35

26 0 0
                                    

Window

Hinagilap ko ang kung anong mahawakan ko. I need to hold things and feel it to know that I'm still alive.

Gumalaw ang mga kamay ko at nahila roon ang mahaba ngunit makipot na tubo. Sinundan ko ang linya nito at napukol ang tingin ko sa uluhang may dextrose.

Here I am again.

The silence is defeaning. Nakasaksak ang ilang aparato sa akin. Pagod ang katawan ko at nanghihina. I'm in a hospital? Saang ospital ito? I'm not even sure kung may malapit na ospital dito sa probinsya.

Sa malayo ay nakarinig ako ng busina, ng kaunting ingay. There's a window near my bed. Sa nasisilaw na mga mata, hinayaan ko ang sariling tumanaw doon. Nakita ko ang nagtatayugang mga gusali. Hindi kaya nasa Maynila ako?

I heard the door open. Sa mabilis na kilos ay agad kong ipinikit ang mga mata at nagkunwaring natutulog pa. Narinig ko ang boses ng mama ko at pagsunod ng boses ng doktor. That's Doctor Rodrigo.

"Tulog pa rin siya..."

"She's okay, Mrs. Sanchez-"

"Pero Doc..." hindi ko narinig ang idinugtong doon ni mama dahil wari ko'y ibinulong niya lamang iyon.

"Yes, yes," sang-ayon ng doktor. "I suggest to bring her back in province because the atmosphere in here will only make it worst... bukod pa roon mas makabubuti pong bumalik lalo na at dito naman ang tungo ng bagyo. It's better to keep your child safe... una pa lang naman ay iyon na talaga ang pangunahing layunin."

"I'll take that advice."

Sa pagkukunwari kong tulog pa ay hindi ko inaasahang mauuwi sa totohanan. Pagkagising ko kasi ay hapon na. She's with me. Wala akong imik at pinilit na lang ang sariling tanggapin ang kutsarang inihahain niya sa bibig ko.

We're silent. Nagsasabi siya ng kung ano na hindi ko iniintindi. I just want to go back.

Hindi ko alam kung paano ako nakatagal sa ospital na iyon dito sa Maynila ng ilang araw pero nabuhayan ako ng loob nang ibinalitang maaari na akong makalabas at bumalik sa amin. Umayos na ako, alam ko iyon. Kaya hindi ako naniniwalang may kung anong malubhang sakit ako. Isa lang iyong simpleng atake. Mas makakapag sira ng ulo ko ang kawalan ng konekta kay Gale. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung kumusta na siya o nasaan o anong ginagawa niya.

Gustong gusto ko isatinig iyon pero alam ko namang wala ring kwenta. Naiirita na ako sa mama ko na walang ibang ginawa kundi tahimik na umiyak at paulit-ulit na palisin ang mga luha sa pisngi.

Nasa airport kami at wala pa ring kibuan. Ayaw ko rin namang makipag-usap. Hindi bale nang matuyuan ako ng laway, umiwas lang sa kahit anong salita niya. I noticed her reddish nose due to countless tears. I did not cry though, from the moment I woke up from that hospital. I need to at least rest my eyes. They're tired at sawang sawa na sa pamamasa.

We're inside the plane. I was sitting on the window seat. Paggabi na at wala akong planong matulog. Maingay ang utak ko. Inilaan ko ang buong oras ko sa ospital na iyon sa pagtulog kaya siguro ngayon ay hindi ko magawa. I think I had enough. 

Umugong ang boses ng piloto, nagsimula na ring lumipad ang aming sinasakyan. I watch the scene outside. Tumingin ako sa baba. Ang mga gusali ay lumiliit, nasa himpapawid na kami at ang madilim na gabi ay napapailawan ng maraming ilaw mula sa mga buildings at mga kabahayan. Ang kalupaan ay puno ng kumikinang na mga ilaw, malayo sa mukha ng kalangitan na wala halos na bituin. It seems like the glowing lights of the city replaced the stars.

I once told myself that I miss living in the city. Pero nandito na ako ngayon, hindi makapaniwala pero halos gusto kong ilayo ang sarili rito. May mas nami-miss ako. May mas magandang lugar akong nagugustuhang manatili.

Gwyneth and Gale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon