Admirer
Maaga pa nang kumatok si mama sa kwarto ko. Nakabalumbon ang towel sa ulo ko dahil sa basang buhok galing sa banyo nang pagbuksan ko siya.
"Anak, mabuti naman at nakaligo ka na. Magpatuyo ka na ng buhok at nandito ang anak ng mayor..."
"Ano?" Gulantang kong tanong samantalang parang wala lang at kalmado pa si mama na sinabi ito sa akin.
"Bilisan mo na at hinihintay ka sa sala,"
Kahapon tinanong ako ni mama kung anong pinag-usapan namin at binaggit ko naman ang tungkol sa mga trabaho rito, hindi na sinama ang eksenang parang gusto ko nang kalimutan pa. Ngayon na nalamang nandito sa bahay si Chysler ay hindi ko na alam kung anong iisipin niya.
Mabilis akong nagpalit ng mas disenteng damit at nagsuklay na. Alam kong sinabi niyang babalik siya pero ganito talaga kaaga? At inaasahan ko nang kalahating porsyento lang ang katupadan ng sinabi niyang iyon dahil baka abala ito sa ibang mga gawain, hindi naman sa gusto ko siyang pumunta o hindi rin naman sa ayaw.
Siguro mas lamang lang ang ayaw dahil naalala ko na naman ang sagutan nilang magpinsan. At ngayon, nags-sink in pa rin sa utak ko na magpinsan nga sila. Step-cousin. I mean, paano? Nagugulumihanan man ay ayoko muna isipin 'yon at ayaw ding manghimasok sa personal na impormasyon ng kanilang buhay.
"Good morning, Gwen." Bati ni Chysler Nacua at natayo na.
"Uh, good morning."
"Thank you, po." Siya nang bumaling sa mama ko na naglapag ng pagkain sa lamesita.
Ngumiti si mama, "Walang anuman."
Bago magsalita ay hinintay ko ang pag-alis ni mama. He looked so cool and calm like nothing happened last night. He smiled so I smiled a little bit, too. Umupo na rin kami sa sofa, ngayon ay magkaharap.
"Kamusta? I'm sorry about last night. We're not really close with my step-cousin. So, I think that's why. Bihira lang kaming magkita noon at kung magkikita pa ay hindi gaanong magkausap. Hindi ko lang din inaasahan na magkakaganoon ang nangyari. I think it has to do with the issues between my dad and Anschel's father so... it's just... you know." Nagkibit balikat siya.
I nodded. "No, natakot lang talaga ako baka kung anong mangyari. I think... I need to... talk to Gale 'bout that." Ani ako at huli nang napagtanto kung I'll really do what I've said.
Kita ko ang bahagyang pagkairita niya sa pagbanggit ko ng pangalan niya.
"Oh. Sorry. I used to call him on his second name. We, actually. Sa pamilya or relatives, Anschel ang madalas itawag. So madalas ba kayo ni Anschel, uh Gale magkausap?"
"Huh? Ah..." I'm lost for words. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil nito ngang mga nakaraang araw ay hindi kami gaanong nag-uusap o hindi talaga dahil sa pag-iwas ko. Hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa akin ang naiiwang bakas ng nakita ko at naramdaman ko sa mismong araw na iyon.
"Medyo..."
Tumango siya at medyo yumuko, ngayon ay nawawalan na ang sigla sa ngiti.
I'm looking at his every move now that he's not looking at me. Pormal niyang inabot ang maliit na tasa at sumimsim roon. Sa mga galaw niya ay mapapansin talaga ang pagiging sosyal nito at halatang anak mayaman. Kaya isa nga iyon sa ipinagtataka ko. Paanong naging magpinsan sila ni Gale, isang anak ng mayor, mayaman at isang manggagawa sa bukid. I'm not judging nor underestimating Gale because the work in the field is really difficult and undeserving to belittle by someone kaya paano nga? Ano naman kaya ang trabaho ng kanyang ama kung ganoon?
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...