10

38 0 0
                                    

Help

'Yung akala mo na okay na ang lahat pero hindi pala. Nakakabwisit na laging ganoon ang nangyayari. Busangot kong nilagok ang unang tableta ng gamot ko sa araw na iyon.

Isinalin ko din ang tubig mula sa babasaging pitsel at padabog kong ibinagsak sa countertop. Kulang na lang ay magkaroon ito ng lamat at mabasag sa lakas ng pagkakababa ko.

Gulat na binalingan ako ng aking ina, "Oh, Gwen, dahan-dahan."

Linggo ngayon at wala siyang pasok. Ngayon lang ulit siya magtatagal sa bahay dahil Linggo lang ang araw na wala siyang pasok kaya sinusulit niya ang araw na ito sa pag-aayos ng nga gamit o 'di kaya naman ay ang paglilinis, madali na lang din ang paglalaba dahil sa mga araw na may pasok siya'y inuutos niya ito sa kapit-bahay na willing maglaba ng kaunti naming damit (dahil kami lang naman dalawa) at binabayaran na lang niya. Ngayon ay naisipan niya namang linisin ang nabubulok ng hardin.

Complete with gloves and mask, she started to do the cleaning. Kanina'y nauna niya nang walisin ito at nang matapos ay ginupitan ang mga damo. Pasilip-silip lang ako doon mula sa pagkakaupo sa sofa sa sala. At nang mabagot sa pinapanood sa telebisyon ay pinuntahan ko na rin ito doon. Patuloy naman ang paalala niya na doon lang ako't huwag lumapit dahil maalikabok na hindi naman ako interesado. Panonoorin ko lang ang ginagawa niya habang nakasandal ang kaliwang balikat sa pinto pabukas dito sa hardin.

"Uy! Andiyan ka na pala e. Dali at tulungan mo akong buhatin itong mga paso!" Si mama nang maibaba ang mask na suot at tumagos ang paningin sa kung sinong kausap nito.

Bago pa ako makalingon ay nasa hardin na agad ang kausap niya.

"Good morning iho, ha. Pasensya ka na talaga at napaaga ang pagtawag ko sa iyo, gusto ko na kasi talagang tapusin itong paglilinis dito sa garden at nang mapahingahan na rin paminsan-minsan." Pinunasan ni mama ang pawis niya at puno ng sinseridad ang pagkakasabi sa lalaki.

"Good morning din po. Hindi po, ayos lang." Sagot nito na nakangiti.

Lumipat ang tingin nila sa akin. Muntikan na akong mabuwal sa pagkakasandal ko sa pinto at parang nanghihina ang mga braso kong nakaekis sa dibdib ko nang tumingin siya. Bakit nandito 'to? Sinasadya niya bang pumunta rito. Ngunit nang marinig ang pakay at si mama na mismo ang nagpatawag sa kanya ay nawala ang naiisip kong iyon.

"Good morning din, Gwen." Aniya at ngumiti rin.

Hindi nagtagal ang pagkakatitig na iyon dahil nagsimula na siyang utusan ni mama na buhatin ang pasong itinuro niya. Hindi ako nahihiya na hindi man lang tumugon sa bati niya at nanatiling walang ekspresyon.

Lumapit sa akin si mama at may ibinulong, "Hindi mo man lang binati ng magandang umaga." Pasimple niya iyon ibinulong sa dismayadong mukha at saka dumiretso siya sa loob para siguro may kuhanin.

At ako pa ang bastos ngayon. Great. Tumingin ako sa lalaking nagbubuhat na ngayon ng malaking jar gamit ang naiinis-ako-sa'yong mga mata.

Sa una'y nakataas ang kilay niyang nakatingin pabalik sa akin at nang mapansin ang masungit kong itsura ay nagsalubong nang kaunti ang mga kilay nito at parang nagtatanong. Kulang na lang na pagalawin ang labi nito sa mga katagang 'anong ginawa ko?' Kainis! Pa-inosente!

Maarte kong pinaikot ang mga eyeball ko sa harap niya at nanatiling magkaekis ang mga braso, acting coolly and normal, pilit na pinagtatakpan ang awkwardness na nararamdaman. May malaking parte sa akin na gustong-gusto nang umalis lalo pa't nasa harapan niya ngunit nagdikit ata ang mga paa ko rito at ayaw nang maalis. Baka pa mas mag-init sa akin si mama at sabihan naman ako ngayong walang modo at galang sa bisita kung magkukulong ako sa kwarto.

Gwyneth and Gale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon