First Aid
"Ayos ka lang?" Ani ng lalaking lumapit kay Gwen na ngayon ay basang basa na ang pisngi at mata dahil sa pagluha.
Muli nitong inalala ang nangyari at pinigilan ang sariling mapaluha ulit.
Naglahad ang lalaki ng palad nito upang tulungang makatayo ang dalaga ngunit hindi nito tinanggap at sa halip ay mabilis siyang tumayo at pinagpagan ang sarili't pinunasan ang mga luha. Tumingala sa kanya ang lalaki at bakas pa rin sa mga mata nito ang pag-aalala.
"A-Ayos lang ako. Don't mind me."
"Are you sure? Baka nasugatan ka, pwede nating gamutin," alok ng lalaki na ngayon ay tumayo na rin. Hindi maiwasan ni Gwen ang mamangha sa built ng pangangatawan nito at mas lalo pa, ang katangkaran nito, na halos hanggang dibdib lamang siya.
Iniwas ni Gwen ang tingin at maagap na tinanggihan ang alok ng binata. "Hindi na." Giit ni Gwen na umiiling pa.
"I may be a stranger to you, but I'm harmless. I swear,"
Napalunok si Gwen at hindi alam ang sasabihin o ang gagawin. Iniisip niyang iniisip siguro ng lalaking ito na baka hinuhusgahan niya ito.
"No. Ayos lang talaga ako."
Nanahimik ang paligid ngunit kalauna'y nakabawi rin.
"Pagpasensyahan mo na 'yung mga batang iyon. Mga bata e, sadyang makukulit. Pagsasabihan ko na lang siguro." Right. Those kids need a dosage of respect.
"Do you know them?" Tanong ni Gwen na ngayon ay bumabalik na ang inis na nararamdaman sa nangyari at ginawa ng mga bata kanina. She wants to tell it to her mom and punish those children or their parents for being irresponsible for their sons and daughters. Pero naisip niya na huwag na lang, na hindi dapat, dahil kung nagkataon, mapapagalitan siya lalo.
"Mga kapit-bahay. Bagong lipat kayo?" Tumango si Gwen sa tanong ng lalaki bilang pagtugon.
"Saan ka-"
"Doon lang, sa may baba. The big house with white paint."
Tumango ang lalaki. "Medyo malapit lang pala sa amin. Ilang lakad lang mula sa inyo ang kinatitirikan ng bahay namin." Bigla ko tuloy naisip kung kanila ba ang isang bahay roon na malaki rin bukod sa amin at gawa sa semento na moderno ang kulay, iyon nga lang, masyadong luma ang disenyo nito ngunit hindi maipagkakailang maganda lalo pa't mukhang bago ang ipinalit na kulay. Palagay ko rin ay dalawang lang iyon ng bahay namin ang pinakamalaki rito. May mga kabahayan rin naman na gawa sa semento ngunit hindi kagaya at kalaki ng amin at ng nakita ko roon, isang araw ng madaanan namin iyon ng van na sinasakyan papunta sa bagong bahay.
Napatunayan kong ang probinsyang ito ay hindi na tago sa pagkamoderno at nahalikan na rin ng sibilisasyon base na rin sa development at ayos ng mga kabahayan. Ang tanging nagpapaalala lang na ito nga ay probinsya ay dahil sa lugar, kakahuyan, mga hayop na kasama sa kabuhayan, iilang kulungan ng itik, manukan at kalabaw o 'di kaya'y mga kambing sa hindi kalayuan pati na rin ang mangilan-ngilang bahay na gawa sa kawayan at nipa.
"Iyong mga bata kanina, mga kapit-bahay ko ang mga iyon. Pasensya na talaga at nagulo ka ng mga iyon. Siguro ay nanibago lang talaga sa may hindi nila kilala at saka dito rin sila madalas maglaro at pahingan nila itong lilim. Nabigla lang siguro ang mga iyon, at alam mo na... mga bata e, sadyang matitigas ang mga ulo. Sana ay hindi maging sagabal iyon sa pamamasyal mong muli dito."
Mahabang paliwanag niya. Napakunot ako ng noo, bakit niya sinasabi sa akin ito, tinatanong ko ba? At 'yung sinasabi niyang nabigla? Grabe naman ang mga batang iyon mabigla, nananakit. Nawala na tuloy sa pag-iisip ko na lumabas muli ng bahay, at lalo ang mapadpad rito dahil ikapapahamak ko lang pala dahil sa mga maldita at malditong mga maligalig na bata. Sayang at ang ganda sana rito mamasyal at magliwaliw minsan at malakas ang hampas ng hangin at malawak ang mga tanimang matatanaw. Maganda rin kaya ang sunset rito? Pinilig ko ang ulo, wala akong pake kung maganda ang paglubog ng araw dito.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...