Care
"Susmaryosep! Sabi ko na nga ba, kayo talaga! Kayo talaga ang magkakatuluyan. Tama ako 'di ba?" Aniya habang pumapalakpak sa tuwa.
"Mukhang kayo lang po ang nandito?" I said with curiosity.
Nahagip ko ang pagsalubong ng kilay ni Gale sa akin matapos sabihin iyon.
"Wala na 'day! Si Carlos ba? Day off ngayon. Isang linggo ko munang hindi pinapasok at pupuntahan daw iyong pamilya niya sa kanyang probinsya."
Ipinag-kibit balikat ko iyong pagkakatukoy niya doon sa noon ay kargador at tagatulong niya rito sa tindahan, "Hindi po ba 'yun mahirap? Kayo lang mag-isa rito?"
"Naku, apo. Yakang yaka ko pa 'no! Malakas pa ata ang lola niyo!"
Oo nga. Kahit kulubot na ang balat ay mukhang masiglang masigla pa rin. Lagi pang nagagawang ngumiti.
"Pasensya, siya nga pala, apo na ang itatawag ko sa iyo, ha. Katulad kay Dong, tutal ay kayo naman na. Malapit na kayong ikasal, papunta na kayo roon at pwede na kitang gawing totoong apo ko na rin-" walang prenong sambit ng matanda.
Gale started, "Lola-"
"Ay sorry," malambot ang boses niya. "Hindi pala dapat ako nagmamadali, masyado akong excited. Hihi..."
"Dong? Alam niyo po ba ang buong pangalan niya, 'la?"
"Ah teka... sa pagkakatanda ko ay... teka, ano nga ba 'yun?"
Napangiti ako sa medyo kakulitan ng lola na ito, "'La-"
"Gale Anschel Primitivo!" She screamed his name.
Bumagsak ang panga ko sa isinigaw ng matanda. Tandang tanda niya pa ha kung kailan man niya ito nalaman. In fairness. Sumilay muli ang ngiti sa akin.
"Oha!" She looked at Gale with all pride. "Akala mo ay hindi ko na natatandaan ano?"
"E what about her?" Gale challenged lola pasing, pointing at me.
"Ha? Kay hirap naman 'yan. Gwyneth lang alam ko. Dati Gwen lang." Humarap siya sa akin, "Pero sinabi sa akin ni dong na Gwyneth daw ang buo mong ngalan. Napakaganda ng kahulagan niyan, katunayan e madalas mapakwento iyang si Dong tungkol sa'yo n'un. Noong una ay walang pangalang binabanggit. Parang parinig ba iyon naman pala ikaw 'yung tinutukoy niya, nadulas kasi ang dila-" Aktong pasikreto nitong bulong sa akin.
"Lola naman?" Napasapo sa batok si Gale at mukhang nahihiya sa straight na pagsasalita ng lola.
"Talaga po? Ano pang sinabi?" Dali! I want to know more.
Magsasalita si lola pasing nang umepal si Gale.
"Aaaa ang bango nitong mansanas!"
Nabawi ang atensyon doon ni lola pasing, "Oo! Apo, isama mo nga iyan sa basket niyo. Gusto ko marami kayong makain na prutas at masustansiya iyan..." dinagdagan niya pa lalo ang buslo na ngayon ay punong-puno na ng iba't ibang klase ng prutas. Baka mahirapan kaming dalhin ito.
Nagkatinginan kami ni Gale at busangot ang mukha ko sa tipid na ngiti niya namang itsura.
"Ale, pila kabuok nito?" Dumating ang isang nanay na itinuturo ang isang piling ng saging. Sinagot iyon ni lola.
Matapos noon ay may dumating pa muling mga mamimili at sa isang iglap ay saglit na naging busy siya. We helped her but she refused.
"Hala sige! Ituloy niyo na ang date niyo at dumadami na ang kustomer ko. 'Wag niyo ako intindihin."
I can't help but to compare lola pasing to my mom. She is just so supportive, a very rare one. Sana makasama pa namin siya ng matagal.
Pumunta kami ni Gale sa bayan para bumili ng mga prutas. Naubos na kasi 'yung una. Ngayon ay may isang basket muli kaming maiuuwi.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...