So Bad
Anong kasalanan ko?
Ayan agad ang unang pumasok sa isipan ko. Anong kasalanan ko at sinabi niyang ayaw niya na akong isama sa susunod?
Mabilis akong lumingon sa kanya, medyo gulat at hindi makapaniwala. Ready na sana akong magsalita nang bumalik si lola Pasing.
Akala ko'y matatagalan pa kami ng kaunti ngunit nadagdagan lamang ng pagkagulat lalo nang pormal na na nagpaalam si Dong sa matanda. Wala naman akong magawa at sumunod na din sa kanya.
Kaya lang habang naglalakad kami pabalik sa truck ay nagsalita na ako. Nauna siya sa aking maglakad kaya kaharap ko ang likod niya na tumigil.
"Anong ibig mong sabihin kanina? Ayaw mo na akong isama sa susunod? Bakit?"
Sa pagkakataong iyon ay tila nakalimutan kong maraming taong dumadaan pero nawalan ako ng pake at naiinis na sa taong kausap ngayon.
"Umuwi na tayo." Aniya nang bumaling sa akin.
"No. Bakit nga? Dahil ba sa nakaharang ako kanina? Ang lame naman ng dahilan mo. Nakukulitan ka ba sa akin?" Lalo akong nainis sa sariling konklusyon na huling sinabi.
Tamad niya akong tiningnan. "Oo. Nakukulitan ako sa'yo."
Wtf? Parang niyurakan ang pagkatao ko doon. Ano ako, batang paslit?
I laughed with irritation. Gan'on? "Okay. Fine. Next time hindi na ako magpupumilit. As if namang sasama nga ako sa susunod,tss." Umalis ako sa harapan niya papasok sa marami pang nakahilerang tindahan.
"Gwyneth! Nandito ang truck!" Turo niya sa kaliwa. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy sa paglakad.
Tahimik akong nagtingin-tingin sa mga paninda sa paligid. Hindi sa dahil bibili ako, I don't know. Gusto ko lang makita. Ramdam ko ang pagsunod niya sa likuran ko.
"Ba't ka sumusunod? Bumalik ka na doon." Kausap ko nang hindi siya hinaharap.
"Uuwi na tayo."
"Hindi pa madilim. Kung gusto mo mauna ka nang umuwi."
Oo at hindi pa nagdidilim. Nanatiling papalubog pa rin ang araw. Para bang mas mabagal ang sunset dito sa probinsya.
"Sinong magsusundo sa'yo?" He said it na parang nanghahamon siya.
"Uuwi ako mag-isa! Malaki na ako at hindi na ako bata!"
Kahit na mahinang dahilan iyon, pinakawalan ko pa rin. Hindi siya nagsalita. Opposite to what I expect. Hinihintay ko ang pagsabi niya ng,
Talaga? Alam mo ba ang lugar na ito o may alam ka ba sa lugar na ito?
O kaya naman ay
Anong sasakyan mo? May pamasahe ka ba?
Alam niyang wala at handa na akong magdahilan kung sakaling natanong niya ito sa akin ay magsisinungaling ako. Sasabihin kong mayroon. Nagkunwari lang akong wala kay lola Pasing kanina para excuse sa pagtanggi. But will he buy it, anyway? I bet he won't. Maski ang sarili ko'y tinututulan ang naiisip ko! Paano kung ganoon nga? For sure I'll find a way. Kung kailangang maglakad papunta, gagawin ko. But isn't it scary? Baka mapahamak ako!
Tang ina ano ba itong naiisip at nararamdaman ko?
Huminto ako. Ngayon lang tinatablan ng guilt. Masyado akong nag-aaktong immature, shit. Should I say sorry to him? Bigla na namang umakyat ang kaba sa akin. Knowing na nasa likuran ko lang siya, and the thought of saying my apologies despite of our useless arguments earlier makes me feel small. I sighed.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...