Life
"Heto pala. So this is your house..." isa-isang lumilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay nina Gale kasabay ng paisa-isang hakbang din ng mga paa ko sa sahig.
Hindi tiles ang floor pero sementado naman. Ang mga pader, ay simpleng nababalutan ng kulay beige, brown at grey na pintura. May kaunting gamit kaya mas nagmumukhang malawak ang espasyo. Hindi ko na napansin kung saang dako papunta ang kusina, kwarto o banyo dahil naging abala lamang ako sa kakapuna ng kulay ng bawat sulok ng bahay pati na ang mangilan-ngilang gamit. Medyo matagal kong sinuyod ang kalooban ng bahay nila tila hindi nakukuntento dahil may gustong hanaping kakaiba roon o kahit espesyal man lang.
Kanina pa siya nakatayo sa gilid ko at tahimik, siguro ay pinanonood ang reaksyon ko.
"Oh? Hindi na kita tatanungin kong maganda ba ha, dahil sigurado naman ako na walang wala ito sa bahay niyo." He smirked.
"Hindi naman. Kaya lang...uh... mainit." Usal ko at hindi na napigilang paypayan ang sarili.
"Pasensiya na ha. Hindi kasi ako naga-aircon. Kagaya niyo," hindi pa rin maalis ang ngisi sa kanya habang inayos sa pagkakatayo ang stand fan at pinindot ang pinakamataas na numero roon.
Tahimik akong umupo sa bakal ata na mahabang upuan na binalutan lang ng tela na may magandang kulay at tekstura kasabay nang paglatag ng malambot na foam sa ilalim para komportable umupo. Kung hindi papansinin ay mukha na ngang sofa may pamaliit na mga unan pa sa gilid. Pwede na hindi na masama.
"Hindi mo ba naisipang bumili ng sofa? Mura lang naman ata iyon?" Sabi ko habang lumundag nang kaunti sa inuupuan, tine-test kung gaano kalambot ang foam sa ilalim.
"Para sa'n pa? E ako lang naman nakatira dito? No need for sofa, ang mahalaga may nauupan ka."
"Ah."
"Bakit? Hindi ka ba komportable? Gusto mo ba ng sofa?" He innocently asked that question.
Pinagmasdan ko si Gale sa ginagawa, ganoon pa rin ang itsura niya. Alam ko na 'yang nasa isip niya. Iniisip niya bang masyado akong maarte? Sa eskwelahan ko nga ay ganyan din ang electric fan. Tapos wala naman akong reklamo sa itsura ng bahay niya, malinis naman at maayos, kaso walang masyadong gamit. Naiinis dahil sa hindi mawalang ngisi niya ay inirapan ko na lang sa hangin. Itinutok niya sa akin ang electric fan.
"Kukuha lang ako ng tubig," pamamaalam niya nang hindi hinihintay ang tugon ko.
Naiwan ako roon at saktong pag-alis ni Gale ay tumayo na ako. Luminga-linga sa paligid at naghahanap ng kakaibang pinto. Siguro naman sa kahit isang bahagi ng bahay na ito na may pinto ay may natatanging kakaiba akong makikita? Iyong pinto na unique sa lahat para bang palatandaan na iyon ang pinakakwarto ng may-ari. Saan kaya ang kwarto niya? I'm curious what does it looks like.
Ang kaso lang pare-pareho ang disenyo ng pintuan roon. Binuksan ko ang isang pintuan roon at tumambad ang malaking salamin at sabong panlalaki.
"Oops, banyo pala." Sabi ko sa sarili.
Nadatnan ko ang hagdan patungong ikalawang palapag. Aha! It's in there.
Confident akong maggala-gala rito dahil sabi niya ay siya lang naman mag-isa rito nakatira. Hindi niya kasama ang parents niya. At nang tinanong ko kung bakit, iyon daw ay dahil matanda na raw siya at independent na kaya okay lang na hindi na makasama ang mga magulang. Mapapa sana all na lang ako. Pero nga pala, magkaiba kami.
Nasa taas na ako at nakatayo mismo sa nag-iisang pinto roon nang marinig ang boses ni Gale.
"Gwyneth?"
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...