Home
Maaga ang naging uwian namin Monday nang may pasok na ulit dahil may general meeting ang mga teachers.
Kinailangan pa tuloy ni mama na saglit na puntahan ako sa school upang sunduin. I should've say to her that I can go home now by my own and just get myself a tricycle. Kagaya na lamang noong nagawa ko kahapon but for sure she won't allow it. Baka nga ay magulantang pa iyon kung ikkwento ko ang tungkol sa nangyaring mag-isa kong pag-commute at tuluyang masisira ang pilit kong pagtakip sa bwisit na Chysler na iyon.
Buong araw kong iniisip ang nangyari kagabi at ang pagkabahala ko na paano kung may gawing masama ang Chysler na iyon? Paano kung balikan niya ako't maghiganti sa sakit na natamo? Baka hindi naman, unless he want to put a stain on his name. Balak pa ngang tumakbo sa susunod na halalan. Definitely, I won't give him my vote!
Muling bumalik si mama sa naiwang trabaho. Muli akong pinaalalahanan sa kung ano-ano at baka nga raw magkaroon na naman sila ng overtime sa work. Nang tinanong ako kung ano pang ibang kailangan ko, humingi na ako ng pera. Nagtaka siya roon at nagpalusot na lang ako na kailangan ko bukas para sa project at hihingin ko na ngayon para hindi makalimutan bukas. Sa huli, pumayag naman na siya.
Lumabas ako ng bahay bitbit ang perang hiningi kanina. Mas malamig na ngayon ang paligid, pagpapaalalang nalalapit na ang Pasko. Ilang araw na lang din at Christmas break na.
I should be excited like most people feel pero hindi ko ata magagawang salubungin nang matiwasay ang holidays sa naranasan at sa naiwan pang bigat ng damdamin mula sa isang taong alam kong mahalaga sa akin.
Yes. I already confirmed it by myself. Sa ilang buwan naming pamamalagi rito't hindi pagkikita o pagkakausap muli sa kanya ay nagbigay sa akin ng pangungulila.
Those days when I'm not with him and not talking with him made me realize something. Something strange. Hindi ko inaakalang maiisip at mararamdaman ko nga. At first, I was in denial, probably from the very start we met until we knew each other, I stayed in denial and that's one of the biggest mistakes I've done.
And yes, I'm still jealous of that girl he's with that day. Oo, nagseselos ako. Selos pala ang nararamdaman ko at hindi iba pa. Hindi galit o inis o irita kundi selos. I don't really care if we'll be seen by that girl. That's why I'm here. To clear things up. Para na rin mabigyang linaw ang lahat. At ang sugat niyang natamo na hindi nagpatulog sa akin nang maayos buong gabi.
I'm not expecting for an orange skies that afternoon because the weather's not that good the whole day. The skies color was only a blend of indigo, pale purple and dark blue. A little bit dark and dim color for a sunset but I guess this will all do.
I didn't see him work in the fields kaya medyo nag-alala ako. Nakauwi kaya siya kagabi at nakatulog nang maayos? Hindi siguro siya nagtrabaho, baka masakit pa ang sugat. But the biggest question is, where did he got it? I'm frightened that he got into a fight. With whom? Kung sino man ang nakagalit niya at gumawa ng sugat sa pisngi niya ay hindi ko mapapatawad.
Akala ko nandito ka... sabi ko sa isip ko nang matapos umakyat sa burol ay makikitang wala palang Gale doon. Dumaan sa isipan ko ang nakita ko noong tahimik na pag-uusap ng dalawa, pero agad ding nabura. Akala ko nandito siya? Para kanina kasi may naririnig akong ingay? Parang pagpukpok ng martilyo kung saan?
"Gale?" Papasok na ako sa kakahuyan nang nagpagulat sa akin ang malamig na boses nito.
Napalingon ako sa maliit na bahay doon. Hindi naman siya diyan nakatira, hmm nagpapahinga?
"Anong ginagawa mo?"
My eyes immediately stuck on the band aid on his left cheek. He avoided his eyes. Ngayong malayo kami, hindi halata ang pasa sa gilid ng labi nito. Siya lang ba mag-isa? Or is he with someone...
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...