Alive
"They are both successful in their fields, si tito naging mayor at si papa ay abogado. My other aunties live abroad. Lahat ay asensado na rin. Matagal nang namatay ang mama ko, noong pinapanganak pa lamang ako. And my father is blaming me for that. He actually blaming everyone. My parents want me to take business management so I did." Gale paused. "Kahit pa daw noon na nabubuhay pa si mama ay gusto na niya at ng papa kong maging businessman ako, my aunt told me. Ampon ang tito ko, Chysler's father. Hindi sila magkaaway ni papa pero hindi rin ganoon kalapit."
"They always dream big. I grew up obeying my father's rules. Because I know it's best for me. Pero katagalan nararamdaman kong parang ginagapos ako at hawak palagi sa leeg. I have my own dreams. May sariling buhay akong gusto. Simple at tahimik na pamumuhay lang ang ninanais ko na taliwas sa kagustuhan nila, ng tatay at mga kamag-anak ko. They always want great power and triumph. Gusto nilang pinapaibabawan ang lahat, pero hindi ako at iyon ang ikinagalit nila. Because for them, Primitivo means class. I have it in my blood but I just don't want it. Our blood's a toxic. It's like a legacy, generation to another generation. Salin-salin at ako ang sumira noon. I broke their so called building empire..." That explains why he always have money. Because he really is rich. Their family is well-off.
"There is always pressure in everything. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi pumayag si tito na palitan ang tunay niyang apelyidong Nacua to Primitivo, because it's toxic. We're toxic. Pero hindi man kadugo... may pagkakapareha siya sa kanila, ang matinding kahangadan sa pera, impluwesya at kapangyarihan. So he worked so hard that made him the head of this town." Gale explained to me.
Pinasadahan niya ang buhok at saglit na tinakpan ang bibig, pagkatapos ay nagsalita muli.
"My father was just so strict. I love him but I'm also afraid of him. Sa paglipas ng panahon unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa kanya... mahal ko siya Gwen pero..." nag-unahan ang mga luha sa mga mata niya. His face was all red."...Hindi ko pala kaya habang buhay na pilitin ang sarili ko sa mahal at importanteng tao sa akin kung siya mismo, sa simula pa lang gusto na akong mawala."
Hindi ko namalayang may tumulong panibagong luha sa mata ko.
"At mas tumindi 'yung hindi ko maipaliwanag na galit niya sa akin noong nagbago ako ng desisyon sa buhay. Tinawag niya akong bobo. He called me stupid. Lahat na ng masasakit na salita na maaaring matanggap ng isang anak. Tinaggap ko lahat ng 'yon. Ang mga nakukuha kong awards at papuri sa ibang tao ay kulang pa pala sa kanya. Pinandirihan niya ang pinili kong landas kaya umiwas ako. Lumayo. Nagkataon lang na dito rin ang lugar na pamumunuan ng step-uncle ko."
"Pakiramdam ko, kahit kailan hindi ako naging kadugo nila. We have the same last name. We're the same Primitivo but I don't feel belong... "
"Para bang kadugo nila akong patapon. Mas lalo pang nagalit ang lahat nang nagloko si Chysler. Again the blame is on me. This time, hindi lang ang ama ko ang naninisi sa akin kundi lahat ng kamag-anak ko. Masakit Gwen na wala kang matakbuhan. Sarili mo lang at ang natagpuan mong paligid..." pagpapatuloy niya.
"Kulang na lang ay duraan at bugbugin ako ng sarili kong mga kadugo. Ako raw ang may kasalanan ng lahat kaya ginaya ako ni Chysler. Matigas ang ulo, rebelde at walang utang na loob. They are all blind. They are the true stupids. Mas masahol ang ginagawa ng Chysler na iyon na puro pasarap lang at walang trabaho samantalang ako ay namumuhay lang dito ng payapa, hindi ba, mas marangal ang ginagawa ko? Tell me Gwen, am I doing something really bad?" Tanong niya sa akin sa nanghihinang tono.
"No... no..." kung ang tinutukoy na masama ng mga kamag-anak niya ay ang pagpili niya ng sariling estado, then they are truly shits.
"I don't understand them. I will never understand. Is it wrong to make your own life and path? Is it bad to want peace? ...They needed eyes. They're lacking of it." Kaya rin siguro humiwalay si Gale sa kanila. Because they can't see Gale's vision.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...