Strange
Pinagmamasdan ko ang likod niya habang naglalakad. At ang mga hakbang niya, ang lalaki, kailangan ko rin tuloy lakihan ang paghakbang ng maiiksi kong biyas kumpara sa kanya.
Gusto ko pa nga sanang magreklamo ngunit minabuti kong manahimik na lamang at baka iwan na lang ako bigla nito o kaya ay iligaw.
Hindi ako nagdalawang-isip man lang o natakot dahil may kasama akong isang hindi ko pa lubusang kilala, knowing na pinaghinalaan ko pa itong manyak. Mas takot ako sa mga naririnig ko kahit na munting kaluskos sa gilid o kaunting galaw ng mga dahon sa itaas ng puno na mapagtatanto ko lamang sa huli na mga ibon lang pala.
"Malapit na tayo." Wika ng nasa harap nang hindi man lang lumilingon sa akin.
Wala naman akong naging tugon at nanatiling sumusunod lang dito.
Hindi gaanong mahaba ang nilakad namin ngunit ramdam ko pa rin ang sakit sa paa. So, ibig sabihin, malapit na rin ako kung ipagpapatuloy ko ang paglalakad kanina.
And there it is. Hindi ako mahilig sa beach o mga katulad nitong mga tagong paliguan pero nakuryoso lang naman ako dahil gusto ko na may ibang mapuntahan o lugar na kung saan pwedeng maglibang, pero dahil nasaksihan ko kung gaano kadelikado ang pagpunta dito ay naisip ko na huwag na lang pala sa susunod.
"Sa susunod huwag kang magpapasyang pumasok dito sa kakahuyan nang hindi mo alam kung may matutuklasan ka nga ba o wala." Giit niya habang naglalakad kami sa mabatong daan palapit kung saan dumadaloy ang tubig. Sa oras na ito ay ako na ang nasa harap at siya naman ay nakabuntot sa'kin.
Aba, akala niya ba pupunta pa ulit ako rito? Sa nakita ko sa kagubatan at matutuklasan ko na heto lang 'yon?
Maliit lang ang anyong tubig na iyon. At bawat pagbigkas niya nga ay dinig ko dahil sa hindi maingay ang pagragasa ng tubig na nagmumula sa hindi kataasang daluyan.
Isinawsaw ko ang kamay ko sa malamig na tubig ng batis. Mabilis ang pagdaloy ng tubig doon sa mabatong lagusan ngunit pagbagsak nito sa ibaba ay unti-unti na ring nagiging payapa't kalmado. Napatingin ako sa repleksyon ko sa tubig. Napakalinaw ng tubig na halos makita ko na ang maliliit na bato na nakahimlay sa pinong buhangin sa ilalim.
Tuluyan na akong umupo sa makinis na malaking flat na bato, na nasa gilid lamang at inilubog ang dalawa kong binti sa tubig. Mula dito ay halos maabot ko na ang apakan sa ilalim, sa tantya ko ay hanggang bewang o dibdib ko lamang ang tubig 'pag inilubog ang buo kong katawan.
Naramdaman ko ang pag alarma ng taong kasama. Akala niya siguro ay maliligo ako? Napalingon ako sa kasama upang hamunin sana ng titig na nagsasabing akala mo ba lulusong ako? Never in my entire life na makikita ako ng lalaking ito na maligo sa batis na ito, 'no!
Akala ko ay madadatnan ko ang bigo nitong itsura ngunit bumulaga sa akin ang pag-angat ng kanyang maugat na braso sa manipis nitong suot. Base sa itsura niya ay naiinitan ito kahit na wala namang sinag ng araw na nagpapakita sa kakatapos lang na maulan na hapon.
I breathed carefully at biglang hindi naging komportable sa pagkakaupo. Ngunit hindi na ata ako nakahinga ng lubusan nang magkasalubong ang paningin naming dalawa. He's now fanning his sweat body with his shirt. Tinigil ko ang paninitig at unti-unting umurong.
"What? Don't worry I am not what you think of."
"Wala akong sinasabi..." sabi ko nang hindi tumitingin dito.
"Oh? Talaga? Sana hindi iyon ang nasa isip mo." Mahina siyang tumawa. Ano bang nakakatawa? Pero mas napukol ang isip ko sa pagkakasalita niya ng Ingles. Ilang ulit na kaming nagkita't nagkausap pero hindi ko pa rin maisip na ang isang probinsyano kagaya niya ay marunong mag-English? Or I shouldn't underestimate people like him?
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...