Jovial
"Thank you."
"No. I should be the one thanking you. Thanks." And sorry sa pag-aakto ng hindi tama...
Lumawak ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa may isang nangahas na basagin ito.
"But seriously, thank you."
"For what?"
"For letting me see a the other side of yours. I don't know if it's just a glimpse but I don't care. I'm just happy seeing you happy earlier."
Awtomatikong bumaba ang mga mata ko sa paanan. Madilim na at tingin ko'y tulog na ang karamihan sa mga tao dahil maaga pa sila gigising kinabukasan. Kaunti ang ilaw at nasa malayo pa kaya hindi ko maintindihan ang sariling pilit itinatago ang mukha sa kausap para hindi makita ang nararamdaman. Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito pa ako. Dapat pagkababa ko ng truck ay dumiretso na ako sa bahay. Oh, ayun nga ang gagawin ko.
"Uhm... sige. I'll go home now." Sabi ko kahit na nasa tapat lang namin ito. Dito niya kasi sa harap ng bahay inihinto ang truck, okay na rin siguro para hindi na ako maglakad pa, kahit na ilang hakbang lang naman iyon.
Ayokong masyadong isipin ang sinabi niyang iyon. Don't want to assume and think about everything. Iniangat ko hanggang dibdib ang makapal kong kumot. Mom's still not home. Mabuti iyon, hindi niya nalamang umalis ako at buti na lang talaga at naibigay ko ang teddy bear na iyon sa bata, baka kasi magtaka pa si mama kung kanino galing o saan ko nabili iyon kapag inuwi ko. Wait, ano kayang nasa isip ni Dong nang makitang ibinigay ko lang din ito sa bata? Hindi naman siya magagalit 'di ba? Okay lang naman 'yun e.
Agh! Nasa kama na ako at siya pa rin ang huling naiisip ko. Malamang Gwen, siya ang huling nakasama. Pero kahit na! Tinakpan ko ng kumot ang buong mukha ko ng ginugulo na naman ng sariling isipan. Pumikit ako. I forced to divert my mind into something beautiful. Agad na pumasok sa isipan ko ang bata kanina. I remember my long lost childhood to her. Habang nilalamon ng antok ay dumaan na naman ang sakit sa nakita kanina. She's with the father... napahikbi ako. Hanggang sa tuluyan na ngang nakatulog na iyon ang huling nasa isip.
"Wala kang pasok, ma?" I said while in the middle of eating our breakfast. Nagtaka rin ako at weekdays pa at wala siyang pasok.
"Nagpaalam ako sa opisina na huwag munang pumasok. Ilang araw na akong wala dito sa bahay. Hindi naman siguro masama na kung minsan ay umabsent para mabantayan kita at alam ko na madalas ay ikaw ang mag-isa dito sa bahay," inabala kong muli ang sarili ko sa pagkain. 'Di ko pinapahalata ang kilos, napatingin ako sa kanin sa harap, hindi nga nalaman ni mama ang pag-alis ko kagabi. Himala a, walang nagsumbong sa kanya. Siguro ay walang nakakita? O hindi na sila nag-abala pang sabihin ito kay mama? Ano pa man, I sighed in relief.
Nang matapos ay nagpaalam akong lalabas saglit, magpapahangin lang. Pumayag naman siya at sabi ay maglilinis muna siya ng bahay.
Kanina paggising ko, hinawi ko ang kurtinang tumatakip sa nakasaradong salamin na bintana sa kwarto ko. At doon sa burol, nakita ko siya. Sitting silently while watching the nature in front of him. Walang araw na bumabati kundi plain na mga ulap lang. Parang nag-iisip nang malalim o nagmumuni-muni. Ang aga niya diyan, nag-agahan man lang ba siya?
Kaya naman nandito ako ngayon, naglalakad paakyat. I do not know what have got in my mind. Bumilis ang tibok ng puso ko nang matagpuan niya akong papunta sa kanya. Maingat kong itinatago ang mga kamay ko sa aking likod.
"Nagkape ka na?" Huli na nang ma-realize na masyadong awkward ang pambungad kong iyon.
Para kasing bigla akong nawala sa sarili nang tumingin siya. Para bang nahuli niya ako o kung ano, hindi ko tuloy malaman ang sasabihin. Nagpasya akong ngumiti nang kaunti nang makitang seryoso ito.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...