Fun
Days and weeks passed. Halos magdadalawang buwan na rin kami ni mama rito. At dahil nga sa bakasyon ngayon ay kaliwa't kanan ang mga fiestahan.
"Naku talaga mare! Talagang masaya! May gaganaping programa na pangungunahan ng presidente natin!" Nahagip ng tainga ko matapos dumaan sa sala at dumiretso ng kusina para makainom.
Tamad kong nilagpasan ang nag-uusap usap na mga nanay, kasama na ang mama ko. Pinatuloy kasi sila ni mama upang magkwentuhan daw kahit saglit at inalok na kumain ng miryenda. Nasa kwarto lang ako nagkukulong at bumaba para uminom ng tubig at ito ang topic ng usapan nila na nadatnan ko. Hindi ako sanay na makinig sa usapan ng matatanda pero dahil may tainga naman ako at natural na makakasagap ito ng tunog o boses ay hindi ko na rin naiwasang makinig pa sa nalalapit na pista. Ni hindi ko man lang sila sinulyapan ng tingin pero dahil sa narinig ko ay napalingon ako nang sa pinto palabas ng kusina.
"Taon-taon pa may sayawan! Sa totoo nga ay sa bayan talaga ang magarbo e pero dahil pinilit namin itong imungkahi ay natugunan din kaya ayun, halos pagsawaan namin ang magdamag na disco!" Halakhak ng bagong kumare ni mama.
Magdamag? Imagine kung gaano kaistorbo iyon para sa ibang tao na natutulog na sa ganoong oras!
"Oo nga mare! Feeling mo talaga dalaga ka ulit du'n lalo pa't diskuhan e."
"Isasayaw ako ng asawa ko!" Nagsipagtawanan ang mga nanay na kinikilig kilig pang parang teenager. At lumingon ako kay mama. I realized that the mentioning of husband is sensitive for mama but it doesn't show on her face. Nagawa niya pa ngang makipagtawanan sa mga kausap.
Matagal nang wala iyon at sa tingin ko'y matagal na ring nakamove-on si mama sa isyung iyon at sa asawa niya... o sa papa ko. Kitang kita ang kislap sa mga mata niya habang ikinukwento ng mga kumare ang magiging itsura ng pista. Masaya ngunit ang pangunahin nilang itinutumbok na kasiyahan ay ang diskuhan. Siguro ay nami-miss niya na ang ganoon? Ang isayaw.
Ang alam ko ay nakamove-on na siya pero final na ang desisyon niyang hindi na muling magbukas pa ng puso para sa iba. Pero dahil sa itsurang iyan ni mama ay kahit na ilang beses tinanggihan ang mga manliligaw ay patuloy pa rin ang pagpasok ng mga may gusto. Pero wala e. Matibay ang desisyon niya. Kung sakali mang mabuwag iyon ay hindi din ako papayag. Ayokong magkaroon ng step dad 'no! At mukha naman na siyang happy being single. Hindi ko nga lang maintindihan kung ba't may mga pag-ibig na binubuo at ipinaglalaban, ngunit sa huli ay malulusaw rin at doon mapagtatanto mong hindi ito worth fighting for.
Masigla at magulo magkwento ang isa sa mga kausap nila. Bawat kwento ay may actions at gestures pa kaya naman hindi magkamayaw sa kakatawa ang mga nanay. Tinitigan ko ang mama ko habang umiinom sa isang baso ng tubig, halos maiyak na sa kakatawa at namamangha rin sa kwentong pista na ibinibida ng mga kasama. Naisip ko, hindi rin naman pala masama na may mga ibang tao dito, basta mga babae't kaibigan ni mama. At least, nagkakaroon ng kaunting ingay at buhay itong kabahayan. Para rin may ka-chikahan ang kasama ko sa bahay at heto ako makikinig lang at kapag muling narindi ay aakyat lamang sa kwarto.
Kasingbilis ng pag-ihip ng hangin ang pagdaan ng mga araw. At sa bawat tahimik at nakakabagot na araw ay ang lalo namang paglapit ng pinakahinihintay na fiesta. Hindi lang ng mga kumare ni mama kung hindi halos lahat ng tao rito sa probinsya ay halata mo nang excited. Sa nakasarang salamin ng bintana sa kwarto ko ay sumilip ako sa mga taong nagkakaisang magkabit ng makukulay na banderitas. Lahat sila nakangiti at nagbabayanihan kahit kita mo pa lang ang banderitas na pinagtulong-tulungang gawin ay gawa lamang sa iba't ibang kulay ng plastik.
Ang mga dinisenyong plastics ay ikinabit sa isang mahabang tali. Mga kalalakihan ang sumasampa sa hagdan at silang nagkakabit doon sa kung saang pwede kabitan na tinutulungan at inaalalayan lamang ng iilan, mapababae, mapalalaki at may mga bata rin. Ngunit karamihan sa mga bata ay naglalaro ng habulan, nasisita tuloy ng mga matatanda dahil nanggugulo sa mga nagkakabit ng banderitas.
BINABASA MO ANG
Gwyneth and Gale
Teen FictionMalamyos na huni ng mga ibon, maingay na sigawan sa utak. Tahimik at kalmadong mga bulaklak, nagwawalang puso sa dibdib na animo'y gustong makaalpas. Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka tatakbo? Hindi mo mamamalayang sa direksyong iy...