17

39 0 0
                                    

Lost

"That's a very good answer, Miss Sanchez."

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko matapos kong sagutin ang kanina pang tanong ng teacher namin sa klase.

My eyes raked over my classmates who seem amazed and mouths were formed in an o. I see that as a chamba. Nahagip lang ng mata ko ang sagot noong nagbasa ako ng libro namin. Malamang hindi nagbubuklat ng book itong mga kaklase ko at kanina pa dead air ang paligid matapos bitawan ng aming guro ang tanong nito.

"Ang talino talaga ni Sanchez," bulong ng isang babae kong kaklase.

Oa? Hindi ako matalino. Ni wala nga akong interes sa itinuturo. Pinipilit ko lang ang sarili ko, hindi lang talaga kayo nagbabasa.

Umupo na ako at nakakarinig pa ng mahinang papuri kung saan. Hinayaan ko lang iyon. Hindi ko alam ang reaksyon ng iba, lalo na ni Lheera. As if I care. Siguro maganda na rin ito. Dahil dinig kong usap-usapan na kapag daw "matalino" or may alam ka kahit papaano sa klase ay malayo layo ka sa gulo o away. I don't really get it. I mean why?

Ewan ko kung maniniwala ako rito pero simula noong nag-aaral naman ako kahit papaano at hindi ganoong marka ang nakukuha ko gaya ng sa mga kaklase ko ay hindi na rin nangungulit pa ang grupo nina Lheera. Tahimik na lang sila. However, napansin ko na wala talagang nangangahas na lumapit at makipag-usap sa akin. Pati ang katabi kong kilala bilang palakaibigan ay iwas. I wonder if Lheera's group ang may pakana nito. Pero wala na akong pakialam doon.

Mag-isa kong kinakaharap ang mga nangyayari sa akin sa school araw araw. Kahit na extra boring dahil para lang robot ang mga kaklase ko kapag may itatanong ako ay sumasagot lang agad nang mabilis. Bukod doon ay wala ng ibang mahabang kumbersyon sa kahit na sino.

Naisip ko na okay lang din ito, tahimik. Ngunit hindi pa rin maalis sa akin ang pangungulila sa kung sino. Wala na akong makausap. Bumabalik sa dati ang buhay ko. Akala ko magkakaroon na ng improvement pero bakit feeling ko bumabalik sa zero ang lahat?

Kapag naiisip ko siya, sumisingit din sa isip ko na hindi dapat pala. Hindi ko na siya kinita pa simula noon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa emosyon matapos makitang may kasama siyang iba. Iyon 'yung babaeng minsan ko na rin nakitang malapit sa kanya noong mga magpipista pa. Is she his girlfriend?

Parang chewing gum na madikit ang tanong na iyon na hanggang ngayon ay nakaukit sa isipan ko at patuloy na nagbibigay sa akin ng matinding curiosity at inis. Pero sabi niya wala siyang ganoon? Pero baka bago pa lang sila? Matagal na silang magkakilala? Malamang Gwen, dito lang din naman nakatira 'yon. Sa lapit ng pag-uusap nila n'on ay mukha ngang mag-on ang dalawa.

Minsan nakikita ko sa 'di kalayuan ang dalaga. Isa-isa kong sinururi ang katangian nito. Morena, malayong malayo sa mestisa kong balat. Mahaba at kulot ang buhok, itim na itim malayo ulit sa may kulay, straight at maikli kong buhok. Kung sa mukha naman, masasabi kong hindi siya pangit. Though a bit dark, her lips look a l'il bit red. I suddenly envy those lips because mine looks pale. Lalo na dahil sa may sakit ako. At ang ibang detalye sa mukha ay hindi ko na sinundan pa. We have a huge differences. Pasok siguro sa tipo iyon ni Gale.

Sa tuwing naiisip ko ito'y mas lalo lang ako naiinis kaya naman itinutuon ko ang atensyon sa pag-aaral. Kahit pa hindi ko rin naman ma-enjoy. Para akong naliligaw na hindi.

Sa isang makulimlim na hapon ay parang tinamaan ako ng kidlat. Nasa kotse kami ni mama at malapit na sa bahay pagtapos niya akong sunduin mula sa school ay natanaw ko siya. Doon, naghihintay.

"Anong plano mo sa weekend?" Hindi ko na nasundan pa ang tanong na iyon ng mama ko dahil nagwawala ang loob ko sa nakita.

Anong ginagawa niya riyan? Kung mali man ang hinala ko, hindi ko pa rin maiwasan ang nerbyosin. Nasa tapat pa kasi mismo ng bahay namin at mukha talagang may iniintay. Imposible namang diyan sila magkikita ng girlfriend niya, 'di ba?

Gwyneth and Gale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon