulusutan o makakawalan ko bukod lang sa aking ina. At para sa akin, hindi iyon fair. Pero wala akong magagawa. Isa iyon sa kawalan ng hustisya at kalayaan ko, ang wala akong magawa pagdating sa desisyon niya. Lahat kontrolado.

Simula noong matuklasan ko ang kasuklam-suklam na ugali ng lalaking iyon, hindi na ako muling lumabas pa ng bahay. Kahit sa terrace, bihira na lamang. Nakakainis nga na kahit ilang linggo na kami rito, may mga dumudungaw pa rin dito sa itaas. Sa bagay, mahirap nga namang hindi pansinin at lingunin ang malaking mansyon na pagmamay-ari ng aking lola. Bukod sa nakakasilaw nitong puting pintura, ay mapupuri rin ng mga taong kagaya nila ang disenyo ng pagkakagawa, gate pa nga lang e.
Nai-imagine ko tuloy na siguro ay nilalamon na sila ng inggit at mataas na ang pangarap na magkaroon din ng ganito. Siguro ay iniisip ng kagaya nila kung ano ang pakiramdam ng pagtira sa isang mansyon na wala lang para sa isang katulad ko. Pero buti nga na kahit sa hirap ng pamumuhay nila ay walang nangahas na magnakaw o anuman. Hmp! Takot lang nila sa pamilya namin. Hindi nila alam kung ano ang maaaring gawin namin kung may magtangka man.

Sa pagkakatulala ko sa isang maalinsangang umaga ay iyon ang iniisip ko.

Muntik ko nga lang maibuga ang nainom na mainit na tsokolate sa aming carpeted living room dahil sa isang nakakairitadong boses.

"Ay day! Gising ka na pala? Uminom ka na ba ng mainit?" Ani Aling Tining habang papunta sa akin sa sofa.

Nanlaki ang mata ko at nagulat sa laki ng confidence ng isang ito. Dapat siguro ay bawas bawasan na ni mama ang pagpapapasok sa kanya rito, nasasanay e at basta basta na lamang pumapasok, akala naman niya bahay niya 'to. Feeling close ang ale.

Kung pwede lamang na siraan siya kay mama ay ginawa ko na pero dahil hindi naman ako ganoong kasamang tao ay hindi ko ginawa. Ayaw ko rin na mawalan siya ng trabaho (kahit papaano kasi ay inaabutan ito ni mama ng pera kahit na hindi naman talaga ito itinalaga ni mama na kasambahay) lalo pa at balita ko ay marami raw itong binubuhay. At isa pa, hindi pa naman ako sobrang napupuno sa kanya. Ang problema ko lang talaga dito ay ang nakakabingi at inis nitong boses. Kulob at malawak pa naman dito sa bahay kung kaya ay nag-eecho ang boses nito.

"Oo. Nandito ka pala Ate." I call her ate but the way I said it is not sincere. I hope she noticed that para naman maiwasan ang pamamalagi at biglaang pagsulpot dito.

Hindi pa naman mawala sa isipan ko iyong nangyari noong nakaraan. Matapos kong tumakbo ay siya namang naabutan ko sa harap ng gate namin. Winawalisan ang harap namin at unang pumasok sa isip ko na siguro ay nagpapalakas ito sa amin. Lalong ikinainis ko ang pagsunod sa akin sa loob matapos akong batiin.

I need to eat that time and to take my medicine immediately. Ramdam ko din ang pagkapos ng aking hininga kaya kailangan kong kuhanin ang inhaler ko at uminom ng tubig. Pero ayaw ko nang may ibang nakakakita sa akin na ginagawa iyon kaya naman nang sabihin niya na ang tunay niyang layunin - ang humingi ng kape ay halos ipalamon ko na ito sa katawan niya at mabilis din namang lumabas.

Gwyneth and Gale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon